Nawawala ang ATM ko.
Dahil sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang memorya ko pagdating sa mga nawawalang bagay… Hindi ako agad nagbintang. Baka nga naman nawawala lang siya o na-misplace ko lang. Ganun naman ako parati e.
Pero sa huli…pinilit ko pa rin kinalkal ang utak ko at pilit na inalala ang mga ginawa ko simula ng Sunday. Nalala ko pa nung Monday eh inayos ko ang wallet ko. At yun ang huling beses na nakita ko ang ATM ko. Wednesday morning… nalaman kong nawawala siya. Wednesday night na-check ko online ang account ko. Bawas na ang account ko ng Php 500. Abah! Siguro nag-withdraw ako nung Wednesday… pero hindi e. Wala akong naalala. Wala talaga….
Unti-unti kong ina-analyze ang mga bagay-bagay. Naisip ko pa na baka naiwan ko lang dito sa office ang badtrip kong ATM at may lokong kumuha. Pero naisip rin namin ng kasama ko kagabi… Kung may nakapulot noon dapat na-withdraw na niya yun lahat. At higit sa lahat alam nya dapat ang PIN ko. Oo nga… naisip ko dapat nga alam nya yun. Pero wala naman akong pinagsasabihan ng PIN ko… Ang mga nakakaalam lang ng PIN ko shucks….ang pamilya ko.
Bigla akong nanghina…nalungkot…ang lungkot lungkot lang kasi yung ideya na isa sa pamilya mo ang gumawa noon. Haay. Kahit antok na antok na ako kailangan kong manatiling gising para mag-file ng card replacement ngayon. Sobrang hassle talaga. Bukod pa sa bigat ng kalooban na nararamdaman ko.
Ngayon ang nananatiling tanong ko… ano ang gagawin ko ngayon? Ano ang dapat maging reaksyon ko? Sa sobrang antok…gusto ko na lang mawalan ng ulirat at kalimutan na may nawala sa akin. Ayokong isipin na magagawa nila yun sa akin. Maliit na halaga ang nabawas…pwede ko naman kalimutan na yun. Pero isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na hindi. Kailangan magsalita ako at managot ang dapat managot.
Pero ngayon ang nanatiling tanong ng utak ko… Ano, Paano, Bakit?
Ano ba dapat kong maramdaman?
Sana panaginip na lang ito lahat. :(

Comments
tama ka kikitain ko rin yun. kalungkot lang na may mga nangyayring ganito. un lang naman.
kaya nga isyu dito ang tiwala e...
ala lang :(