Skip to main content

Si Kuya R

GY Shift For Now.

GY. Ito ang shift bumubuhay sa marami sa aming empleyado ng kumpanyang ito. Pero wala kaming magagawa kundi tanggapin at gampanan ang trabahong ito sa ganitong oras. Mas mabuti naman ito kaysa sa iba. Di ba? Pero isa lang masasabi sa shift na ito….. Waaaaaaaaaaaahhhhhhhh!


Si Kuya R.

Well may ka-meet akong isang close friend ko sa UPLB kanina. Si Kuya R. Siya ang tipo ng lalaki na hahangaan ng kahit sinong babae pagdating sa views nya sa buhay. Bukod sa pagiging gentleman na siyang pinakahinangaan ko sa kanya at siyang dahilan ng pagkakaroon ko aking malaking respeto ay napaka-simple lang ng gusto nya sa buhay. Hindi siya naghahangad ng sobrang yaman sa mundo…(pero gusto nyang magkaroon ng gadgets ha…hahaha!) Pero isa lang ang sigurado ko… hindi siya yung ambisyoso… Siya yung tipo ng tao na kapag kaibigan mo… siya yung mas magbibigay kaysa sa yung tumatanggap.

Kaya kami nagmeet ay dahil sa isang babae sa knyang past na hinahanap niya at gusto nyang makita. Kung nasa bahay nga lang daw siya ni Big Brother ay handa siyang magsakripisyo para makita niya lang ang babaeng ito…. Nakakatuwa lang na kaya niyang gawin iyun para sa isang chance na makita ang babaeng nagkarooon ng malaking bahagi ng buhay niya. Kahit saglit lang daw.

Nakakatuwa lang na marinig ito sa isang lalaki at marinig yun ng may sinseridad. Yung tipong kaya niyang sabihin ito na nakatingin sa mata mo pag nakita mo yun… shoot! Mararamdaman mo na totoo yun sa sinasabi nya… Grabe gusto ko nga maiyak e… Pero siyempre hindi naman ako yung babae… Naisip ko lang ang suwerte ng babaing sinasabi nya…

Ang taong ito ay hindi perpekto…Pero hinihiling nya na sana patawarin na siya ng babae tinutukoy niya. Hindi raw kasi siya makapag-moveon dahil sa nakaraan niyang yun… Hindi pa rin kasi siya kinakausap ng babae kahit anong pilit nya noon na mag-sorry….
Kaya siguro hindi nya makalimutan kasi walang closure na nangyari…

Tatlong taon na magmula nun ay hinahanap nya pa rin ung girl. Yung forgiveness nung girl. May girlfriend na rin si Kuya R… Gusto nya lang siguro ang isara ang bahaging yun ng past niya. Sabi ko may tamang oras at panahon na darating sa kanya para mapatawad na rin siya ng babae. At lahat naman ay may katapusan… hindi nga lang natin sigurado kung kailan… pero siguro kailangan lang natin mabuhay na kasama ang sakit at saya na dala ng memories ng past… May end din ang lahat…. Di ba? Ngumiti siya… Tama may katapusan naman ang lahat ng ito. Darating din ang oras na makukuha niya ang pagpapatawad na yun. Alam ko… hindi naman siguro ipagdadamot ni God yun sa kanya. =)

At para kay Kuya R. alam ko habang nasa test ka na iyan ng buhay mo… alam ko marami ka rin naman natutunan… pahalagahan mo ang lahat ng meron ka ngayon. Blessing iyan sa iyo. Mabait ka naman tao… makukuha mo rin yung matagal mo ng wish na forgiveness… =)



Sana nakapasa ako.

Well ang hirap pala ng ganito… Pero sa tingin ko ng ginawa ko na burahin siya sa list…parang nabunutan ako ng tinik. Parang gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang lahat ng expectations ko… Parang ang gaan-gaan lang ng pakiramdam ko.

Hindi ko alam pero ang parang ito na ang ending ng test ko. At sana ito na nga. Natanggap ko na rin. At palagay ko nga na ito na yun.

Comments

Anonymous said…
so kamusta nmn? hehehe. :)
Kangel said…
well ganun pa rin. wahahaha! always looking back at the past... =)
Anonymous said…
Kayren, ano musta n kaw? :D Miss ko n kyo ah :)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...

Shutdown computer virus... grr - solving it.. :)

My computer was infected by password-viewer.exe and pc-off.bat virus. A virus that when you type cmd on the command prompt, your pc automatically shuts down. Thank God to this article... This one saved me. :) Here it is. :) This is the symptom of a computer having bar311.exe virus A.K.A. winzip123. The virus comprises bar311.exe, password_viewer.exe, photos.zip.exe and pc-off.bat. When you boot your Windows XP in Safe Mode the message appears: Thank You!!! Password:Winzip123 The pc-off.bat contains the syntax like this"C:/path/shutdown -s -f -t 2 -c" which automatically shutdown your computer when you run the cmd.exe. So heres the solution to this problem… just follow these simple steps that im goin to discuss…. Manual removal: 1. upon start up…. after os loading… go to task manager by pressing CTRL+ALT+DEL then kill (end process) password_viewer.exe or bar311.exe or photos.zip.exe… 2. EDIT the following registry entries thru regedit at start/run [HKEY_LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\...