Skip to main content

Trust Issues 101

Nawawala ang ATM ko.

Dahil sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang memorya ko pagdating sa mga nawawalang bagay… Hindi ako agad nagbintang. Baka nga naman nawawala lang siya o na-misplace ko lang. Ganun naman ako parati e.

Pero sa huli…pinilit ko pa rin kinalkal ang utak ko at pilit na inalala ang mga ginawa ko simula ng Sunday. Nalala ko pa nung Monday eh inayos ko ang wallet ko. At yun ang huling beses na nakita ko ang ATM ko. Wednesday morning… nalaman kong nawawala siya. Wednesday night na-check ko online ang account ko. Bawas na ang account ko ng Php 500. Abah! Siguro nag-withdraw ako nung Wednesday… pero hindi e. Wala akong naalala. Wala talaga….

Unti-unti kong ina-analyze ang mga bagay-bagay. Naisip ko pa na baka naiwan ko lang dito sa office ang badtrip kong ATM at may lokong kumuha. Pero naisip rin namin ng kasama ko kagabi… Kung may nakapulot noon dapat na-withdraw na niya yun lahat. At higit sa lahat alam nya dapat ang PIN ko. Oo nga… naisip ko dapat nga alam nya yun. Pero wala naman akong pinagsasabihan ng PIN ko… Ang mga nakakaalam lang ng PIN ko shucks….ang pamilya ko.

Bigla akong nanghina…nalungkot…ang lungkot lungkot lang kasi yung ideya na isa sa pamilya mo ang gumawa noon. Haay. Kahit antok na antok na ako kailangan kong manatiling gising para mag-file ng card replacement ngayon. Sobrang hassle talaga. Bukod pa sa bigat ng kalooban na nararamdaman ko.

Ngayon ang nananatiling tanong ko… ano ang gagawin ko ngayon? Ano ang dapat maging reaksyon ko? Sa sobrang antok…gusto ko na lang mawalan ng ulirat at kalimutan na may nawala sa akin. Ayokong isipin na magagawa nila yun sa akin. Maliit na halaga ang nabawas…pwede ko naman kalimutan na yun. Pero isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na hindi. Kailangan magsalita ako at managot ang dapat managot.

Pero ngayon ang nanatiling tanong ng utak ko… Ano, Paano, Bakit?
Ano ba dapat kong maramdaman?

Sana panaginip na lang ito lahat. :(

Comments

mapet said…
hmm. check mo ung details dun sa online account mo. baka pwede kang mag-inquire kung san branch nag-withdraw ung person na nakakuha ng atm mo...
Anonymous said…
awww...:(
Kangel said…
@mapet. thanks mapet.. grabe ginawa ko na siya. 7 banking days pa raw. so malalaman ko rin yun...thanks sis!
Kangel said…
@reah..haay mare..ouch tlaga... sakit pa rin.. :(
Anonymous said…
haynku kayren, cno kya sa knila ang nagwithdraw nun? Y not talk to them, bka badly needed lng nila ng pera kya ginawa yun at bka nahihiya ng sila magsabi nun syo..pero teka bka nmn talagang nagastos mo na yun pera mo then akala mo meron pa..something like that, but need mo p rin maginvestigate..dont worry pera lng yan..kikitain mo din yan..
Kangel said…
@ate rheena. may suspect ako siyempre. pero ayoko na rin talga isipin. iniisip ko na pera lang un. ayoko magalit sa kanila dahil dun.
tama ka kikitain ko rin yun. kalungkot lang na may mga nangyayring ganito. un lang naman.
Anonymous said…
kung kapamilya mo naman ang nag withdraw hayaan mo na, atkeast kapamilya mo yun, at hindi ibang tao...
Kangel said…
ang kasakit lang kasi ung hindi mo alam kung sino... at kung bakit nya ginawa un... ok lang naman sa akin ang hingan di ba? Pero ang masakit ung nahuli mo na pero hindi pa rin umaamin...
kaya nga isyu dito ang tiwala e...
ala lang :(

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...