Sa wakas…nakapagpost din. Hindi naman ako sobrang busy pero sige na nga medyo lang. Medyo nag-aadjust pa ako sa bago kong work. Sa mga tao na nag-aalisan din not I think because of the management failure to retain them but because may opportunity lang talaga sa labas na mas ok. Hindi ko pa rin masasabi ok na ok talaga dito but as of now, ok naman talaga. Marami lang talaga akong iniisip na minsan napupuno na rin ang utak ko. Hindi nare-renew ang brain cells ko. Nakalimutan ko ng magsulat, mag-blog. Ito nga pala ang form of relaxation ko ang magtayp at sabihin ang lahat ng gumugulo, nakakasaya at nakakalungkot sa akin. Teka bago pa kung saan mapunta ang usapan…simulan ko na ang kuwento. SYKES – ang SYKES parating laman ng isip ko sa araw-araw na lang, yung incoming projects ko sa Branding at sa kung saan saan pa. Napi-pressure ba ako? Actually hindi nila ako masyadong pini-pressure pero ako lang talaga ang may problema. Ako ang nagbibigay ng pressure sa mga bagay-bagay. Haha! At dahil ...