Saturday night... Isang magarbong party na pinagkagastusan ang nadaluhan ko. At sa palagay ko yun na ang ang pinakapangit na party na napuntahan ko.
Disappointed ako sa lahat ng na nakita ko. Sa na-experience ko. Hindi ko maiwasan maikumpara siya dun sa dating party. Pero nakakaloka talaga sa pangit. Kung hindi lang andun yung isa kang kaibigan na sumali sa isang event dun.... gusto ko ng ibaon sa limot ang party na yun.
Bakit walang kuwenta?
Maraming hindi inaasahang kapalpakan ang nangyari nung gabing yun. Andun yung nag-brownout na kung hindi ako nagkakamali ay umabot ng 45 minutes. Nag-uwian ang mga tao. Ang gulo-gulo. Ang pathetic talaga. Haay! Paumanhin kung puro negative.. Eh negative naman talaga e. Wala na akong magagawa siguro dun. Sabi nila ito ang first and worst party ever. And would definitely agree. To the highest level!
At ang pagkain…syaks talaga. Mukhang tinipid ang mga tao. Siguro kami lang… Dahil kami ang mga sinawimpalad na ma-late. Ano ba un? Excited pa naman ako kumain dun dahil gutom na talaga ako nung dumating sa party… Pero ang naabutan ko… pulutan ng mga lasing. (Masarap naman kaso yun ang gusto kong i-label sa kinain naming e sa mukha talaga pulutan e.) Pero at least may natira sa amin kung hindi ay sumugod ako sa kalapit na mall na naka-gown para lang kumain. Muntik ko ng gawin yun talaga… Kami ng kasamahan ko. Na-anticipate kaya ito ng committees na siyang nasa likod ng event na ito? O maging sila ay hindi nila naisip na mangyayari ito… O kaya naman hinayaan nila na mangyari ang lahat ng ito…come what may na lang…. Total marahil inisip nila na may mga pera na ang mga tao gawa ng 13th month. Tsk…tsk … tsk! Pathetic talaga. Pasensya na opinion lang.
At ang huli… pasensiya na… pero andami taong wala na rin pakialam sa mga kasamahan nila… Nagsama-sama ang mga lango sa alak, nagpapakasaya at sinasadya sigurong kalimutan ang kapangitan ng party na yun. Ang iba, ginagamit ang kalasingan para makalimutan ang salitang RESPETO para sa babae… Alam ko *aware sila sa kanilang ginagawa. Pero salamat sa salitang kalasingan…maaring excuse sila… (Pero paliwanag kasi sa akin ng kapatid ko na naging nasabak din sa matinding pag-inom…ang mga taong lasing daw ay alam ang ginagawa nila… Gaano pa sila kalasing…) Maaring binigyan sila ng kapangyarihan ng alak upang magawa at sabihin ang anuman gustuhin nila. Tsk…tsk… Siguro ganito na lang talaga ang modernong kalalakihan ngayon… Sana hindi na lang sila moderno… Ayoko talaga ng may nakikitang hindi nirerespetong babae.
Konklusyon ko lang…
Nasayang lamang ang ginastos sa party na yun. Sana ginastos na silang sa ibang bagay o sa iba pang pagkakawanggawa. Siguro nag-expect lang ako ng masyado sa party na yun. (Pero haler! Hindi naman masamang mag-expect…) Siguro nahihirapan lang akong i-absorb ang mga bagay na nakita ko lalo na sa mga taong inakala ko na… Pero siguro isa yung parte ng pagkatao nila na kailangan kong tanggapin gaya ng pagtanggap na naramdaman ko galing sa kanila. At siyempre mas kailangan kong tanggapin na kailangan magwaldas ng pera sa mga ganung event. Tsk…tsk… talaga. Sana pinamahagi na lang nila sa aming mga aba. Puwede na rin sa mga taong walang-wala…Sayang… sayang…
Ang mga nabanggit ko ay personal kong karanasan. Ang inyong violent reactions ay welcome. Pero ang opinyon ko ay opinyon ko pa rin. Nasa democratic (monarchy??? Hahaha!) country naman tayo. Paumanhin sa mga taong maaring maapektuhan… pero sinulat ko ito ng walang pinapatungkulan at ang lahat ay pawang obserbasyon ko lamang. Pasensya…pasensya…pasenya na talaga… pero para sa akin wala talagang kuwenta ang party…

Comments
ei, wala naman link ko ah? :)
lemme the gown na sinasabi mo:D
wala akong pic e nung party...ay meron pala...pero nasa bahay. send ko sa iyo :P
link me up. www.livejournal.com/~8eight8
-NEIL