Skip to main content

Answered Prayers

Ang tagal ko ng hindi nagba-blog. Nakakamiss na magsalita. Magtayp at sabihin lang ang mga bagay na kahit walang kuwenta pero pinagkabit-kabit ay nagkakaroon na ng sense. Ngayon nga hindi ko alam ang gusto kong kwento. Sa sobrang dami kasi ay hindi ko alam ang uunahin. Pero huwel… hehe umpisahan ko siguro muna sa pinakalumang naalala ko.

1. Maraming problems sa family ko lately pero lahat ng yun ay talagang binibigay ko na lang kay God. Sa totoo lang ginagawa ko na lang ang lahat ng bagay na pinapagawa nya sa akin. At nakikita ko talaga ang sarili ko sa lahat ng mga tungkulin na binibigay nya. Parang sinasabi nya sa akin na tigilan mo na ang pag-aalala ay ako na ang bahala sa iba mo pang problema. Pero lately nakita ang pag-worsened ng mga problema. But I did not worry and ang ginawa ko pa ay pa-easy easy pa ako. Pero kapag may pagkakataon ay nagdarasal talaga ako kapag di ko na kaya. I prayed all my worries and I ask for wisdom and strength to face them all. Mahina pa rin ako and I cried kapag hindi ko na nakakayanan talaga. Pero marunong talaga si God tumupad ng promises nya. Kahapon, isa sa mga prayer ko ang tinupad nya. I’ve never been happier.
Nalaman ko na tinutupad nya ang mga pangako nya sa tamang paraan na perfect timing para sa lahat. Dahil alam kong may hinintay rin sya na mangyaring pagbabago sa iba bago natupad ang siyang pinagdarasal ko. Gusto ko ma-amaze sa mga paraan Nya para tumupad ng isang pangako. Nakakatuwa talaga ang mga perfect timings Nya. Kaya minsan gusto ko ma-excite sa mga plano nya kung paano siya matutupad sa buhay ko. I am joyful dahil alam kong just ang kanyang pamamaraan sa lahat ng oras. And from there…I just learn to continue to trust Him more.

2. Heart Problem. Hehe. Ito siguro ang isa sa mga problemang alam ko naman sanay na sanay na ako pero ito pa rin ang tinuturing isa sa mga pinakamahina kong naha-handle. Kailangan kong humingi ng payo sa iba dahil alam kong ang “iba” ang totoong nakakakita sa sitwasyon. Kasi madalas kapag may mga ganito akong problema…umiikot ang utak ko. Pumapasok ako sa kakaibang mundo ng pantasya. Haha! Nakakatawa pero totoo. Anyway kailangan ko lang ng tapik at opinyon nga mga kaibigan para matigil ang kadi-daydream ko. Haha! At sa kabutihan palad naman po ay nagigising ako. At yun ang cause ng pananahimik ko at pagkalungkot ko lately. Hindi na nga ako masyadong nakakapagsalita. Parang akong may sapi sa araw araw na lang ng ginawa ni God. Anu baaah! Haha! Hindi po kasi ako tahimik at feeling ko magkakasakit ako kapag di ako nakapagsalita sa isang araw…Pero minsan nagagawa ko na tlagang manahimik na lang at hindi kumausap ng tao. May sapi nga ata ako. Haha!

Ano na po ba ang status ng problema?
Ganun pa rin. Pero pa-ok na ako. Nagwe-weigh lang ako ng mga advices ng mga kaibigan at nakita ko naman na tama sila. At gagawin ko naman ang dapat gawin. Pero mahirap talagang kalabanin ang sarili. Pramis! Mahirap talaga. Pero kaya ko pa naman. Andun naman yung will ko to end this all. Haay. Si God naman di nagkulang ng pagpo-provide sa akin ng strength and wisdom. Pero haay tao lang talaga. Pag di na nakakayanan…nagbu-burst out talaga ako ng emotions. Haay. Pero katulad ng pinapayo ko sa mga kaibigan ko pag may problem na katulad nito. May end din ang lahat ng ito. And God will never allow you to suffer for long. Trust Him.
At yun nga ang ginawa ko. =)

3. Good News and Bad News. Good news muna. Tinupad na ni God ang isa sa mga pinag-pray ko. At masaya ako na tinupad nya yun on the right time. Bad news…is bad news… I think di ko na lang sasabihin…Nalulungkot na ako iniisip ko pa lang.

4. Nagkasakit pala ako. I was diagnosed to have a beginning pneumonia. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sakit na ito. Pero hindi naman talaga ako sobrang napagod or na-stressed. 3 nights akong absent sa trabaho. GY shift ako noon. Haay. Nakagalitan po ako ng aking father at nasisi pa tuloy ang community sa pagkakasakit ko. But I love what I do on Sundays. Hindi ko naisip na pahirap sa akin ang lahat ng ginagawa ko. It’s for the glory of Him. Kaya naman alam ko na maiintindihan din ako ng father ko at alam ko rin naman na nag-alala lang talaga siya sa akin.
Latest update lang. Ok na naman ako. Pa-recover na matapos ang sandamakmak na gamot na nainom ko. Ang gastos sobra! Haha!

God has been so faithful to me these past few weeks. I learned that He has his own amazing ways to answer my prayers. He has his own perfect time. When I try to reflect back lahat ng naramdaman kong lungkot, frustration and feeling of hopelessness sa mga problems ko at sa mga nararamdaman ko, akala ko wala lang Siyang ginagawa. Pero meron pala. Naiisip ko ngayon lahat ng yung ay nangyari for a reason. All I have to do is to wait and let God fix everything and trust him that everything will be fine because I’m with him and He is with me. Masaya lang ako. I still have problems to solve…pero dahil sa mga nangyari…it just made me realize to trust Him more. And that gives me peace. =)

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...