Naitanong ko tuloy sa isang volunteer kung bakit sila pumupunta roon… para lang ba gumawa ng artwork? Sabi nung volunteer, para daw makipag-interact na rin sa kapwa niya deaf and mute at sa mga taong katulad namin… Kasi nga naman hindi naman lahat ng tao alam mag-sign language di ba?
Noong Sunday isang kakaiba at talagang nakakagising-diwang karanasan ang na-encounter ko. Uma-attend kami ni Romela ng Talking Hands nung Sunday sa Immaculate Concepcion Church sa Pasig. At talagang naging napakasaya ng experience na yun. Ang Talking Hands ay isa sa mga napakaraming volunteer projects ng Hands on Manila na kung saan nagkakaroon sila ng mga programs and activity para sa mga deaf and mute bata man o matanda. =)
Nakakakaba na nakakatuwa…First time kong gagawin ang makipag-usap kung saka-sakali ng sign language ang gamit ko. At sa wakas maiintindihan ko na rin ang sign language na noon ko pa gustong matutunan…
"Class Rules"
Binigyan kami ng sign name na siyang espesyal na sign ng aming pangalan para sa kanila. Mahirap naman daw kasi i-spelling ng isa-isa gamit ang alphabet… Tama nga naman. Hehe.

Tapos may mini-class. Basic ng sign language…ung Hi, Hello, Good Morning, afternoon, evening, I love you, I hate you, Thank you, You’re welcome, etc… Marami silang naituro. Exciting!
Bawal magsalita sa klase. Pag nagsalita ka daw dapat hindi ka daw matuto. Parating tingnan ang galaw ng kamay ng nagtuturo. Kapag di na daw tlaga kaya.. isulat na lang sa papel o I-spell ng pa-sign… Doon daw kami unti-unting matuto.
Masaya ang naging klase hindi masyadong maingay. Kasi di ba anong sense na mag-ingay…di naman nila naririnig. =) Andami naming natutunan talaga. Si Romela nakakagawa na ng “sign” sentences na puro kalokohan. Hahaha! Kasi sinabihan (sa sign language) siyang "cute" ng lecturer naming Na-inspire ata. Hehe.
Ang Mini- Interbyu with Mang Benjie
Gusto ko na talagang matuto ng sign language. Haay hirap kasi may nakausap I mean may naka-interact akoa(hay naku di ko na alam ang tamang term) na deaf and mute din. Si Mang Benjie. Masayahin siya. Andami nya rin gusto ikuwento sa akin (sana). Nagpakilala rin siya sa akin sa pamamagitan ng sign language. Siyempre kahit papaano alam ko ng konti. Kaya naintindihan ko. Pero the rest ng sign niya hindi ko na maintindihan. Ngiti na lang ang sagot ko. Minsan pinapa-translate ko sa iba ko pang kasamang volunteers na matagal na dun. At dun ko pa lang naintindihan ang lahat.
Paano nangyari ang interbyu? Hehe. Sa pamamagitan ng papel siyempre. Hahaha…
Nalaman ko na pamilyadong tao na si Mang Benjie. May asawa at anak na rin. Isa siyang barbero at ang asawa niya ay deaf and mute rin katulad niya. Dami nya sinasa-sign kaso di ko pa talaga maintindihan e. =( . Parang andami nya kuwento. Sad lang hindi pa ako expert sa sign language. Sayang...
Lahat ng pinapagawa nung araw na yun ay buong sipag niyang ginawa. Nakakatuwa kasi ang sipag talaga nila. Naitanong ko tuloy sa isang volunteer kung bakit sila pumupunta roon… para lang ba gumawa ng artwork? Sabi nung volunteer, para daw makipag-interact na rin sa kapwa niya deaf and mute at sa mga taong katulad namin… Kasi nga naman hindi naman lahat ng tao alam mag-sign language di ba? At ang tangi lang niyang nakakausap o nakaka-sign language ay ang pamilya nya at ilang kakilala….
Naisip ko na napakahalaga talaga ng interaction para sa kanila… Biro mo Sunday yun…pahinga at di mo naman kilala ang mga tao pupunta ka pa? Gusto siguro talaga nila ang magkuwento din kami at pakinggan namin ang mga kuwento nila. Siguro gusto rin nilang makarinig sa pamamagitan naming mga volunteers. =)
Naisip ko rin na normal pa rin ang mga katulad nina Mang Benjie. Bagamat sanay sa katahimikan dulot ng kapansanan nila, naroon ang kamay nilang gumagalaw sa iba’t-ibang direksyon para makapagsalita. Buti na lang pala may sign language ano? =)
Kakaiba man ang paraan ng komunikasyon nila sa atin…nakakatuwa na hindi sila nawawalan ng hope. At namumuhay pa rin sila ng normal na masaya at kuntento kahit na napagkaitan silang makarinig at makapagsalita.
Masaya at kuntento at hindi nawawalan ng pag-asa. Patok!
Comments