Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2006

Goodbyes...

Super sad afternoon… Last day na ni Sir Joel at nakakalungkot lang talaga na wala ng manager ang team namin. It’s such a dreadful feeling. Emptiness. Void. Deep sadness. Maraming rason kung bakit hanggang ngayon ay andito pa rin ako sa company. Because I serve with all my heart…Totoo. And I have tried na hindi isipin ang mga taong pinagsisilbihan ko. Dahil I know everbody will agree na hindi sila worth pagsilbihan. May reason si God kung bakit andito ako. I know. At kahit hindi ko alam yun…I have tried to fulfill the tasks that He has given me. Pero naging isa na rin sa mga rason ko kung bakit ako nagi-stay ay dahil kay Sir Joel. Nakita ko kasi sa kanya ang pagiging isang lider…isang aktibista rin katulad ko at higit sa lahat…nakita ko na naniniwala siya sa kakayahan namin lahat. Na kaya namin gawin kahit yung mga ginagawa niya… At tinuro nya ang lahat ng alam nya. Hindi siya madamot at higit sa lahat personally naramdaman ko na gusto nya maging successful kami sa lahat ng ginagawa nam...

Saludo

Oh well…natapos na rin ang lahat ng kainisan ko. God has supplied me all the patience and wisdom to understand them and do the right thing. Sana matapos na rin yung isa ko pang problema… I know may end din un…I’m still praying for it. Ano bang latest? Wala naman masyado. May mga tao lang akong hindi maintindihan lately. Yung mga taong nagseset ng date ng lakad pero hindi naman tumutuloy.Sinu-sino kaya ang mga yun?Haha! In fairness to them baka may mga rason naman sila…. At hindi ko na rin hawak siyempre ang mga iniisip nila… Wala lang nakakainis lang naman ng konti… at nakakalungkot na rin kasi gusto ko rin naman sila talagang makakuwentuhan at makita na rin. =( Isang Pagsaludo. Para sa mga agents na naabutan ko…(pauwi ako at sila naman ay papasok pa lang) saludo ako sa inyo. Nakikita ko pa silang may mga hawak na papel at tila sinasaulo ang script na babanggitin nila sa mga clients para lang marinig ang palakpakan ng kapwa nila kasamahan, o di kaya ay marinig ang salitang “acknowledge...

Rants! Rants!

Thursday - Sept 7 Napakahirap talaga para sa akin ang GY. Sa lahat naman siguro… Lalo pa ngayon na inabot ako ng sandamakmak na sakit. Halu-halong sakit ng ulo, malalang sipon to nth level (na naubos ko na ang 1 roll ng tissue!) at ang hindi matigil na ubo at manaka-nakang hika. Kung anu-ano na ang ginawa ko para hindi makaapekto ang lahat ng nararamdaman sakit sa trabaho ko pero wa epek e. Buti na lang kaunti lang ang trabaho ngayon… Kasi naman 60% ng shift ko ay na-consume ko sa paglabas-masok ng pantry para umigib ng mainit na tubig (paglanghap na mainit na hangin para guminhawa ang paghinga ko dahil sa dyaske kong sipon), uminom ng gamot na feeling ko walang epekto, at siyempre ung break na two hours kasama sina jill at jigz at rachelle :D Ayoko ng mag-GY! Pero ito ang trabaho. At ang hindi inaayawan ang trabaho tama? Hehe. :D Monday – Sept 11 Wala pa rin ako sa sarili ko na pumasok ngayon..,Kaya nga ayokong nag-aabsent dahil may ganito akong feeling. Wala ako huwisyo gawin ang mg...

Ang Miting

Ang hirap lang maniwala. Maganda lahat ng sinasabi ng taong yun pero bakit ganun...kahit pilitin ko sarili ko nung oras na yun...25% lang ang kayang i-absorb ng utak ko. Yung remaining 75% lahat un sinusuka ng utak ko. Hindi ko alam kung masyado lang siyang idealistic o ako lang yung pessimistic. Kagagaling ko lang sa nakaka-exhaust na meeting . Ang taong di ko sinasadyang naba-bad mouth ko kahapon pa ay hindi naman pala stupid after all. Isa pala siyang matalinong tao. Magaling magsalita (as literal na magaling) at mukhang matalino talaga. Bawat statements niya o arguments sa meeting na un ay talagang patama but most of the time encouraging. Nakakabuhay ng pangarap. Nakakapagpaisip sa amin na mag-self evaluate uli. Nag-aanyaya na magtiwala sa sistema na gusto nyang ma-implement. Magtiwala sa kanya as a leader. Haay mahirap yun… Oh well mukha naman masipag siya. Mukhang naman kakayanin nya. Kaya nya. Mukhang makakabuti naman sa lahat ang mga policies nya e… Sige…makikinig muna ako at s...