Skip to main content

I won the battle!

Last week natapos na rin. I've overcome my fears.
I can never thank God for giving me all the strength to do what is the right thing to do. Ang ano? Ang lapitan ang mama ko at gumawa ng ng move to totally end yung away namin. =)

Thursday…
Haha! Huwebes yun. Yun ang binigay ko sa sarili ko na taning para gawin ang dapat gawin. Ang araw na rin na un na naramdaman ko na mababa ako yung parang worthless ka sa sarili mo? Alam mo un? Yung nilunok mo na lahat ng pride mo. Parang sobrang pahiya ka na sa mismong sarili mo. Ganun.

Pero hindi ko ininda ang sinasabi ng sarili ko… yung kahihiyan at pangma-mock na sinasabi ng utak ko. Paano na lang ang pride mo etc… etc. Eh paano kung walang nangyari sa ginawa mo… Eh di napahiya ka lang… Etc… etc.. (Hindi ko rin alam pero nararamdamn ko na nilalaban ko ang sarili ko) And on that fight… nanalo ang gusto ko. Sinunod ko ang tama. At hindi ako nagkamali sa naging resulta. It was a hit! Ah este it was a success! Hehe.

Matagal ko ng plano ang makipagkasundo. Sobrang namimiss ko talaga ang mama ko. Every Sunday na lang kapag pumupunta ako ng church, isa yun sa mga pinagpi-pray ko …alam ko naman ang solution sa problem ko e. God even used my friends to continuously tell me what to do. Ako lang talaga ang matigas. Naisip ko noon… pride lang ang meron ako noon at ngayon… Pero God showed me that I was wrong. Na ang tagal na akong kinakain ng pride ko. Sa pagnanais kong bigyan ng proteksiyon ang sarili ko sa mga iniisip kong nananakit at mananakit sa akin, sinasaktan ko na rin ang sarili ko.


But in the end…He healed me. Dahil nakikita nya na hirap na hirap na ako. Hindi nya ako pinabayaan maramdaman yung hurt na yun ng matagal. Mas na-feel ko ang love nya nung mga times na I really need Him. And He was there…

I know what to pray for. Dahil alam ko rin yun ang gusto nyang gawin ko. At hiningi ko yun sa Kanya. Hiningi ko lang na bigyan nya ako ng strength para gawin ang tama. Kalimutan ko ang sarili ko at bigyan nya ako ng forgiving heart. At hindi Nya pinagkait yun. He granted my prayer. On that day, He showed me the joy of having peace of mind. Yung marunong kang magpatawad sa mga taong nanakit at forever na nakakasakit sa iyo. At naisip katulad ko rin silang nagkakamali at nakakasakit. At madalas man nating sabihin ito…ang Diyos nga nakapagpapatawad ng kasalanan ko… bakit hindi ko rin ibigay ang pagpapatawad sa kanila… sa mama ko?

Nagka-ayos na kami =) … Maraming itinuro sa akin ang test na ito sa akin. And I know He has all the reasons kung bakit ito tumagal ng ganito. Para ma-realize ko kung gaano ko pinahihirapan ang sarili ko ng dahil sa pride ko. Na all I need to do is to follow His will sa mga times na nahihirapan ako. Alam ko marami pang kailangan ayusin sa buhay ko. Pero ngayon, isang bagay ang na-realized ko na kaya ko pala ang akala kong imposible. And it is all because of Him who gives me strength. Thank you Father. :)


Teka gusto nyo bang malaman kung paano ko ginawa? Ahhm..uhmmmn… Secret na lang. =)

P.S.
Sa mga teammates ko dati na naging sakit ako ng ulo, patawad. Hindi ko na rin iniisip na ung mga ginawa nyo dati. OK na yun sa akin matagal na. Pero nirerespeto ko ang lahat ng gusto nyong trato sa akin ngayon. Basta peace out ok? =) . Mahal ko kayo. Tsup! :)

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l