Narinig ko ang kantang ito noong Sabado. Kinanta ni Jimmy Bondoc bilang second to the last song nya dun sa show nya sa megamall A. Napaka-inspiring ng kantang ito para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Sabi ni Jimmy Bondoc para raw ito sa pangit na lalaki na nangangarap na makapangasawa ng magandang babae. Isang kanta na naghahatid ng pag-asa sa mga pusong pasuko na.
Pero sa tingin ko ang pinaka-mensahe ng kantang ito ay patuloy napagkakaroon ng positive outlook sa buhay sa kabila ng sandamakmak na pagsubok. Kaya basahin nyo lang yung lyrics ng kanta. Hindi kayo mabo-bored. Nakakatuwa na kaya pa ng mga Pilipino na lumikha ng ganitong mga letra ng kanta. Haay tamang-tama ang kantang ito sa mga nararamdaman ko. Sana magawa ko pa rin magpalipad ng saranggola sa ulan. (Para kasing nainip na ako. Ang tagal lumipad e. Hehehe...) :P
Saranggola Sa Ulan
Titik at Musika ni Gary Granada
Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan, ako'y dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam
Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa'y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan.
At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig na walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang, sa aking tabi'y may aleng lumiko
At sa pagmamadali, nasagi ang aking puso
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi't laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo.
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian
Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan
Heto ako, tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan

Comments
Gary Granada's always been good at turning a lyric. You'd think after Metropop he would've gotten more props.