Skip to main content

Graveyard Life

Two nights na akong nasa office. Haay ganito pala buhay ng graveyard. Actually at this moment (time check: 8:48 PM 5/11/2005) ay ayoko munang magsimula. Maaga naman ako parating dumarating dito eh. Kuwento ko lang kung anong mga nangyari.

First Night
Hindi naman ako nahirapan. Sanay na kasi akong mapuyat talaga.Siyempre super baon ako ng tulog. Pero pare ang hirap talaga matulog sa araw. Masarap matulog kapag pagod ka...Pero haler wala naman akong ginawa ng buong araw nung Monday. Kaya yun... nagpupumilit akong matulog talaga. Nung dumating na yung gabi, ok naman dun ako nakatulog...Nyahahaha! Joke! Hehehe! Paano ako makakatulog? Andami tasks nung night na yun. Pero carry naman namin tatlo nina Aileen, Ryan at ako. Hati-hati lang tapos wala ng kibuan...Tapos trabaho. Si Ails maya't maya ang sabi na hindi nya na kaya..."Ganito pala ang GY men!"...sabay tawa at hirit na "Kaya ko ito! Goodluck na lang sa akin!" Natatawa na lang ako...Kasi kahit sa utak ko sinasabi ko rin yun eh. Hehehe!



Fighter Aileen and Quiet Ryan
Well hanga ako kay Aileen...kasi alam ko ang girl na ito ay talagang lumaban para matalo ang antok. Ginawa niya ang lahat ng paraan para magising. Si Ryan...grabe! mabibilang ko naman sa daliri ang mga sinabi...Bibo rin siya...kasi maraming tasks siyang na-accomplish that night. Kaso men!...hindi siya yung tipo na magkukuwento ng kusa...Afraid siguro siya na hindi mapakinggan...Kung hindi pa namin ni Ails na.."Oist kuwento ka naman"...di magkukuwento...Hehehe! Pero Ryan is ok...si Ails grabe...naawa tlaga ako.



Iba pala pag andito ka na...
Matagal ko na talgang plano ang mag-GY. Alam na ni Ate Rheena kung bakit. Well mahirap talaga nung first day...adjustment eh...Pero madali kong na-adapt...Mas ok na ito...Malaki ang naitulong nito sa prob ko. Pero graveh! iba pag andito ka na...Parang malungkot lang talaga...Nakakamiss ang morning shift buddies ko...Yun lang talaga.Waaah! Hehehe!



Forced Labor?
Ngayon naiintindihan ko na yung GY. Nakakapag-isip tuloy ako...Talaga nga naman gagawin ng tao ang lahat for the sake of hmmn... money?...ambition?... or service? Hmmn...siguro anuman yun eh wala eh...kailangan lang talagang gawin. For the greater service of mankind? Nyahahaha! Pwede rin...Hehehe! Ewan ko ba...Hmmn...lumalabas na naman ang pagiging masuri ko sa lahat ng bagay. Pinipigilan ko nga itong trait ko na ito...Pero sige na nga...Ngayon lang...Ngayon lang tlaga. Promise!
Naalala nyo ba ang Sapilitang Paggawa or "Forced Labor"? La lang naalala ko lang.Parang nung panahon ng Kastila against ang mga tao sa "forced labor" no?...Tumatapak daw ito sa karapatan ng mga tao. Marami raw itong masamang epekto. Katulad ng hindi mo na raw nakakasama ang pamilya mo...pagod daw ang katawan mo...wala pa raw bayad. Well in modern times, katulad ngayon...parang forced labor din pala ang pagkakaroon ng Graveyard shift. Ang kaibahan nga lang...binabayaran ang tao at pinapaniwala ang tao na ang pwede rin maging gabi ang araw. ....Hmmn ganoon nga kaya? Siguro nga...Wala na talagang magagawa si Juan dela Cruz kundi tanggapin ang lahat. Mas ok na na siguro ito...kumpara naman noon di ba? Ganito lang talaga ang buhay. Pero ganito na nga lang ba? Hmmn...Hindi ko alam. Nyahaha! :))

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...