Saturday. 6:58 AM
Share ko lang itong write-up ng sis ko sa blog niya. Kakatuwa talaga siya. Kahit ilang beses ko ng sabihan....Hehehe! After I've read her article...mas naintindihan ko siya. Halos parehas kasi kami ng "way" kung paano kami pinalaki. Amen sa sinabi niya na - "sineryoso ko naman lahat ng echo na ito na bumibingi sa kin, at umabot hanggang sa kasuluksulukan at umikilkil sa kadulu-duluhan ng utak ko". Dahil hanggang ngayon ganito pa rin ako. Hindi ko alam kung mali...pinahihiwatig ng mga tao sa paligid ko na kakaiba ako e. Pero ang alam ko lang, naramdaman ko na rin yung mga naramdaman niya. At doon pa lang... masaya na ako.
Bihira na nga ngayon ang mga taong magmamahal ng walang kapalit. Talagang humahanga ako sa kanila dahil sa kakaiba nilang paninindigan. Bilang sa daliri ang mga kakilala kong ganito. Bakit nasa kanila ang respeto at paghanga ko? Well...
Hindi nila alam pero yun ang totoong definition ng love sa akin. Pinakita nila ung love na binigay ni Jesus sa akin at sa atin. Jesus loves me for what I am and continues to trust me kahit sinner ako. He continues to give me the most important gift. Peace of mind and soul. Masaya ako dahil love nalaman ko yun ng maaga. Now I love Him more than my life. I still sinned. Pero careful na ako ngayon...dahil alam ko everytime I sin...nalulungkot siya. I don't know but I have this feeling of emptiness...

Now para kay Roleth, ang hopeless romantic kong sis...Tatlong tagay "full" para sa iyo! Haang ghanda ng artikulong ito!!! Tunay na nanggaling sa malalim na pag-iisip. Socio ka nga! Galeeng!!!
“In a universe of ambiguity, this kind of certainty comes only once, and never again, no matter how many lifetimes you live” – Robert Kincaid, The Bridges Madison County
Alala ko no’ng elementary, may i-biro lang sa kin na classmate kong batang lalake, naiiyak na ko o kaya namumula sa galit.. malaman ko lang na totoong may crush sa ‘kin ang isa kong friend, umiiwas ako at tinatarayan ko sya.. I guess I don’t want to attract boys.. hindi ko maisip. Hindi ko ma-imagine.. hindi ko maisip na magugustuhan nila ‘ko.. pero sandamakmak din ang crushes ko nun! (ironic ba?)
Alala ko nung grade 6, akala ko magiging “kami” nung classmate kong barumbado.. (mutual crush sa isa’t isa ba?!) pero buti na lang at matino at mabait pa rin akong bata, hehehe…
Nare-recall ko pa nga rin nung 1st year highschool ako, tinabihan ako ng crush ko nung lunch time, talagang nilayasan ko sya sa sobrang takot, hehehe! (magpaka-conservative ba?)
eto pa ang catch: ayoko sa friends na puro “BOYS” lang ang topic.. kaya naman napapagkamalan at inaakusahan akong chameleon, plastic at iba pa dahil umiiwas at iniiwan ko ang mga ganong klase ng kaibigan (pero hindi ko sinasabing yun ang dahilan).. pero hindi ko ikinahihiya yun…
na ayoko sa boys from elem and highschool.. gusto ko lang sa crush, ok lang naman sila.. pero after 30 mins na kwentuhan about boys, hanggang doon na lang.. ‘gang dun lang ang tolerance level ko..
at nung nag-college, nagsimula na ‘kong mamulat sa katotohanan ng buhay…
na normal lang palang pag-usapan ang boys…
na natural lang palang ligawan, magpaligaw, at eventually mag-boyfriend..
na hindi naman masama ang mainlove.. pero wala naman akong contention dun.. wala namang masama sa pagiging inlove.. naaalibadbaran lang ako kasi “BATA PA AKO”…
e lagi pa namang ume-echo ang boses ng nanay ko..”Anak, ‘wag muna kayong magboboyfriend.”
Samahan mo pa ng alto ng mga tiyahin at pinsan mong “oie, mag-aral muna ha?”
At ang tenor ng tatay mong… “magtapos muna kayo bago mag-boyfriend..”
Awa ng Diyos ay sineryoso ko naman lahat ng echo na ito na bumibingi sa kin, at umabot hanggang sa kasuluksulukan at umikilkil sa kadulu-duluhan ng utak ko… pero kahit gaano pa sila kalakas, naririnig ko pa rin ang mahihinang bulong ng mga dormmates ko at batchmates tungkol sa isyu ng “lovelife”…
Na masayang mag-boyfriend..
Na mahirap magselos,
At mahirap ang masaktan, at iwanan ng minamahal…
Hanggang sa tuluyan na ngang naging sigaw ang mga bulong na ito.. AKO na ang nagsilbing takbuhan ng mga taong itong nangangailang…
Sa kabila ng pagharap ko sa katotohan na nasa paligid ko, nanatili akong tapat sa “doktrinang” itinuro sa bahay.. mas natuto akong mag-isip ng maayos tungkol sa mga choices ko…
Ang mga humihingi ng tulong ay laging lumalapit dahil…
1. objective daw ang pagtingin ng isang INEXPERIENCED.
2. Magaling akong mag-advise dahil nakikita ko ang buong sitwasyon.. dahil ako’y WALA PA RIN EXPERIENCE SA RELATIONSHIP.
…pero may isang tanong na nanatili sa loob na rin ng ilang taon:
“BAKIT WALA PA RIN AKONG BOYFRIEND???”
kahit kailan ay hindi naman ako nagmalinis sa bagay na ito. Aaminin kong may ilang beses na din akong na-tempt o natukso sa mga pagpaparamdam o pagpapa-cute ng ilang taong nakilala ko sa buhay.. hindi ko na iisa-isahin yun. Kaya lang sa bawat pagkakataong itatanong ko sa sarili ko: “ITO NA BA ‘TO? IZ THIS REALLY IZ IT?” isa lang ang sasambulat na katotohanan sa kin..
HINDI PA… HINDI PA RIN…
But despite all these, isa lang ang natutunan ko.. na pag nagmamahal ka pala, hindi naman kailangang mahal ka rin nya hindi ba? Kaya ka nga nagmamahal e.. kasi kusa mo syang binibigay.. nararamdaman mo lang.. INSTINCT.. hindi pinaplano… at minsan, hindi mo na iniisip.. basta.. NANGYAYARI LANG..
AKO?! MAY MAHAL AKO NGAYON.. at alam ko hindi magiging kami kahit tatlumpung libong simbahan pa ang pagdasalan ko.. (pero palagay ko sa 30,001st na simbahan, magiging kami rin, hehehe) pero sa ngayon, MASAYA AKO, kasi hinahayaan nya lang akong mahalin ko sya.. at para sa kin, sapat na ‘yon para maging masaya ako sa susunod pang 21 years ng buhay ko.. kahit maging matandang dalaga pa ko.. BAKIT ‘KA NYO? Kasi, ngayon.. nagmamahal na pala ako.. at marunong na pala ‘kong magmahal.. sa wakas!
Feb 01, 2005
11:11 PM
Makati, sa kwarto ko sa pad namin
Comments
Anwyho, ako I appreciate this entry. People who know how to speak fluent, "classic" tagalog always impress me :)
Ang masasabi ko lang...walang pakialam ang taong ito sa damdamin ng sumulat. Ang mahalaga sa kanya ay maibigay ang opinyon nya(right at that moment)...Tactless siya ng di nya nalalaman. At para sa akin nag-iwan siya sa akin ng panibagong impression...
Sad...nagawa mo na naman... :(