Hypocrite.
Ito ang sinabi sa akin nga taon inaamin kong kinaiinisan ko.... Hypocrite daw ako daw I'm playing like a shepherd.Nagpapanggap na mabait? Ako daw ay nagpapanggap na mabait?Mabait pala ako noh? Akala ko nga masama na ako eh...dahil marami akong kasalanan. Nakakalungkot isipin na may mga taong nag-iisip ng ganuon sa akin. Nakakalungkot dahil nasaktan ako...Ang ibang tao ang mag-isip nun sa akin ay talagang nasasaktan ako. Pero kung iisipin iti-take ko un positively (Negative pa rin eh) aba bigla kong na-assessed tuloy ang sarili ko. Actually naawa ako sa kanya nung sinabi nya yun dahil hindi man lang niya napansin ang sarili nya nung sinabi nya un .Sabi ko sa kanya....huwag nya naman ako i-judge...At hiniling ko rin sa kanya na kung wala naman siyang masabing maganda sa iba, sabi ko ayusin nya na lang ang sarili nya.Marahil galit na siya noon at sa kagustuhan mainis talaga ako...sinabi nya na wala naman daw siyang pakialam kung mapunta siya sa hell. at least daw hindi siya nagpapanggap katulad ko ...Sinabi nya rin sa akin na mas marami daw ang naawa sa akin...
Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung nakakaawa ba talaga ako? Nakakaawa ba talaga ang kalagayan ko?Well nasapol nya ako doon eh...Ayoko kasing kinakaawaan... Sumuko na ako...sabi ko sa kanya tumigil na lang siya. Kung nakakaawa man ako dahil Siya ang sentro ng buhay ko...mas gugustuhin ko na maging ganuon na lang...Dahil alam ko sa puso ko nariyan Siya....Kapag nariyan Siya, nakakaya ko ang lahat. Siya na lang ang dahilan nagyon kung bakit nakakangiti pa ako kahit nasasaktan. Mararamdamn mo naman yun eh....na nariyan siya dahil may peace of mind ka...Yun ang everyday gift nya sa akin na kinatutuwa ko talaga...
Balik tayo sa awa. Hindi ko maipaliwanag pero naramdaman ko na habang iniisip kong nakakaawa ako...He is comforting me with his words...Alam ko hindi ako nakakaawa sa paningin nya... At yun ang mahalaga sa akin...Alam ko hindi ako perfect shepherd...Pero ang tangi ko lang maipagmamalaki ay nasa puso ko Siya. At isinasabuhay ko ang mga turo nya. Nagkakamali rin ako pero gusto ko at masaya ako sa ginagawa kong pagsunod sa Kanya...Masaya ako. Walang makaka-question dun...
Alam ko ganuon pa rin ang tingin sa akin ng taong yun... At siguro maasar pa rin ako sa mga sasabihin nya.Pero nanduon ang paghahangad ko na mabago ang paniniwala nya... Ang tingin nya kasi ok lang na mapunta sa Hell. It's a choice sabi nya...
Nalulungkot ako dahil kapatid ko pa rin yun...I mean kapatid ko siya kay Christ. Pero wala akong magagawa kung sarado ang pag-iisip nya ngaun...I will just pray for him...I know someday He will know Him...Alam ko nasakatan ko rin siya...
I'm sorry nga pala. Alam mo na kung sino ka. Wala akong intensiyon na saktan ka. Sana maayos mo na rin buhay mo. Soon I know He will touch your life as He had touched mine. :)
Comments