I feel guilty today. Ano ba itong sinasabi ko...Saan ako dapat ma-guilty? Hindi ko alam. Pero one part of my mind is saying mali talaga ang ginawa ko. I know kapag may nagagawa akong masama... Ito ang "natural effect" kapag kasama mo ang "mahiwagang tagapagbantay".Pinapaalala niya sa iyo ang tama at mali... At alam ko ngayon na may mali... Kaya heto isinusulat ko ngayon.
Basta sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magpapatalo at hindi ko hahayaan na pagtawanan nila ako at hiyain. Bata pa ako hinihiya na ako ng mga kalaro ko. Tinutukso ako ng kung anu-anong masasakit na salita... Hindi ako lumalaban...Yun ang isa sa pinakamalaki kung pagkakamali noon sa palagay ko... Hindi man lang ako lumaban...Pinilit kong maging isang mabuting bata gaya ng napapanood ko sa TV. Oo mahilig akong manood ng TV. Bata pa lang addict na raw ako sabi ng nanay ko...Buti nga sa TV lng eh di ba? Mahilig akong manood noon ng Sarah ...ang munting prinsesa...eh di ba ang bait nyang bata talaga. Idolo ko siya noon. Masyado ko siyang inidolo. Si Cedie rin at si Remi napanood ko. Ang mga batang bida sa mga cartoons ginagaya ko. Lahat ng mababait ha... Alam k0 na noon ang tama at mali... At pilit akong sumusunod sa tama...Dahil alam ko may magandang wakas ang mga kuwento ng buhay na may mga bidang mababait... At ginaya ko yun dahil gusto ko maganda rin ang maging wakas ng kuwento ng buhay ko...
Teka bago pa ako mapalayo...bumalik tayo sa tukso. Aaminin ko hanggang ngayon hindi talaga ako sanay matukso...Hindi ko alam kung paano lumaban...Yun mismo ang dahilan...Sabagay ang nasa isip ko ay ang paglaban...ang pagtukso din sa kanila pabalik...Tao lang ako eh. Kaso ang pinakamalaking problema... bata pa lang ako hindi na ako marunong lumaban. At ayoko rin lumaban dahil alam ko masama yun...Yung magtanin ng sama ng loob sa kapwa. Masama din un...Nakasanayan ko ng gawin ang mga bagay na ito simula pagkabata. Kapag may nanunukso noon na lampa ako at pangit...mukahang lola,ms. tapia, at kung anu-ano pa...hindi ko yun pinapansin...dahil naisip ko noon...tingnan na lang natin bukas kung sino ang tutuksuhin nyo bukas...Pinilit kong huwag magtanim ng sama ng loob sa mga taong nanukso sa akin noon...Nagawa ko naman yun... Halos nakalimutan ko na ang mga pangalan ng mga taong yun. Pero ang mga salita ang hirap...
Ngayon tinutukso pa rin ako... Pero hindi naman yung katulad noon...Pero hindi ko pa rin alam kung paano lumaban. Mahirap pa rin tanggapin na kahit matanda ka na, tinutukso ka pa rin. Siguro may phobia din ako sa tukso...Mapanlait man yun o pang-aasar o for the sake of joke time...hindi ko alam ang magiging reaksiyon...
Pero ang tukso parte na ng buhay. At alam ko hanggang ngayon marahil kung wala iyun...wala ring saya...Hindi ko lang alam talaga kung paano mag-react... Naiisip ko kasi na pare-parehas lang ang lahat ng tukso...Pero alam ko naman hindi.
Bakit ako nagi-guilty? Kasi nagdesisyon ako na lumaban na...At ipagtanggol naman kahit paano ang sarili ko. Wala naman magtatanggol sa akin kundi ang sarili ko. Sa paglaban ko... may nasaktan ako yun ang dahilan kung bakit ako nagi-guilty. Hindi talaga ako sanay lumaban no?
Siguro medyo hihinayan ko na lang...Alam ko naiintindihan nya rin ako...Inaamin ko nagkamali ako...Kaya gusto ko mag-sorry.
Teka gusto nyo bang malaman kung gumanda naman ang takbo ng buhay ko? OO naman...gumanda...Isa akong mabuting tao ngayon...At higit na malawak ngayon ang kaalaman sa mga bagay-bagay. Higit sa lahat alam ko na hindi hinayaan ng Diyos na maranasan ko ang sakit ng salitang mapanlait noon na tumagal sa puso ko.Alam nya masakit yun eh. Alam ko hanggang ngayon siya ang dahilan kung bakit marunong akong magpatawad at magmahal. Hindi nya ako hinayaan.
Salamat sa kanya.
Mahaba naman ang pisi ko eh. Hindi naman talaga ako basta-basta naasar agad. Ok lang akong tuksuhin...Kahit medyo masakit na siya...Nakangiti pa rin ako...Ok lang naman na mapagtawanan eh. Ok lang...Hindi naman nagtatagal ang inis at awa sa sarili ko na halu-halong nararamdaman ko. Tukso lang iyan...

Comments