Narinig ko ang kantang ito noong Sabado. Kinanta ni Jimmy Bondoc bilang second to the last song nya dun sa show nya sa megamall A. Napaka-inspiring ng kantang ito para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Sabi ni Jimmy Bondoc para raw ito sa pangit na lalaki na nangangarap na makapangasawa ng magandang babae. Isang kanta na naghahatid ng pag-asa sa mga pusong pasuko na. Pero sa tingin ko ang pinaka-mensahe ng kantang ito ay patuloy napagkakaroon ng positive outlook sa buhay sa kabila ng sandamakmak na pagsubok. Kaya basahin nyo lang yung lyrics ng kanta. Hindi kayo mabo-bored. Nakakatuwa na kaya pa ng mga Pilipino na lumikha ng ganitong mga letra ng kanta. Haay tamang-tama ang kantang ito sa mga nararamdaman ko. Sana magawa ko pa rin magpalipad ng saranggola sa ulan. (Para kasing nainip na ako. Ang tagal lumipad e. Hehehe...) :P Saranggola Sa Ulan Titik at Musika ni Gary Granada Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik Ng una kong sinta at kalarong paslit At ang sabi ng matatanda Siy...
My Crossroads stories