Skip to main content

Bad News and Good News

Bad News

Been long quiet. Pero ito na magsasalita ako.

Sa totoo lang medyo nakakapagod na yung mga events. Para ayaw tumigil kasi sa pagdating. Puro pag-alis. Nakaka-down. Nakaka-demoralize. Naiintindihan ko ang both parties. Pero heto wala akong magawa at wala akong makampihan dahil alam kong parehas silang tama.

Naranasan ko na rin ung feeling na nadedehado ka. Naramdaman ko na rin yung pagkainip at pagkawala ng interes sa ginagawa mo. Yung iba kasi ito ang nararanasan…Andun ung pagkukumpara. Hindi naman maiiwasan yun. Hindi na yun mawawala. At siyempre kailangan mong magdesisyon. Desisyon na makakapagbago sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Di bale, araw araw mo naman ginagawa ang magdesisyon di ba? Marahil isa lang ito sa mga desisyon na ginawa mo o gagawin pa lang. Haay!

Sana lang muna kahit saglit tumigil na… Hindi na kayang dalhin ng utak ko… Ambigat lang sa pakiramdam…


Good News

Nagkaayos na kami ng sister ko. Matagal ko na rin kasi siyang napatawad talaga pero hindi ko na lang muna siya kinibo para matutunan nya ang leksyon ng ginawa nya. Nakita ko naman na nagbago na siya. At higit sa lahat namimiss ko na siya…kaya hayun kiss ang make up na kame. Nag-hug lang kame at umiyak siya…Namiss rin ako ng loka…Haha! Oh well…I hope she has learned her lessons…. =)

Hay sa totoo lang ako yung tipo ng taong kapag nagalit talaga ng sobra as in sobra… ay nahihirapan talaga akong magpatawad… Nahihirapan pa rin tlaga akong mawala ung trait ko na yun…pero lahat naman yata ng tao e…Pero gusto ko sana na magpatawad ng mabilisan para sana maayos ang problema. But God knows I am really working on it para maalis…His love keeps me going….Well what triggered me to do it? It’s Him – Jesus. He reminded me that He has forgiven my sins. I remember the sweet reality and truth of the cross. Na yun ang dapat kung gawin sa mga taong nakasakit sa akin. To forgive…=)
Oh well an article reminded me the meaning of the word forgiveness.

To forgive the person is to forget all the bad things he has done to you. Yung hindi mo na gagamitin yung past na ginawa nya everytime na may away kayo. Na hindi mo na ire-recall o gagamitin ang ginawa nya sa iyo para maging panumbat o mapahiya siya. Yun sa palagay ko ang totoong meaning ng forgiveness ang tuluyang paglimot ng bad record nung tao.


Mahirap? Yeah mahirap…Pero may nakagawa na nun…He is Jesus…our Lord and Savior. He has forgiven our sins…Kaya rin natin yun….hehe kahit mahirap…pero kaya ;) di ba?


Oh well tapos na mga tasks ko…Punta na muna ako megamall…Haha!

Comments

Anonymous said…
aba inde kna nga busy hehehehe at may bago k ng post eh..good thing nagkaayos na kyo ng kpatid mo.

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...