Skip to main content

Updates..Updates

Hay naku... sori na pero di ko sinasadya. Madalas na tumaas talaga ang temper ko ngayon. Epekto na rin siguro ng kulang sa tulog, pagod at stress sa opisina. Wawa naman kanina napagtaasan ko ng boses ang mga kapatid ko.

Wala na nga akong time sa kanila..mainit pa ang ulo ko ano...(ano ba naman kasi ang ginagawa mo ha Karen?) I am rude.. Waah. Sori...= (

Haay kailangan ko talagang bumawi. Control my temper at i-treat ang sarili ko sa kung saan mare-relax ako. I need to pamper myself...para may maibigay din akong "pampering" sa kanila. =)

Miss ko na ang PETIKS!

Huhuhu! Nararamdaman ko na ang stress sa trabaho. Andyan ang UI, ang intranet requests/concerns at kung anu-ano pang kailangan aralin. Plus rakets... Oh well, meron naman talaga akong time for rakets...Dahil sila lang ang nakakapagpaligaya kahit papaano ng bulsa ko. The rest of my salary is for my family and savings and my long lists of projects for my family and for myself. Masaya naman akong nagbibigay para sa kanila...iba kasi talaga yung happiness na makikita mo pag masaya sila contented and enjoying not richer but contented life (yung hindi complicated, )... yung tama lang pero ok sa olrayt...Ganun.. Haha!

Dati sinabi ko na sa EPAC, petiks talaga dun. Pero walang challenge...Dito kahit papaano, nararamdaman ko ulit yung maging responsible sa lahat ng ginagawa ko. Dahil sa output ng work ko nakasasalalay ang information hindi lang sa iisang tao kundi sa buong kompanya...(Argh! Hindi mo naman masyadong pini-pressure ang sarili mo ha Karen?)

Buti na lang, kahit papaano may mga makukulit na tao na nakakapagpasaya sa akin. Isama na natin ang mga taong nakakainis dahil nakakatuwa rin sila para sa akin. Ang gulo no? Hehe. Naiisip ko sa utak ko kasi ang mga bagay na ginagawa nila tapos ang madalas kung ginagawa ay nilalagay ko ang sarili ko sa kanila...GINAGAYA ko sila ...yun. Haha...Panggagaya lang na may konting comedy at dun pa lang natatawa na ko... Haha! Ang hindi nila alam...nakakatawa sila talaga...haha!

Andami kong pending na gagawin...(Pressure na naman! Haha!) Oh well, isa-isahin lang natin yan. Bawi muna ako kay Lord dahil alam ko nasi-set aside ko na ang quiet time ko. Huhu! Namimiss ko na talaga. Pero sad kasi pagdating ko sa bahay wala naman akong ginawa kundi ang ipahinga ang pagod kung utak at pagod na katawan dahil sa forever biyahe. Sigh!

Bukas, kailangan ko ng magawa ito...
-Attend orientation sa epac -waah ilang centuries ko ng plano ito...hahaha!
-buy black flat comtfy shoes (pls lang! muka na akong isang uncertified nurse parati dahil white shoes parati ang suot ko sa opisina! Nyahaha! FYI. Nahihiya na ako dahil hindi naman ito sa akin...Sa kapatid ko ito. Haha!)

Sa pagtatapos ng updates na itech...

Naisip ko na mahal pa rin talaga ako forever ni God dahil kahit na sobrang pagod, stress at mga incoming problems, He will not end my day na malungkot ako. He will always have surprises and ways to make me smile. Kaya I'm still looking forward tomorrow...not for the problems that I am assigned to solve but for the surprise blessings He has stored for me. Kaya di ko namamalayan na tapos na ang week...haha! akala ko nga parati bukas is a Friday..Haha! Gets nyo...haha! Oh well thanks be to God...Amen! :)

Comments

M A K R E said…
sana araw araw may tinatwag na PETIKS HOURS. hahahahhaa
Mylene said…
medyo madalas talaga hectic sked sa office kaysa petiks days pero despite all of it, sana maenjoy mo pa rin =) sensya na, di ko na kayo nakakabonding...pero pwede nyo pa rin ako guluhin sa chat ah hehe.

good luck and galingan mo lang! alam ko kaya mo yan!
Just-iced said…
kangel, take it easy. kaya yan. ;p
Anonymous said…
miss na kita kangel :(

wahh..at kayo ang sanhi nang pagddrama ko ang mga umalis, aalis at maiiwan. this is just a phase. sigh.

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...

Shutdown computer virus... grr - solving it.. :)

My computer was infected by password-viewer.exe and pc-off.bat virus. A virus that when you type cmd on the command prompt, your pc automatically shuts down. Thank God to this article... This one saved me. :) Here it is. :) This is the symptom of a computer having bar311.exe virus A.K.A. winzip123. The virus comprises bar311.exe, password_viewer.exe, photos.zip.exe and pc-off.bat. When you boot your Windows XP in Safe Mode the message appears: Thank You!!! Password:Winzip123 The pc-off.bat contains the syntax like this"C:/path/shutdown -s -f -t 2 -c" which automatically shutdown your computer when you run the cmd.exe. So heres the solution to this problem… just follow these simple steps that im goin to discuss…. Manual removal: 1. upon start up…. after os loading… go to task manager by pressing CTRL+ALT+DEL then kill (end process) password_viewer.exe or bar311.exe or photos.zip.exe… 2. EDIT the following registry entries thru regedit at start/run [HKEY_LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\...