Skip to main content

HOME = BEST PLACE ON EARTH ?

Ang mga pinoy meron na talagang ganitong kasabihan noon pa. Positibo naman talaga kung iisipin di ba? Pero may negatibong implikasyon rin pala ang kasabihan na ito...

Sa book ni Bo Sanchez na The Past does not define your future, nakita ko yung bad side ng saying na ito... sad pero totoo. TUnay nga na magaling siyang manunulat..dahil nakita niya ang mga salitang ito sa ibang aspeto.

Narinig kong nag-uusap ang mga call center agents sa CR...(Siyempre ladies CR un no... )

Agent 1: "Hirap talaga ng GY no? ANg hirap talaga kumita ng pera."
Agent 2: "Oo nga. Pero narinig mo ba yung pinapagalitan kanina yung kasama natin...bago lang ata yun e... PInahiya talaga siya... Syaks parang gusto ko ng lumipat"
Agent 1: "Ayoko ng lumipat... Andami naghahanap ng trabaho ngayon... Ayoko ng maghanap... Nakakapagod... Dito na lang ako."


Grabe no? Kung titingnan parang playing safe lang naman talaga si Agent 1. Totoo naman mahirap humanap ng trabaho bukod pa sa talagang magastos. Pero nakita na agad ni Agent 1 ang masasabi nating "home" nya sa kompanyang kahit masama ang trato sa mga katulad niya... Ano baaa... Paanong nangyari? Ano bang "home" ang tinutukoy dito?

Ang "home" na tinutuky ni Bo sa kanyang libro at ang "home" ni Agent 1 ay ang tinatawag nating "kinagawian o kinalakihan" natin. Maaring ito yung comfort zone natin kung ang kinagawian natin ito ay nagbibigay ng positibong epekto sa atin. (Kasi masaya dun e, kasi ok ang mga kasama ko...kahit di gaanong ok ang suweldo...) Maari rin yun yung nakagawian o nakalakihan natin na kahit negatibo ang epekto sa atin, nakasanayan na natin na ginagawa o nakikita sa paligid ng matagal na panahon. Kaya ang epekto pag nawala...hinahanap na rin natin (kadalasan unconsciously) sa ibang bagay, lugar o tao .

Wag kayong maguluhan (for sure naguguluhan na kayo...) Pero nakita kong may negative talaga sa kasabihan na ""home" is the best place on earth". Para sa akin... ang kasabihan ito ang pumipigil para mag-grow ang isang tao. Maari din nyang hindi ma-enjoy ang mga bagay na maaring inihanda pa ng Diyos sa kanya...

Unconsciously paulit-ulit ito na ginagawa ito ng tao. Dala marahil ng maraming factors ng decision making.

PAGMUMUNI-MUNI

Siguro nga nakasanayan ko na rin na ganito...(I'm home!) Pinipili ng mga tao ang kani-kanilang mga "home" kasi nakayanan na nilang mabuhay sa ganun uri ng preso ng buhay. Pero isang malaking hamon lang sa atin ngayon ay kung kaya ba natin lumabas sa mga ginawa natin preso? Sapat ba ang lakas ng loob natin para lumabas? (Pero ang tanong diyan e aware ka na nandiyan ka sa loob? )

Preso man o hindi ang lugar na siyang tinuring natin "home"... Para sa akin, lumabas man ako hindi sa aking "home"...ay secured ako... Siguro kapag kasama mo ang Diyos sa pagdedesisyon... ili-lead ka naman niya sa mga plano niya para sa buhay mo. Kailangan mo lang siyang tanungin at isama siya sa pagdedesisyon. Tapos magtiwala ka sa kanya na mapasama man o mapabuti man ang resulta, magiging ok yun. Tutal siya naman ang may control ng lahat.

I mean kung may ganun kang security from Him. Pwede kang lumipad, manatili sa preso para sa kanya o lumabas na nakangiti... kasi in the end alam mo na meron pa rin magandang plano ang Diyos para sa iyo.

Comments

Anonymous said…
In any language, home is home!
http://simulatingnormal.blogspot.com/
melisah said…
wow! ang ganda ng mga story mo dito sis! keep up the good work!
Anonymous said…
okay i-add kita. i-add mo din link ko. :)
Anonymous said…
tapos na po kitang na-add. paki-add naman sa akin po. :)
Anonymous said…
bo sanchez had a point. Home isn't always the best place on earth. but then again, if it isn't the best place on earth, it can't be called home in the first place - you can always term it your place of work, place of birth, etc.
Anonymous said…
ang pagkakaintindi ko lang naman po sa word na home, is a place where you can find comfort at contentment.

dun sa 2 agents, cguro nga home na sa kanila ang magtiis sa isang bagay na di naman sila masaya. pro sa opinion ko isang cowardice ang pagdeny sa sarili mo kung ano yung deserve mo at tawagin mo etong home kung di ka na naman kontento o masaya.

'dont sell yourself short.' you deserve to have what u want kung masipag at matyaga at may ambisyon ka.
Kangel said…
@bwehehe

tama... don't sell yourself short... amen to that... ;)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...