Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2005

Khaenes!

Me : Paano ba mapaglalabanan ang inis? Myself : Huwag kang lumaban. Just let your feelings flow. Pagpray mo na lang ung taong kinaiinisan mo. Mawawala rin iyan. :) . Intindihin mo na lang yung behavior niya. Be humble to accept your mistakes kasi may mali ka rin talaga. Kung kasiyahan na niya maramdamn naiinis ka... eh di mainis ka... ayaw mo nun nakakapagpasaya ka...hehe joke! Mali ka...At tama siya... ok? Respeto na lang... Tama na iyan pag-iisip mo...sisirain lang ng nararamdaman mo ang mood mo. Ok? Smile ka na diyan... Matatauhan din yun. :) Me : Sana nga. (Sigh!) Pagod na akong umintindi e.. (Sigh!)

Happy Birthday Jesus

Dear Jesus, Happy birthday po. Thanks for continously blessing my life with wonderful gifts( my friends, family at siyempre ung lahat ng experiences with you). And thank you rin po sa spiritual gift na bigay nyo po sa akin. Thanks for comforting me when I'm sad. Salamat din po dahil kasama ko kayo sa lahat ng tests ng life ko. Thanks for being a good friend... a good listener and understanding God. The thought that I made you smile makes me feel really good. Parang ang saya lang ng feeling. Sana ma-fullfill ko ang mission ko rito sa earth, given lang ung time na binigay nyo sa akin. I know God most of the time I sinned in words and in actions. Light man un hindi...you continously to give me mercy and hope to stand up again. Maraming maraming salamat po. Dahil sa inyo hindi ako nawawalan ng hope. Alam kong kontrolado nyo ang lahat anuman mangyari. Pasensya na sa katigasan ng ulo ko minsan kung pinipilit ko ung mga gusto ko. Siyempre mas gugustuhin ko na mangyari ang will nyo para sa...

Happy Anniversary XP—14 – (Belated!)

XP—14. -Pangalan ng isa mga weirdong batch ng UPLB Computer Science Society. -Narinig ko ang pangalan na ito sa bibig ng balahurang kong batchmate na si Mac (Mac Albert Bumolo, batchmate ko din). Hindi ko rin alam kung bakit XP… Ang alam ko nung aplikante pa lang kami ito ang kapanahunan ng pag-usbong ng bagong OS… Siguro kaya XP tapos decrement 14 (-- 14) dahil sa reason na nabawasan kami ng isa bago pa kami mag-finals. Miyembro: Dreb, Nic, Nadia, Sylvie, Joy, Me (of course!) ,Neil, Mac B., Mac C., Jai, Roj,Euge and Dayo. Haay. Late na ang post na ito. Pero its better late than never... It turn out na naging masaya at talagang nag-enjoy ako na makasama ko ang mga batchmates ko nung Friday night. Akala ko hindi ako magi-enjoy dahil sa pagod na rin talaga ako paglabas ng opisina dahil sa mga tambak pa rin at lahat ay very very high priority task ang ginawa ko at kinailangang matapos. Pero all I can say is nag-enjoy ako mag-stay sa bahay nina neil kasama ang mga balahura kong bathchmate...

Ang Walang Kuwentang Party

Saturday night... Isang magarbong party na pinagkagastusan ang nadaluhan ko. At sa palagay ko yun na ang ang pinakapangit na party na napuntahan ko. Disappointed ako sa lahat ng na nakita ko. Sa na-experience ko. Hindi ko maiwasan maikumpara siya dun sa dating party. Pero nakakaloka talaga sa pangit. Kung hindi lang andun yung isa kang kaibigan na sumali sa isang event dun.... gusto ko ng ibaon sa limot ang party na yun. Bakit walang kuwenta? Maraming hindi inaasahang kapalpakan ang nangyari nung gabing yun. Andun yung nag-brownout na kung hindi ako nagkakamali ay umabot ng 45 minutes. Nag-uwian ang mga tao. Ang gulo-gulo. Ang pathetic talaga. Haay! Paumanhin kung puro negative.. Eh negative naman talaga e. Wala na akong magagawa siguro dun. Sabi nila ito ang first and worst party ever. And would definitely agree. To the highest level! At ang pagkain…syaks talaga. Mukhang tinipid ang mga tao. Siguro kami lang… Dahil kami ang mga sinawimpalad na ma-late. Ano ba un? Excited pa naman ako ...

Cool Characters

And my favorites Gusto ko lang nung pusa at saka yung outfit nung unang girl. Cute (pusa) and fashionable(outfit). :)

Krismas Tri

Hirap talaga ng GY kapag Monday para sa akin. Paano ba naman? Wala talaga akong baon tulog. And take note...kagagaling ko pa lang ng isang mahaba-habang biyahe. Sa UPLB... sa aking pinakamamahal na kampus. Pumunta ako doon upang makuha ko sana ang ilang gamit na naiwan dahil sa aking katangahan at sobrang pagtitiwala sa mga tao na maitatago nila yun ng mabuti... Ngunit sa kasamaan palad... Hay naku! Gusto ko sanang huwag ng pag-usapan pero bahala na talaga si God sa kanila...kung totoo man yun o hindi. hangad ko lang na ang lahat ng gamit ko ay talagang nagagamit at napapakinabangan. Sakit lang talaga dahil talagang mahalaga ang mga yun sa akin. Pero binibigyan ko na lang kunsuwelo ang sarili ko na ang lahat naman ay naibabalik... hindi man parehas pero alam ko higit pa ang damit at halaga sa mga gamit na nawala sa akin. Yun nga lang napagalitan ako nina mama at papa. Isa sila sa mga bumili ng gamit na yun. Dahil alam na alam ko na ang mawalan ng gamit na talagang pinaghirapan mo. Nana...