Skip to main content

On Commitments - My realizations



Today, I got God's message from facebook.

... that today is a big day for you. Yes, today. Keep your eyes open for a message. It might come in a shape of a bird flying overhead, or a graffiti on a wall, or a phrase said by a passerby, or... Whatever shape it has, this message has been trying to reach you for years, and today is finally the day. Keep your senses open.

At siyempre inalala ko naman ang mga figures at grafitti na pwede kong makita. Clue lang na malaki: Nasa bahay lang ako buong araw. Kanina lang hapon, served mass. Ngayon nag-iisip ako talaga kung ano ung nakita ko text, or whatever figure that could bring the message....


Mga candidates:

1. The Journey Home - a story about a son who cant forgive his father. Tons of biblical messages about forgiveness and God's love and mercy to those who accepts and returns to him. Crying moment ako kanina. Deeply touched with the message of the movie. It moved me. His words touched my heart. Pwedeng ito yung message. Pwede talaga.

2. Reading Today Matters book by John Maxwell gave me and made me thought of these lines:
"If you want something out of your day, you must put something in it. Your talent is what God put in before you were born. Your skills are what you must put in yesterday. Commitment is what you must put in today in order to make today your masterpiece and make a tomorrow a success."
Boom!

Isa pa...Boooooom!

I realized and asked myself when did was the last time I commit into something I really really want.

Actually I dont have problems on committing things. - schedules, deadlines and plans.
I usually prioritize these items everyday naman.

Pero tingin ko nagkulang akong iprioritize ang mga personal needs ko. Well not just lately, but for a longer time na yata. Shesssh.



On tweets

Twice na yata na tiniweet ko ang isang girl na over-bantay at over-effort sa isa sa most interesting guy in the office. I like this guy. Single? YES. Sa wakas. Finally, pwede. Haha.

Kung isa akong bubuyog at si dream guy ay bulaklak, may nakita na akong umaaligid na bubuyog sa paligid nya .(Heto na naman. Lagi na lang ganito...Parang nangyari na rin ito dati)

I know my tendency if to fight with the other bubuyog around. Maging competitive di ba? Kaso...thinking fairly, tingin ko, teritoryo nya na kasi yun eh. Nauna sya. Law of Karma. In short...

Sorry na, pero wala pa akong ginagawa, sumuko na ako Nagdecide ako kasi maliit na lang yung chance. Hindi ako talaga lumalaban ng ganun style. (Hindi ko rin alam kung kailangan kung kailangan lumaban gamit ang style na yun... - kaeklarvarvahan )

Haay buhay. :(

Ayun. Akala ko ok lang yun. But thinking ung sinabi ni pareng Maxwell, tingin ko may mali. Isa-isahin natin:


If you want something out of your day, you must put something in it.


Yung bubuyong na sinabi ko...everyday, isinasalampak nya yung presence nya dun sa most interesting guy in the office.

Ako? Busy. Maraming ginagawa. Di makahinga minsan.

Teka but is this reason enough? Im not sure really. Pero sa totoo lang, I realized wala pa pala naman akong ginagawa. At habang nare-realize ko na wala pala akong ginawa, gusto ko sampalin sarili ko ngayon.

Wala pala ako karapatan mag-rant. Echusera akong palaka. In the first place wala naman akong nainvest. Tapos umaasa ako ng ROI (return of investment). Ano ako hello?

Pero sa linyang ito, inaamin ko, kailangan may gawin ako. Ano ang gagawin ko? Paano?

Your talent is what God put in before you were born. Your skills are what you must put in yesterday.

Ok. Talent? Anong talent ko? Meron akong "talent" kung tutuusin naman. Eh meron din talent ang iba. Hahaha. Ano ang pinagkaiba Tingin ko alam ko na ang kulang.




The Problem

Commitment is what you must put in today in order to make today your masterpiece and make a tomorrow a success.

Commitment. Wala ako nito. Madalas kong pansinin ang mga friends ko na dapat maging committed sila sa work, sa relationship and everything they do. Teka, ibig bang sabihin, wala akong commitment? Meron. Pero not in the area na dapat ko ng pagtuunan ng pansin.

I am not committed in bringing someone in my life right now.

Na-realize ko na wala akong ginagawang effort at all. Bakit? Well. Iniisip ko pa. Teka. Haha

Siguro kasi:
- Nag-effort na ako dati ng bonggang bongga. Ilang beses na rin nag-fail. Napagod ako siguro. I met jerks along the way or people who cant commit because they are not ready. Too young. Not decided. I'm too serious daw (gusto ba nila maglaro ako? haha) In short, di lang talaga ready. haha. (yun na lang muna comment ko.)

Naisip ko kung sa akin ang problem. Pero mukang hindi naman. Hindi pala siguro oras. Mahirap tanggapin yun ah. Pero wala akong magagawa kundi i-convince ang sarili ko. Nag-move on na ang mga tao. Kailangan ko na rin. Di ba?

Wala akong ibang wish kay Lord that one day...isang araw...manalo na ako. And when that time comes, it will be a sweet lifetime victory. Yun na lang pang-motivate. Kailangan. :)

- Napagod ako kaya nasa resting period ako ngayon. Pwede naman magpahinga di ba? Di naman ito for years. Hopefully months lang.

- Wala akong commitment na mag-effort dahil I gave up already. I gave up my life to Jesus. I promised him at the start of the year na sya na bahala sa buhay ko. Siya na bahala mag-control. I did control this area for the last 27 years. Naisip ko kung ibibigay ko sa kanya ang kontrol, alam ko magkakaroon na ako ng direksyon. It is scary and liberating feeling actually. Scary dahil ngayon di ko na alam ang mangyayari. Felt peace somehow the He is in control. Bahala na. Yun ang iniisip ko. Magtitiwala lang ako at maniniwala. Faith,Hope and Love. Ito lang ang baon ko araw araw. I just agree to the Lord na itong area na ito ang hindi mo pwedeng kontrolin - Love.



Wait lang...

Ibig bang sabihin nito di ka na magi-effort? Magi-effort pa din. Malalaman ko naman kung may darating. Mararamdaman ko yun.

Hindi lang talaga ako naghahanap ngayon. So I am not committed to do anything.


Pero upon reading these lines, hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko na bang kumilos. Yun ba yung message?

Ang maging committed ako ulit? Hehe.

Lord please give me signs for an answer.... :)

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...