Skip to main content

Love Rants and Prayers

Alam mo ung pakiramdam na halos lahat nagkakadyowa - nagkakaboyfriend at nagkakagirlfriend na. Yung mga mga kaibigan mo pa...mga kakilala....kahit nga yung hindi....yung mga matagal ng naghintay, yung mga nakailan palit na...eh meron ulit bago...


Ang tanong....anong pakiramdam?


Pakshet. Nakakainis...nakakalungkot...at kahit ayoko...may konti akong awang nararamdaman sa sarili ko.

Sabi ko after college... (well honestly kahit nung college) ay papayagan ko na ang sarili ko na magkaroon boyfriend. Pero ganun yata talga. Mukang ayaw pa ng Diyos. (Sana naman gusto nya talaga akong magkaroon)


Gusto ko lang sabihin na nakakalungkot ng sobra. Ayokong magkumpara pero hindi ko maiwasan minsan. :(

Masaya naman ako ngayon. Pero kapag meron talga akong nakikitang kakilala na masaya na ngayon dahil ayun, natupad na ung wish nila to be with someone they love....hindi ko maiwasan ang malungkot. Alam mo yung pakiramdam ng may mabigat na maso yata ang nakadagan sa heart. Alam mo un ang bigat huminga....parang lumiit bigla ang butas ng air sacs ng lungs mo.


Wala akong lakas kundi tanggapin ang mga nakikita ko. At huminga ng malalim. Para lang bumalik sa dati ang paghinga ko. Baka mawala lang ung mabigat na pakiramdam di ba? Pwede naman magwish? Pero sana nga....nawawala na lang.


Ok naman ako pag natatanggap ko na eh. Pero kapag may nakikita akong bagong official couple ulit. Ayan na naman yung pakiramdam. Feeling ko pinagsisigawan sa akin ng dalawa bagong couple ang status ko sa buhay. (Daaaabaaa? Kainis. Haha!)


Alam naman ng Diyos kung ilang beses kong hiniling na dumating na sya sa buhay ko. Pero di pa nya tlaga kalooban eh. Kasi kung gusto nya tlaga at kalooban nya mangyari. Mangyayari yun. Pero baka di pa lang nya tlaga "will". At kung pipilitin ko, ako lang ang mapapagod. I know kasi ginawa ko yun for years. Lumaban ako....naghanap din...tinapon...di sineryoso...sumubok ulit...at naitapon ulit. Well di naman itinapon. Hindi lang talaga siguro kami tinatawag na "click".

Pero di ko naman pinagsisihan yun. Lord can make the best out of everything. Dun naman ako naniniwala. Naniniwala akong kailangan mong magkamali at matuto, magkamali ulit at matuto ulit. At magkamali for the nth time para mabatukan ka na ulit at matuto. Kailangan lang matuto. Learned the lesson to every failure. Hindi ako si Karen ngayon, kung hindi naman ako nagkamali. Again, may rason ang lahat ng bagay.



At dahil naipangako ko na sa sarili ko na sa pagtungtong ko ng 28 years of my existence sa mundo, ay i-embrace ko ang kalooban ng Diyos para sa akin. Panahon na para ipagkatiwala ko ng bongga ang area na ito ng buhay ko. Tingin ko ang lovelife ko ang pinakamatinding may scarcity talaga. Dito sa area na ito bumobongga ang prayer life ko. At heto lang ung tingin kong bongga ang personal wish ko sa sa Kanya. Haay ang description ko talaga eh bongga no? May advantage kasi kapag single ka. Well since alam mong may scarcity na yun sa parte ng buhay mo... maiiyak ka na lang sa kahinaan talaga. Ang Diyos siyempre forever lang waiting for you to call His name. Ayun close na kami talaga. Haha! :D


Haaay. gusto ko lang mag-rant. Ambigat na kasi ng pakiramdam ko. Soooobraaaa. Kaya naman andito ang blog na ito di ba? Sighness. :(


Darating din ang araw maiintindihan ko ang lahat.
Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Kailangan ko lang magtiwala. :)

And I will trust.




Jesus, my heart is sad right now. Alam nyo naman pasayahin ako. Kayo na bahala sa akin :)

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...