Minsan paulit-ulit ko na lang naririnig. Kung pakikinggan mo ang himig at tono ng boses...Nasa tono naman.
Kaso ang mga boses nila higit pa sa mga letra ng kanta ang pinapahiwatig. Kakaiba ang mga mensahe...nakakalungkot..nakakaligalig…
Hindi ko alam kung tama rin ako...Pero ang nasa isip ko...at nararamdaman ko habang kinakanta nila ang mga kantang halos isuka na ng utak nila...pagkakaawa, lungkot at kawalan ng pag-asa.
Teka baka nagkakamali lang ako...Sana huwag naman magalit ang (mga) taong ino-obserbahan ko. Ang lahat ng sinusulat ko ay laman ng makulit kong isip... maaring katha lamang...pero hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman na may katotohahanan ang lahat ng nasa isip ko...Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganito ako mag-isip… At hindi ko rin alam kung bakit ito ang nararamdaman ko sa kanila.
Mensahe ng Kanta
Minsan habang kumakanta tayo… ang kinakanta natin madalas (ung madalas) eh kung ano yung sumasabay sa mood natin. Madalas kapag naiinis tayo sa mundo at may kakaibang nakakainis na nangyayari sa atin ay nasa kinakanta natin ung totoong nararamdaman natin. Halos gusto natin na maging ang kanta o awit ay makisimpatiya sa nararamdaman natin. Minsan kumakanta rin tayo ng trip lang, minsan maganda kasing sabayan… Pero anuman ang dahilan natin sa pagkanta, sa madaling salita pa rin, maaring ang kanta ay ang mismong nararamdaman natin o di kaya ang gusto natin sabihin sa isang tao o yung gusto natin sabihin sa mundo.
Ang Obserbasyon.
Kung maririnig nyo lang ang taong ito ngayon, maiisip nyo na tila wala lang naman siyang pinararating na anumang mensahe. Pero marami kasing umaawit ng kanta ng hindi rin nila alam na pinapakita na nila ang kanilang mga naiisip at nararamdaman sa pamamagitan ng awit na kinakanta nila. At kung sasamahan nyo pa yun ng isang masusing pag-obserba sa kilos ng kumakanta…dun mo na makukuha ang lahat ng impormasyon na kailangan para mabasa siya.
Sa mukha ng kumakanta, naroon ang pagkagapos niya sa sarili niyang takot na kahit gusto niyang makawala ay hindi nya magawa. Sa tempo niya mararamramdamn mo ang pagtatampo niya sa tadhana dahil lumaki siya sa pinaniniwalaan niyang tama. At naroon sa himig niya ang pakikipaglaban niya para sa pananatili ng salitang pag-asa ( na hindi niya rin nalalaman na nakikipaglaban siya). Sa paraan niya ng pag-awit makikita mo kung paano siya tumakas panandalian sa sitwayon na kinakaharap niya o makisama sa mood o pakiramdamn na nararamdaman niya. Sa pagkanta niya lahat ginagawa ang lahat. At kung mararamdaman mo lang kung ano ang nararamdaman ng taong yun…marahil sisikip ang paghinga mo sa bigat ng kanyang nararamdaman.
Marahil paranoid lang ako. Pero hindi ko maaring sabihin na walang katuturan ang mga sinabi ko. Naglalaro lang siguro ang diwa ko at ang taong ito ang napagtuunan ko.
Sa totoo lang…mabigat sa pakiramdam. Buti na lang pala may blog. Siguro baka kumanta na rin ako.
Petsa: Matagal ko ng dapat naisulat.
Para kanino: Sa mga taong mahilig kumanta (katulad ko).

Comments