Kung may gusto lang akong sabihin eh yung mga nilalaman na ng utak ko. Alam nyo…kahit ang karamihan sa nakakakilala sa akin ay magsasabi na maingay ako…pwede rin talaga ako maging tahimik. Sa pagiging tahimik kasi ako nakakapag-isip…nakakapag-weigh ng decisions…at dun din sa solitary moment ko na yun naiisip ko ang mga pwedeng mangyari in the future. Ako talaga yung taong maraming plans. Kasama na rin siyempre dun ang naplanong kong plano kapag may failures. Just to be ready when worse comes to worst. Sinabi ko na hindi talaga ako super organized na tao pero nag-aaplay lang yan on keeping things…Pero the rest…I organize na. Sa sobrang busy ko na tao hindi ko naman kayang pagsabay-sabayin ang lahat ng appointments ko sa bawat araw. Pero minsan pinagkakasya ko talaga. Nakakapagod pero masaya na rin ako at the end of the day na natapos ko silang lahat. Yun lang di ako si darna para gawin yun parati …nade-depress din ako kapag may hindi ako napuntahan o may hindi ako natapos na gagawin. Ha...
My Crossroads stories