Just happy to hear todays' news!
God cares for me....
This past few days became tough ones for me. But God lift it all up for me today!
Thanks so much! http://www.rbc.org/odb/odb-09-27-04.shtml
Nagiging malulungkutin ako nung mga nakaraang araw. Bakit nga ba? Actually halu-halo e. Work, personal life, at siyempre kasama na rin spiritual. Nito lang kasing mga nakaraang araw ay nararamdaman ko ang ilang mga pagbabago sa akin... Na nakapagpabigat ng kalooban ko. Alam ko may mali... At siyempre matagal kong nalaman na may problema...at sa akin yun.
Mga Ilang Dahilan
Naramdaman ko ang iba't-ibang sitwasyon..narinig ko ang ibat-ibang salita mula sa bibig na mga taong iba't-iba ang edad at karanasan... Sino ba naman ang hindi maiimpluwensiyahan sa ganitong sitwasyon...
Teka may gusto lang akong linawin ha...Hindi masama ang tingin ko sa kanila... Meron lang silang paniniwalang kaiba sa akin. Nirerespeto ko yun gaya ng pagrespeto ko sa kanila. Paglilinaw lang po.
Opo. Tao lang po ako para maimpluwensiyahan. Masaya nung una...Pinilit ko pa ngang dayain ang sarili ko na wala naman silang epekto. Pero nagkaroon pala. At isa yun sa mga naging dahilan para maging malungkot ko at matulala.Nararamdaman kong nakakasakit na ako…Akala ko pagtatanggol lang sa sarili…Ngunit iba pala ang naging epekto nito… Ang mas higit na nararamdaman kong lungkot dahil sa isipin na nakakasakit na ako. Ibig sabihin mas higit akong nasaktan sa mga ginagawa ko.
Pangalawang maaring dahilan ng pagkalungkot ko ay ang isang tao. Isang taong pinagdarasal ko. Marami naman akong taong ipinagdarasal e. Kaya lang ang medyo espesyal kasi sa akin ang taong ito. Nalungkot lang ako ng nabalitaan ko na nakikita kong mas masaya siya sa iba. Marahil natural lang na reaksiyon yun... Pero gayunpaman, isa yun... sa mga dahilan ng pagkalungkot ko... Nakakatawa talaga para sa iba...pero nalulungkot ako...Alam ko hindi yun maramdaman ng iba... Kaya marahil mas lalo akong nalulungkot...
At nitong huli lang, naramdaman ko ang ilang lamat sa relationship ko kay God. Naramdaman ko na lang na parang nawawalan na ako ng direksyon... Tila may daanan ngunit walang liwanag para makita ko kung saan ako papunta... Ginawa ko ang lahat ng paraan para ma-reorganized ang mga plano ko... Baka lang nadi-disorient e...Pero nalaman ko may mas malalim pa pala na dahilan.
Dahil dito, binigyan ko ng solusyon ang mga bagay na bumabagabag sa akin.
Tatlong araw akong nagdesisyon na mag-fast ng isang meal... sa pinakapaborito kong time na kumain - ang DINNER. Naging mahirap talaga sa akin. Ngunit naramdaman ko ang kasiglahan matapos ang pagtitiis ko. Marami akong natutunan sa ilang oras na pagtitiis ko sa gabi para hindi kumain... Tila nagising ang kaluluwa ko...Basta iba talaga yung feeling...Maybe at those times, the holy spirit is working on me... Giving me hope and strength again.
That 3-day (1-meal) fasting I know rejuventes my soul...
Now...
Kakausap ko lang sa kanya kaninang umaga. One on one. Sinabi ko ang lahat ng hinanakit ko at lahat ng nararamdaman kong lungkot... Lahat ng puwede kong sabihin...may sense at wala...binanggit kong muli sa Kanya ang mga plano ko. Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko. Marami siyang tao ipinadala ngayong araw para pasayahin ako. At lubos akong nagpapasalamat sa Kanya dahil nararamdaman kong nagbabalik ako uli. May lakas at pag-asa ulit . :)

Comments