Skip to main content

Love, when will you find me?

Where will I find you?

Ok please stop reading kung ayaw nyo ng marinig at mabasa ang mga susunod na sasabihin ko.
Babala: Parang maze at hindi nyo ito maiintindihan. Dahil wala naman tlaga akong balak ipa-intindi ito sa inyo. Hehe. :)

Ok simula na.

Everytime I look into some of my couple friends, natutuwa at kinikilig ako sa kanila. Sometimes, I envy them, they have that love story that I want. Minsan pa nga habang tinitingnan ko sila, kinakausap ko ang Diyos, "Lord make me count the blessings that I have right now." Ayoko pangunahan ng inggit at lungkot ang heart ko. Sawa na ako dun...Maiba naman...Haha. Gusto ko lang maging masaya at maging positive pa din. Ito lang ang meron ako. Kung malulungkot pa ako, ano na ang mangyayari sa akin.

In short, natanggap ko na hindi ko naman kayang madaliin ang mga bagay bagay. Ang love di daw yan hinihintay...dumadating lang. Namaannn. Ang tagal naman dumating? Saan probinsiya ba sya nanggaling? Nakaka-frustrate maghintay. Alam nyo naman lahat yan. At pasensya naman.

Wala lang nakakainggit lang talaga. Tao lang ako no. Minsan pinagdarasal ko, bigyan mo naman ako ng maganda love story Lord. Kahit isa lang. Yung maalala ko forever. Well I have a lot of love stories naman. Meaning they are all painful, happy naman start...yung gitna...siyempre kilig. Pero yung climax yun sobrang traumatic...meaning most of my stories ay sad ang ending. Wala pa akong happy ending na makukuwento sa inyo. Yun lang.

Gusto ko lang mag-rant. Ito naman ang silbi ng space na ito right? Hehe. Tanggap ko na naman ang lahat. Minsan gusto ko isipin na gusto ako ni Lord mag-madre, maybe dun ko makikita ang love story na gusto ko. I can't find it kasi ngayon. Or am I just being so impatient?

Pero alam ni Lord, na siyempre eh gusto ko pa rin maging mommy at magkapamilya. My greatest dream ngayon. Pero how on earth na mangyayari yun? Eh halos lahat ng guys eh naiilang na lumapit sa akin pag sinasabi ko ang trabaho ko. This job is a blessing para sa akin at ayaw kong isipin na dahil dito ay hindi nila ako malalapitan. Iniisip ko na lang hindi ganun katindi ang pagnanais nila makilala ako. Eh anong gusto nilang sabihin ko, janitress ako. Pambihira talaga ang ego ng lalaki. Wala akong masabi. Hihi.

Anyways, balik tayo sa parating payo ng mga kaibigan ko. "Ang love hindi yan hinahanap....dumadating yan." Sana mahintay ko pa nga ang love na ito. Hehe. Alam ni Lord kung gaano ako naghintay, nagtiyaga, sumugal...Tanggap ko na naman ang lahat ng posibleng mangyari sa akin. I trust him my life now. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pero bahala na sa akin si Bro. :) Kailangan ko lang i-live ang life ko one day at a time. Nariyan talaga ung mga inggit paminsan-minsan (pasensya na). Doon naman talaga nasusukat kong contented ka eh. Alam ni Lord, I want the other kind of life. And I know, tinitest nya ako kung hanggang saan ang kaya ko ipagkatiwala sa kanya. Sana I would survive the test.

Kuntento na naman ako ngayon. Actually, hindi ko pa rin kasi kayang isipin na meron iba ako na i-entertain. Medyo nagpapagaling ako eh. Kagagaling ko lang kasing war. I still have a lot of open wounds that only time, space and right meds can heal. At siyempre, I wish ma-heal din yung emotional trauma ko. Yun kasi talaga yung pinakamahirap matanggal sa akin. I really hope it will heal fast.

Pero open naman ako. Pero ewan ko ba, mas mahirap yata ngayon. Hindi kasi ako ordinaryong babae. May superpowers ako. Haha. Malakas ako mang-asar at hindi ako nagpapatalo. I'm overworked, I'm not so mahinhin. First impression pa sa akin...mataray ako...dahil siguro sa facial features ko. Wahaha. Ngayon na nga lang medyo naayos ang mukha ko. Kung nakita nyo ako before...baka di nyo ako makilala. Distorted kasi ang mukha ko noon.

Haay...bumalik tayo sa love. Ibang story ang dahilan ng distortion ng mukha ko.


Isang kakaiba at may superpowers din na lalaki ang pwedeng makatalo sa akin. Yung makakatiis sa akin at makakatanggap sa akin. Yung magsisipag na kikilalanin ako. Yung magpaparamdam na ako (well kahit hindi totoo...ahahha) ang pinakamaganda sa paningin nya. Siya ang kukumpleto sa storya ko. At sa happy ending ng lovestory ko sa wakas. Siya yung taong bulag na nakakakita ng love ko sa kabila ng lahat ng pinapakita kong pangit sa kanya. Siya yung kaibigan ko muna bago ang lahat. Siya yung taong mai-inlove sa akin talaga ng bonggang bongga!

Ang tagal ko na syang hinihintay.

Love, when will you find me?

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...