Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2005

Monday Date

Date kami ng friend ko… Hehehe...Agent siya ngayon sa Makati. BS Biology po tinapos niya sa UPLB. (Frustrated biologist po ako...kaya siguro kami nagkasundo...) Plano niya ituloy ang medicine. Cardio major. Well, sobrang lawak ng nalalaman ng kaibigan kong ito. Isa siya sa napakaraming tao ng nagkaroon ng impluwensiya (spiritual) sa akin. Siya rin ang isa sa mga nag-guide sa akin para magkaroon ng full trust sa Kanya… And sa dahil sa mga advices niya kaya ko nao-overcome ko ang ilang "emotional problems” na naexperience ko. This man knows me in and out. He knows how to cheer me up when I am totally depressed.(Naalala ko…nagdi-date kami nun sa IRRI pag malungkot ako o depressed…Bibili kami ng chocolate milk (1 liter) (FAVE ko!) tapos uubusin namin un....un lang ok na! Tapos kapag nagpupuyat ako nun sa dorm for exams, siya sumasagot sa mga pagkain at juice para di kami maantok. He know’s my crushes… Hinihimay niya yun. Tapos super payo siya sa akin. May ugali kasi akong alam niya. H...

Greatest Love (Amen!)

Saturday. 6:58 AM Share ko lang itong write-up ng sis ko sa blog niya. Kakatuwa talaga siya. Kahit ilang beses ko ng sabihan....Hehehe! After I've read her article...mas naintindihan ko siya. Halos parehas kasi kami ng "way" kung paano kami pinalaki. Amen sa sinabi niya na - " sineryoso ko naman lahat ng echo na ito na bumibingi sa kin, at umabot hanggang sa kasuluksulukan at umikilkil sa kadulu-duluhan ng utak ko ". Dahil hanggang ngayon ganito pa rin ako. Hindi ko alam kung mali...pinahihiwatig ng mga tao sa paligid ko na kakaiba ako e. Pero ang alam ko lang, naramdaman ko na rin yung mga naramdaman niya. At doon pa lang... masaya na ako. Bihira na nga ngayon ang mga taong magmamahal ng walang kapalit. Talagang humahanga ako sa kanila dahil sa kakaiba nilang paninindigan. Bilang sa daliri ang mga kakilala kong ganito. Bakit nasa kanila ang respeto at paghanga ko? Well... Hindi nila alam pero yun ang totoong definition ng love sa akin. Pinakita nila ung love na...

"Palimos"

Kapag dumadaan ako ng crossing, napapansin ko na parami na ng parami ang mga mga namamalimos. Kadalasan sa kanila ay bata na maayos naman ang pangangatawan. Minsan mayroong lolo at lola o di kaya ay isang taong may kapansanan,, minsan pa isang sanggol na kahit sa malamig na gabi ay manipis na damit lang ang panakip sa katawan… Sila ay patuloy na nakatayo, kumakalabit sa mga taong nagdadaan...walang katapusan nanghihingi ng barya. Kahit pa nga yung isusubo mo pang french fries at yung iniinom mong coke ay susubukan nilang hingin. Teka ano na ba talaga ang nangyayari? Hmmmn Hindi ko gustong mag-discuss tungkol sa sanhi ng mga mga sitwasyong nakikita ko… Dahil siguro kahit sino ang tanungin mo, alam naman ang dahilan. Actually ang mas gustong kong isulat ngayon ay ang mga reaksiyong nakikita ko sa mga taong nilalapitan ng mga taong namamalimos. Heto na! “IWAS mode” Ito yung bago pa lang lumapit ang isang namamalimos ay umiiwas na. Alam nito kung nasaan lugar sila madalas na naiisip nilang...

Happy Birthday Ate Rheena!

Happy Birthday Ate Rheena! Alam ko espesyal sa iyo ang day na ito. Hehehe. Hindi ko na nga maiaalis ang pagtawag ko sa iyo ng "Ate". Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro naghahanap rin kasi ako ng matatawag na ate. (Kasi naman po ako ang ate sa amin). Siguro sa iyo ko nasumpungan yung pagkakaroon ng isang nakatatandang kapatid na babae.. Kaya bahala ka... magiging ate na kita forever! Yehey! Well, naging ate nga kita ng totoo sa lahat ng mga pinayo mo at ginawa mo po para sa akin. Parehas tayo actually sa ugali pagdating sa mga bagay na mamahalin... kung kailan ito hindi o dapat bilhin... Sa iyo ako madalas humingi ng payo dahil halos magkaparehas lang tayo ng estado sa buhay...(Mas mayaman ka nga lang dahil may dollar account ka...Hehehe) At siyempre suwerte ko kasi andiyan ka to guide me... Hindi ko malilimutan yung mga times na un. Promise. Isa kang mabait na tao at nararamdaman ko na ibibigay din sa iyo ni Lord ang mga wishes mo...(pati lovelife...hehehe) I know you are n...

Get Together

Saturday. Gumimik kami ng mga college friends ko na sina Neil, Bob, Joy(my bestfriend), and Sylvie. Hindi kami uminom ok? Buong araw na kuwentuhan ang nangyari. Hahaha! Ang mga taong nabanggit ko ay mga cellmates ko sa UPLB. Sumali ako sa isang cell nung college thru Bob. Si Bob ay isang Christian. Well idol ko talaga ang taong ito. At bukod pa roon, malaki ang utang na loob ko dito. Kung hindi dahil sa kanya I would not known Jesus. Lunch with Bob I miss Bob and his family sa UPLB. Actually ang namiss ko talaga ay yung may makausap na kaibigan na halos nakasabayan ko ng ma-grow ng faith. Iba kasi yung struggles na napagdaanan ko...namin...Sinabi ko ang lahat ng mga nasa utak ko this past few months... And once again...na-refresh ako... Marami akong nakitang flaw sa relationship ko ngayon kay God. And a tap from a Christian friend ang nakapagpagising sa akin... I need to do something... To catch up! I know He missed me. I missed him too. I know there is something wrong. Pero ngayon a...

Ewan ko

Yeah right. Bad Weekend! Ayoko talaga yung mga taong magsasalita ng hindi naman nila ginagawa. Pero tao lang naman sila para magbago ang mga isip. Kailangan rin siguro maging open ako na may ganun talagang tao. Para hindi ako naiinis ng ganito. Ako rin kasi sumisira ng salita. Kaya parang gantihan lang ba ang nangyayari? :P Ewan ko. Kakaiba ba talaga ako sa mga nilalang dito sa earth? Siguro nga. Ewan ko rin. Hahaha!

Weird pala...

You Are 60% Weird You're so weird, you think you're *totally* normal. Right? But you wig out even the biggest of circus freaks! Totoo kaya ito? Hahaha! How Weird Are You?