Skip to main content

Happy 26th Birthday Kangel! (Yuck 26 na ako! Haha!)

Minutes left before my birthday....


Heto na...ilang minuto na lang....11:22 pm na ng January 14. Namaan!!! Isang taon na naman ang madadagdag sa edad ko. Haha! (parang bitter... hehe) Opo...isang taon na naman na everytime when I try to look back....napapangiti ako...Andami kasing nangyari. Trials...Confusions....Heartbreaks???(Meron ba?)....Achievements/Blessings...at Challenges...


Haay....masaya ako. Kasi habang sinusulat ko ito....sister brought a cake for me already. Ayos. may cake na ako. Ooopss...may ice cream na rin pala plus fresh water pearl key chain gift for me. Ang sweet ng kapatid kong ito. Saya. Hindi ko na po-problemahin ang cake bukas.



Sweet and Blessed 26

I'm happy to be 26...Sweet 26...Haha! Sa totoo lang...importante and age ko dahil ito ang number o taon na pinagsamahan ng parents ko. Ito ang taon na buo pa rin ang pamilya ko. Ito rin ang mga taon ng journey ko kay Lord. 26 years ng pangangarap, pag-iyak, pagtawa, pagpapatawa, pagsusungit at pagpapakadalubhasa. 26 years na patuloy akong pinagpapala ng Diyos. Alam ko na siya na ang director ng buhay ko ngayon. At anuman ang eksena na kung saan starring ako....alam ko...na alam Nya na kaya ko yun gawin.Hindi rin naman nya yun ibibigay kung hindi ko yun keri. God brings out the best in me sa bawat eksena. Bida man o hindi....the important part of every scene are the lessons and skills that I learned. Alam ng Diyos na I really love learning and I wanted to be challenged sa lahat ng mga gagawin ko. And He gave me those things that I really prayed for. Haay naku sa dami ng blessing nya, hindi matatapos ang article na ito sa pagi-enumerate! Haha!

Sa totoo lang...26 pa lang ako...(bata pa ako...haha! But I'm proud...) pero sobrang dami ko ng natutunan sa mga taong nakakasama at mga nakilala ko. I wont mention names pero sobrang laki ng impact nila sa buhay ko. And I know God allowed me to meet these wonderful persons para matouch ko at matouch nila ang buhay ko in their own ways they never imagined. Sobrang overwhelmed ako... dahil nararamdaman ko...na God is planning every chapter/scene of my life. May God bless them. Si Lord na lang talaga bahala ang magbalik sa kanila ng lahat lahat. :D

At dahil ni-mention ko sila. Hehehe. Eh baka marinig naman nila ang birthday wishlist ko. Ahem! Hahahha! Heto na yun...


Ahem! My 26th Birthday Wishlist

1. New Pink, Mint Green, Brown Blouse/Shirt/Spandex - Size: Small
2. New Starbucks Mug
3. White Bag - (Office)
4. Pair of Havaianas (Black or White) (size 7)
5. Roses? Haha! (I will forever remember you...haha!)
6. Calendar (Wala pa akong nabibiling magandang calendar)
7. Any good-read inspirational book (Yancey/any good authors)
8. Si Ex-P? (Not sure anymore...pero sulat ko pa rin)
9. Sponsors para sa GK-Sibol (We need sponsors para sa mga activities namin for SIBOL kids)
10.Yung wish ko kay Lord nung Christmas (I really wish for this one. May His will be done.)


Ayan napakasimple. Mura pa. Be my angel on my birthday. Buy na...hahaha! Peace out!


PASASALAMAT

Super thank you sa:

- sa mga SEO team....esp reah, kells, rai, beng, rom, sarj, meng and joni...super salamat sa early greetings. One week nyo na ako gini-greet lalo ka na kells and rai...Sori na lang tlaga at tipid tipid mode tayo ngayon. Tandaan nyo...KRISIS ang buong earth. Kaya KKB (kanya-kanya bayad)sa friday. Hehehe.
- sa mga bumati sa friendster... sa mga officemates
- sa FAMILY ko...da best!
- sa mga nagtext at tumawag : kay ex-P na tumawag...this time naalala nya.
- kris at emie and sykes pipol.
- kay Lord na ginagawang espesyal ang araw ko. Super duper uber thanks Lord. :)


Heto ang SUKLI ko sa lahat ng kabaitan nyo... ->>>>>>>>> *****WARM HUG*****

God bless you all :)

Comments

Anonymous said…
Anong 'warm hug'?? KKB! Karen Kaw Bayad!!! hehehehe.

Happy birthday, friend!!
M A K R E said…
YUCK!
hahaha

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...