Ang tagal ko ng hindi nagpo-post. Andami ko rin talagang ginagawa na hindi ko na masingit pati ang paga-update ng blog ko. Tapos halos mag-iisang-linggo at kalahati na akong GY. OO isa na akong zombie na gising sa gabi. Ang pagkakatulad namin naghahanap kami ng paraan para kumain. Ang zombie pumapatay ng tao para kumain ako naman kumakain ng templates,keywords at maraming uploads... in short... nagta-trabaho po ang inyong lingkod para kumain din… Wala lang talaga akong magawa ngayon… ah este ayoko munang gumawa… Hindi ko alam kahit sobrang antok na ako mas naisip kong magtyp kaysa sa umidlip… Aaminin ko na napakaraming laman ang utak ko na hindi ko na nagawang isulat… dahil ngayon mas natuto akong ipaalam ito kay God at pagnilay-nilayan muna bago ko I-broadcast ito sa madlang pipol. : )
GY Shift for now
Ok naman ang GY. Hiyang na hiyang nga ako e….(Arrrrggggghhhh!!!!) Ano ba naman kasi ang naisip ng taong yun para baguhin ang aming shift… Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya…. Haay… Ang hirap-hirap talaga ng shift na ito… Naiisip ko pa lang na natutulog ang mga kasambahay ko sa bahay at ako nandito sa ortigas, andito sa isang unit ng isang building na nagyeyelo na dahil sa lamig…na halos may apat na araw ng iniindang sakit na hindi gumaling-galing dahil nga sa freezing environment gabi-gabi… Grrrr! Haay… Sorry hindi ko maiwasan ang hindi magsabi ng totoo kung pakiramdam. Haay… Pero alam ko naman kailangan gawin kasi trabaho ito. Dahil trabaho po ito…(Ay biglang gumalang… nakalimutan ko na nagbabasa pala ito ng mga kasamahan ko sa opisina bukod pa sa nakalink ito sa status ng YM ko…hahaha!) Haay talagang kailangan ko munang magtiis. Hindi lang naman ako ang nagg-GY eh. Yun nga lang parang wala akong kasama. Pero oks lang. Ang rinig ko pa nga sa mga tao nagg-GY ay tataba ka daw pag nag-GY ka… Eh ang tagal ko na talagang dream ang tumaba ako no…Well tingnan natin… kung totoo.. (Pero syaks…parang hindi e…lahat na ata ng sakit ko eh bumabangon ngayon week na ito! - hehe) Haay!
Hanggang kailan ang pagtitiis na ito? Antok na antok na ako talaga…Pero sana nga totoo yung sinasabi nila na tumataba ang mga taong nagg-GY. Sana… Kahit yun na lang…yun na lang ang maging benefit ko sa walang gabi-gabing sacrifice na ito waaah…sana talaga…Hahaha!.
Thoughts… Thoughts….
May umalis…may dumating… may mga bagay pa rin akong iniisip at sabihin na natin kino-consider…Pero I am giving it up to Him. Alam nya naman lahat ng thoughts ko. Pero ayokong magmadali…Alam ko mas alam Nya ang mas makabubuti sa lahat. At kung will nya naman na mangyari ang lahat…Mangyayari yun… At kung hindi naman… alam ko may lesson pa rin akong matutunan… I’ll just let go and let God do everything. =)

Comments
i like this one. 22o to.
Johny on the Spot by John Fisher
and
Of Rest and Retirement by Jake