May mga tao talagang nagkakatuluyan. At meron naman hindi.
Minsan gusto ko isipin na sana meron na lang tao for me at this moment....at this second.
God's message for me today - You're not alone.
Nakakatakot isipin na hindi ako nag-iisa. Eh sino kasama ko? Haha.
Pero naka-comfort din. I've been single for a long time now. And to hear that message comforts me.
Promise. Totoo naman hindi ako nag-iisa dahil marami tao sa paligid ko. Andyan ang mga totoong kaibigan, officemates, bestfriends at pamilya ko.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nag-iisa.
Pero siyempre...iba pa rin siguro kung meron may magsasabi na. "You're mine".
At sasabihin ko - acknowledge! hahahaha!
Kidding. Ang sasabihin ko lang simple...
"I'm forever yours" *hearts* :)
Highschool crush
I have this guy that I want....like...gusto...
Pero di pwede. Bakit? Hindi ko alam eh. Ayoko sagutin. Ayoko rin syang ma-expose sa buong blogosphere.
Hindi ko alam ang gagawin. I prayed to the Lord last night na tulungan nya ako.
Pero parang ang gustong sabihin ni Lord. "Alam mo naman ang dapat mong gawin".
Ano nga ba?
Actually alam ko, pero di ko magawa eh. Haay. ewan ko ba. Kailangan ko ng bakasyon at makakilala ulit ng mga tao. Hinid ko malabanan ang sarili ko. Hindi ko kayang ipakita sa taong gusto ko na gusto ko sya. Kahit sa tingin lang.
Buset.
Bakit ba ang galing kong umarte na ok lang lahat no? Bakit ang galing kong magtago ng nararamdaman ko? Bakit walang makahuli sa akin na nagtatago lang ako?
Bakit kaya hindi ko kaya?
Pain
Nung mga nakaraang buwan or weeks yata eh nasabi ko na open ako to feel pain again. At eto nga nararamdaman ko na ngayon, gusto ko ng sumuko.
Yung puso ko parang namamanhid lang na nakalutang sa ere. Ganun yung pakiramdam. Sumisikip ang paghinga ko.
Hindi ko alam kung kailan hihinto itong ganitong pakiramdam. Sana mabilis lang.
Hindi ako sanay maging malungkot.
Ang sakit sakit ng puso ko. *figurative pwede din literal*
Comments