Skip to main content

Krismas Tri

Hirap talaga ng GY kapag Monday para sa akin. Paano ba naman? Wala talaga akong baon tulog. And take note...kagagaling ko pa lang ng isang mahaba-habang biyahe. Sa UPLB... sa aking pinakamamahal na kampus. Pumunta ako doon upang makuha ko sana ang ilang gamit na naiwan dahil sa aking katangahan at sobrang pagtitiwala sa mga tao na maitatago nila yun ng mabuti... Ngunit sa kasamaan palad...

Hay naku! Gusto ko sanang huwag ng pag-usapan pero bahala na talaga si God sa kanila...kung totoo man yun o hindi. hangad ko lang na ang lahat ng gamit ko ay talagang nagagamit at napapakinabangan. Sakit lang talaga dahil talagang mahalaga ang mga yun sa akin. Pero binibigyan ko na lang kunsuwelo ang sarili ko na ang lahat naman ay naibabalik... hindi man parehas pero alam ko higit pa ang damit at halaga sa mga gamit na nawala sa akin. Yun nga lang napagalitan ako nina mama at papa. Isa sila sa mga bumili ng gamit na yun. Dahil alam na alam ko na ang mawalan ng gamit na talagang pinaghirapan mo. Nanahimik na lang ako at pinakinggan ang litanya ng kanilang sweet sermon.

Krismas Tri

Siyempre nag-uwi ako sa bahay ng isang bagay na makakapag-divert na atensiyon nila at maging ako na rin sa pagkawala ng aking mga gamit. Sa wakas. bumili na rin ako ng Krismas Tri o Chrismas Tree (baybay sa Ingles). Ang krismas tri namin ay may habang 4ft, green at maganda ang tindig. Ito yung krisma tri na makikita nyo sa mga mall. Nabili ko siya sa metropolis. At ang pinakamasaya sa lahat ay nabili ko siya sa mababang halaga... Mababa lang talaga... Hindi naman talaga ako makakabili kung mahal. Hindi ko alam pero epektib siya. Hahaha! Epektib dahil sama-sama namin nilagayan ng decorations yung krismas tri. Pasko na talaga! Yey! Sa wakas... Ang krismas tri na yun ang nagdala talaga ng excitement sa mga kapatid ko sa mga pamasko at pagkain. Maski nanay ko...nag-iisip na ng mga ihahanda. Ewan ko ba pero biglang sumakit ang ulo ko...Hehehe! Joke! Pero masaya ako. :)

My Besprens's Bertdey

Nga pala lapit na ng birthday ng bespren ko. Ang bangag na yun. Katampuhan ko siya ngayon e. Hehehe. Hirap kainin yung fried chicken ko. Pero di naman siguro magtatagal ang kaartehan kong ito. Bigyan ko na lang kaya sila ng movie tickets ng girlfriend niya. Hmmn.... Pwede.. Pero pa-martir effect naman yun sa part ko. Libre ko na lang siya...(kaso nga ayaw...mas malaki fried chicken nun e). Hmmn ano kaya ...hmm T-shirt na lang kaya? Hmmn puwede kaso baka magselos girlfreind. Feeling ko sa bandang huli malamang card at ang aking mainit at matamis na pagbati ang mairegalo ko. (Mas tipid pa… hehehe) Andami kasing komlipkasyon sa buhay ng lalaking yun hehehe. kaya siya espesyal sa akin siguro. Siguro nga… Ang tiyaga niya sakyan ang ugali ko e… Haay bespren pramis ko sa birthday mo… iba-BLOG kita. Hahaha!


Zombie Shift

Sigurado akong magmumukha na naman akong zombie ngayong linggo. Zombie na magnanakaw. Nagnanakaw ng oras para makaidlip at makatulog ng konti dahil sa unti-unting pagkatuyo ng cells ko sa utak. Kahit na andami kong gustong gawin hindi ko magawa…sa halip ay ginagawa ko ang blog na ito…para ma-relax at ma-divert ang laman ng utak ko. Yung limang letra isinisigaw ng utak ko. Ang T-U-L-O-G! Mahirap talaga ang magtrabaho sa shift na ito. As in syaks talaga…

Kanina hiniram ko pa yung headset ng kasamahan ko para mabuhay ako at ma-inject ang malakas na musika sa tenga ko para makapag-integrate ako ng estore sa isa naming client. Ang hirap talaga labanan ng antok!!! Hindi ako maka-isip ng susunod na gagawin kahit iutos ko pa sa brain ko. Hindi ko rin alam kung kasama ng antok ko yung nakakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko dahil na rin siguro dun sa nilalaklak kong kape. Hay naku…kaya pala maraming nagkakasakit sa ganitong shift. Pero ang trabaho ay trabaho. Kailangan gawin… Kailangan lang magtiis pa ng konti.. Saan pa’t darating din ang umaga…(Hehe)

Nap Breaks for Agents!

Kakaawa talaga ang mga agents dito. Wala man lang silang nap break. Walang pahinga. Tapos ang lakas ng loob ng mga TL na ito magpagalit at sabihin na wala silang kuwenta. Ang nasa isip kasi parati production. Produce! Produce! Produce! Bakit kaya hindi na lang gamitin ng mga TL na ito ang kanilang isip. Magmuni muna sila at magkape.
Para makita at mabalikan nila ang mga oras na nagging agent din sila.


Sana marunong mag-alaga ng tao ang kompanyang ito. Nagsasayang lang sila ng pera kaya sa pauli-ulit na paghahanap ng tao. Haay ang hirap kasi hindi na marunong makinig sa mga taong karaniwan? Tsk tsk tsk!

Wishlist for Christmas

Gusto ko ng book. Nanghihiram lang ako ng libro e. Sana magkaroon ako nito. Maki-kiss ko talaga ang taong makapagbibigay sa akin ng mga bagay na ito. Sana kahit isa lang diyan sa mga iyan…matupad. Pwede din lahat. (Tinatawagan ang mga taong may mabubuting kalooban…kaibigan ko man o hindi. Higit sa lahat yung may kaya at gusto ng magkawanggawa..Hehehe)

I Kiss Dating Goodbye (kung naalala ko pa tlaga ng tama?)
A Good Read Devotional Book or any Christian Book.
Isang puppy
Pair of Rabbits
Body and Hair Spa/ Hot Oil and Hair Relax
5 Grocery Bags (Full of Pang-Noche Buena Foods)

Siyempre yung iba na medyo lang imposible dahil sa maraming kadahilanan…
- Portable MP3 Player
- Digicam
- Laptop pwede na rin Desktop Computer
- Honda Motor color pink. =)

Sa may mabuting kalooban. Pagpalain kayo ni God. Hehe.

Comments

Anonymous said…
wow karen prang ilang araw kng inde nagsulat ah..pero nkkatuwa k tlaga, u write lahat ng nsa isip mo, alam mo lagi nga kita naalala d2 sa china lalo n kung makikita mo yung mga beggar d2, kc remember ko p yung lagi mong sinasabi sakin dati re sa knila..buti kp magxmas with ur family ako d2 malungkot ang pasko first time without my family eh. advance merry christmas sa iyo at sa buong family mo..
Anonymous said…
hi karen! ang marerecommend kong good devotional book ay ung Moments with a Savior by Ken Gire. :D

sana nga matupad ang ating mga wish lists.. hehe.
Kangel said…
@rheena. Hehehe. Ang katotohanan. isang gabi ko lang ginawa iyan lahat. Naipon lang sa utak ko. Wala kasi talga pa akong magawa rito pag antok. Hindi gumagana ang lahat ng organs ko sa katawan. Hehe. Oo alam kong iba ang pasko pag malayo ka sa family mo. Naranasan ko na iyan e. Pero alam mo di ka pababayaan ni God na malungkot sa espesyal at pinakamasayang araw sa buong world no! Cheer up! Merry Christmas din Ate Rheena! Desisyon kasi ang pagiging masaya. Kaya dapat maging happy ka. ;)
Kangel said…
@joni - sana lang talaga matupad. ;) Sige hanapin ko iyang book na iyan :D
Fung said…
uy karen galeng naman nag wiwish list ka pa rin for family sake parin. idol talaga kita hahaha! meryy christmas sayo at happy new year :D

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...