Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2006

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Sleep obsessed

Sa araw-araw na lang grabeh... masasabi kong sobrang hirap na hirap na akong gumising… Parang nakadikit na ang ulo ko sa unan ko. Sinasabi ng utak ko, konti na lang… tulog ka pa … Sabay bagsak ng ulo ko uli. ZZzzzzzzz! Idlip … Maririnig ko na naman ang tawag ni mama. “Karen! Karen! 4:30 na! (ng umaga).” Parating ganun ang sinasabi nya at paulit-ulit nyang sigaw sa akin. Pero di ko alam… gumagana pa rin ako utak ko… kasi nung maka-lima o anim yata un na beses na tinawag nya ako para magising… Bumalikwas ako ng bangon. Feeling ko alas singko na. Pero nung bumaba ako… Gudlak… 4:30 pa lang eksakto! Badtrip! Minsan natutuwa na rin ako sa ginagawa sa akin ni mama. Ginigising nya ako siguro 4 am pa lang… dahil alam niyang sobra akong hirap na gisingin… :P Astig! dahil dun di ako nali-late. Yun lang naiistorbo ang tulog ko ng sobrang maaga. Boses agad ni mama naririnig ko… waaah! Bakit kasi 6am ang simula ng shift namin… Oh why? Oh whyyyy?!! Tapos sabado pa ngayon…dapat tulog pa ako…Pramis b...

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

10 Panggulo

10 bagay lang gumugulo sa utak ko ngayon. Ngayong oras lang na ito ha. 1.Ang forever GY . 2.Ang kapatid ko sa bahay na sobrang nakagalitan ko. 3.Ang dyaske kong kras . Haha! - *kilig* 4.Ang suweldo sa Martes na sobrang tagal! 5.Ang SEO Team namin…huhu. 6.Ang kompanyang hindi ko alam kung kailan matuto kung paano mag-alaga ng tao . (O kung may pag-asa pang matuto) 7.Ang training ng mga agents dito. Grabeh… hindi ko alam kung effective … Nahihirapan akong marinig silang bumigkas ng salitang Ingles. Bakit kasi hindi na lang Filipino ang international language e… :P 8.Ang mga taong walang boses na sabihin ang tama…(Isa na ako roon… Huhu…) 9.Ang Bulkan Mayon na sana wag munang sumabog. 10.At higit sa lahat ang mga taong parati na lang nagri-request na palakasan ang aircon ng Quadrant 3, 37th floor ng building na ito. Mga panget silang lahat!!! Lamig na lamig na kami rito pero wala silang pakialam kung mga frozen human beings kami… Brrr! Mga panget kayo… ngayon lang siguro sila nakapa...

Thoughts...

Kung sinuman ang nagsabi na mahirap maging totoo sa sarili…Kasama na ako doon. Marami akong bagay na gustong gawin at sabihin pero hindi ko magawa dahil sa takot. Para na akong paranoid minsan pero hindi ko rin alam kung bakit ako ganito… Sana magkaroon ako ng lakas ng loob minsan para sabihin ang gusto sabihin… pero minsan naman gusto ko na rin makuntento na lang at manahimik na lang kasi hindi ko alam kung ang susunod kung sasabihin ay makakasakit ng iba o makakasakit ng mismong sarili ko. Haay… Hindi ko rin maintindihan kung saan ako lalagay...

GY Chronicles

Waaah! Hindi ko alam kung bakit may GY pa? Pero alam ko naman ang mga benefits ng GY na ito? Pero bakit nagdidilim na naman ang paningin ko at gusto kong mawala na sa mundo ang nakaisip ng shift na ito…. Hmmmp! Basta shift siya…Hahaha! (Peace tayo kung sino ka man :P ) Sa halip na matulog inisip ko na paganahin ang inaantok kong mga brain cells para makapagtayp. Sige tayp lang ng tayp… hindi ko rin naman alam ang dapat I-blog ngayon… Ay marami pala. Pero nakakatamad naman na ikuwento yun…syakness.. iniisip ko pa lang. Mas lalong akong inaantok. : ( About the ATM issue..nakow gusto ko na lang ibaon sa limot. Walang umaamin e. Ayokong magalit dahil lang dun. Pero pinagppray ko na umamin na lang yun ng personal. Sana… Leason learn: Kaya ko pala I-handle ang temper ko sa ganun sitwasyon. Sigh! Time check 5:36 AM – Mag-uuwian na. Salamat naman. Meron mababago sa team namin. At alam ko na na-hurt namin yung boss namin. Guilty rin ako sa mga nilista niyang kasalanan namin. Hehe. At para sa ka...

Trust Issues 101

Nawawala ang ATM ko. Dahil sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang memorya ko pagdating sa mga nawawalang bagay… Hindi ako agad nagbintang. Baka nga naman nawawala lang siya o na-misplace ko lang. Ganun naman ako parati e. Pero sa huli…pinilit ko pa rin kinalkal ang utak ko at pilit na inalala ang mga ginawa ko simula ng Sunday. Nalala ko pa nung Monday eh inayos ko ang wallet ko. At yun ang huling beses na nakita ko ang ATM ko. Wednesday morning… nalaman kong nawawala siya. Wednesday night na-check ko online ang account ko. Bawas na ang account ko ng Php 500. Abah! Siguro nag-withdraw ako nung Wednesday… pero hindi e. Wala akong naalala. Wala talaga…. Unti-unti kong ina-analyze ang mga bagay-bagay. Naisip ko pa na baka naiwan ko lang dito sa office ang badtrip kong ATM at may lokong kumuha. Pero naisip rin namin ng kasama ko kagabi… Kung may nakapulot noon dapat na-withdraw na niya yun lahat. At higit sa lahat alam nya dapat ang PIN ko. Oo nga… naisip ko dapat nga alam nya yun. Pero wala...

I won the battle!

Last week natapos na rin. I've overcome my fears. I can never thank God for giving me all the strength to do what is the right thing to do. Ang ano? Ang lapitan ang mama ko at gumawa ng ng move to totally end yung away namin. =) Thursday… Haha! Huwebes yun. Yun ang binigay ko sa sarili ko na taning para gawin ang dapat gawin. Ang araw na rin na un na naramdaman ko na mababa ako yung parang worthless ka sa sarili mo? Alam mo un? Yung nilunok mo na lahat ng pride mo. Parang sobrang pahiya ka na sa mismong sarili mo. Ganun. Pero hindi ko ininda ang sinasabi ng sarili ko… yung kahihiyan at pangma-mock na sinasabi ng utak ko. Paano na lang ang pride mo etc… etc. Eh paano kung walang nangyari sa ginawa mo… Eh di napahiya ka lang… Etc… etc.. (Hindi ko rin alam pero nararamdamn ko na nilalaban ko ang sarili ko) And on that fight… nanalo ang gusto ko. Sinunod ko ang tama. At hindi ako nagkamali sa naging resulta. It was a hit! Ah este it was a success! Hehe. Matagal ko ng plano ang makipag...