Thursday - Sept 7
Napakahirap talaga para sa akin ang GY. Sa lahat naman siguro… Lalo pa ngayon na inabot ako ng sandamakmak na sakit. Halu-halong sakit ng ulo, malalang sipon to nth level (na naubos ko na ang 1 roll ng tissue!) at ang hindi matigil na ubo at manaka-nakang hika. Kung anu-ano na ang ginawa ko para hindi makaapekto ang lahat ng nararamdaman sakit sa trabaho ko pero wa epek e. Buti na lang kaunti lang ang trabaho ngayon… Kasi naman 60% ng shift ko ay na-consume ko sa paglabas-masok ng pantry para umigib ng mainit na tubig (paglanghap na mainit na hangin para guminhawa ang paghinga ko dahil sa dyaske kong sipon), uminom ng gamot na feeling ko walang epekto, at siyempre ung break na two hours kasama sina jill at jigz at rachelle :D
Ayoko ng mag-GY! Pero ito ang trabaho. At ang hindi inaayawan ang trabaho tama? Hehe. :D
Monday – Sept 11
Wala pa rin ako sa sarili ko na pumasok ngayon..,Kaya nga ayokong nag-aabsent dahil may ganito akong feeling. Wala ako huwisyo gawin ang mga bagay bagay. Pero ano pa nga ba at kailangan kong simulan ang Monday ng pagta-trabaho. Kakaunti ang pasensya ko tlaga ngayong araw na ito. At napapansin ko na sa bawat araw ay itong patience ko tlagang nauubos… Saan ba makakakuha ng pasensya ulit? Saan kaya pwede makabili? Grabeh parang kailangan ko parating mag-refill. Grrr na tlaga sa amin… Waaah! Nakaka-stress!
Monday (- Ngayon -) Sept 18
Isang linggo ang lumipas at ito pa rin ang concern ko. Naiinis pa rin ako sa mga nangyayari sa bahay gawa ng mga kapatid kong hindi ko alam kung paano ko pa madidisiplina. Alam ko naman dapat cool lang di ba? Pero hindi ko na talaga kaya maging cool pa lalo na kahapon… dahil hindi naman dapat sa araw araw ay kailangan kong ipaalala ang tama at mali sa ginagawa nila. At kapag pinapansin ko naman na mali ang ginagawa nila sila pa ang nagtataas ng boses na parang ako pa ang mali….Sino ba naman ang magiging cool pa sa mga ganun sitwasyon ha? SINO?! Kung nung nakaraan linggo ay unti-unti akong nawawalan ng pasensya… Grabeh kahapn halos nag-breakdown na ako… Hindi ko na masyadong ide-detalye ang kuwento. Hindi ba obvious sa ang sobrang kaasaran ko na epekto na ng kawalan ko ng supply ng pasensya…
Pero alam ko dapat na hanggang ngayon lang ito… Dapat matapos na ito… Sana bukas maging ok na ako. Alam ko na kahit ganun sila…hindi ako dapat forever na mainis dahil mga kapatid ko sila… at kahit ilang beses ko pang maramdaman ang kawalan ng respeto nila sa akin, dapat ko silang pagpasensiyahan dahil simply mahal ko naman ang mga yun at kailangan ko silang patawarin.
Sana ma-realize nila na nasasaktan din ako sa mga ginagawa nila. At sana maging ma-realize nila un soon…. Habang hindi ako nauubusan ng pang-unawa sa kanila….
Haay..... What a sad Monday!

Comments
buti nmn at magaling ka na. mwahness! :)
mas maganda pa rin isipin na God is control of everything... ;)