Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2006

My so called older sister.

Bata pa lang kami madalas sabihin na kambal daw kami. Para kasi kaming pinagbiyak na bunga nung mga bata pa kami. Pero nung tumanda kami, narealized namin na hindi. Nga pala mas matangkad siya sa akin. Kaya mas napagkakamalan na mas matanda sa akin ang kapatid kong ito. Mas maganda rin siya sa akin. Palibhasa kikay. Kahit sobrang tipid sa paggastos...kikay siya at alam nya mahalin ang sarili nya. Hehe di katulad ko dati. Ginusto nya ang iba't ibang propesyon. Nung bata kami gusto nya raw magtrabaho sa Goldilocks Haller para raw maka-sneak in siya para kumain ng maraming cakes... At habang lumalaki ang bruhang ito ay ginusto nya naman maging officer sa school sa ROTC . At nagawa niya. Sinubukan nya rin pumasok sa Army sa pamamagitan ng kursong criminology ... Would you believe that?!!!Sa kikay ng kapatid kong ito, naisip nya yun? Hindi rin ako makapaniwala... Pero oo ganito tumakbo ang pag-iisip ng babaing ito. Hindi lang masyadong naging maganda ang takbo ng career ng kapatid ko. ...

Bread Shared

Sigh! Gusto ko na lang matapos ang lahat ng problem ko. Pero Jesus has reminded me again of one promise... Na may end ang lahat ng ito. I can feel His presence sa kahit saan lugar... lalo na sa mga moments ko na nalulungkot talaga ako at naiiyak na sa sobrang sakit. Its been months yeah.. Pero this week... hopefully matapos na. My bread reveals me today na Jesus undergoes the same struggle. Magkaiba lang kami dahil mas mahirap sa kanya. He saved the world. He saved mankind. He suffered. Maliit lang ang suffering ko kumpara sa Kanya. But the most striking words for me today is yung prayer nya sa Mount of Olives ... Luke 22: 42-44 "Father, if you are willing, take this cup from me; yet not my will, but yours be done." An angel from heaven appeared to him and strengthened him. And being in anguish, he prayed more earnestly..." Hindi ko alam kung may end. Pero I trust You my life. "Yet not my will, but Yours be done" Sigh!

Dying...

Halos ilang weeks na rin na halos wala akong post. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin. Pero ang alam ko may problema. Problemang kailangan ng solusyon Ngayon week na ito andami kong pinalampas na pagkakataon para magawa ko ang isang bagay na dapat matagal ko ng ginawa. Hindi ko na pinapansin ang nararamdaman ko at halos nagiging manhid na nga ako. Naalala nyo yung testing ko? Hindi ko pa rin yun tapos… =( Nalulungkot na ako talaga…pero kalian ba ako magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita? Kailan ba ako matuto na magsabi ng totoo kong nararamdaman? (Paalala lamang sa mga malisyoso…hindi pag-ibig ang problema ko…) Minsan naiisip ko na wala na siguro itong katapusan…Pero alam ko na Siya lang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. Pagod na rin ako. Buti na lang andyan Siya, ang walang sawang nagbibigay sa aking ng lahat ng lakas na kailangan ko… Sa pagsusulat… Sa pagsusulat ko nasasabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero sa isang iglap napan...