Last day na ni Sir Joel at nakakalungkot lang talaga na wala ng manager ang team namin. It’s such a dreadful feeling. Emptiness. Void. Deep sadness.
Maraming rason kung bakit hanggang ngayon ay andito pa rin ako sa company. Because I serve with all my heart…Totoo. And I have tried na hindi isipin ang mga taong pinagsisilbihan ko. Dahil I know everbody will agree na hindi sila worth pagsilbihan. May reason si God kung bakit andito ako. I know. At kahit hindi ko alam yun…I have tried to fulfill the tasks that He has given me. Pero naging isa na rin sa mga rason ko kung bakit ako nagi-stay ay dahil kay Sir Joel. Nakita ko kasi sa kanya ang pagiging isang lider…isang aktibista rin katulad ko at higit sa lahat…nakita ko na naniniwala siya sa kakayahan namin lahat. Na kaya namin gawin kahit yung mga ginagawa niya… At tinuro nya ang lahat ng alam nya. Hindi siya madamot at higit sa lahat personally naramdaman ko na gusto nya maging successful kami sa lahat ng ginagawa namin. Kahit pa ang kalalabasan nun ay ang paghahanap namin ng ibang opportunities at pag-alis ng ilan sa company, hindi niya yun pinipigilan. Isa siyang patient na teacher. Siya na siguro ang pinakamalaking ehemplo ng salitang PASENSIYA. Andami nya nun. Well hindi naman nakakapagtaka yun dahil nga naging instructor siya. Hehe. Isa siyang respetadong lider. At mascot ng team namin. Ang nirerespeto naming boss… ang BARNEY namin.
Kapag nakakameet ka nga naman ng ganun mga tao…kahit papaano nagiging inspirasyon mo siya para gawin yung trabaho mo ng maayos. Di ba? Kahit papaano nagiging paraan siya para mabalik ang tiwala namin sa company. Pero ngaun…sa palagay ko…hmmmn ano na lang ang mangyayari? Ewan ko :D
Siyempre ewan ang sagot kasi hindi mo rin naman talaga alam kung ano ang mangyayari pagkatapos di ba? Pero isa lang ang nagi-echo sa utak ko na sinabi niya. “Kaya nyo iyan…” Hanggang sa dulo pinapalakas niya ang loob namin. Grabeh… di ba nakakaiyak? Haay!
Nasa iyo pa rin ang respeto namin Sir Joel. At maraming salamat sa lahat ng tinuro mo sa amin. Talagang nakakalungkot ang mga pag-alis na iyan. Pero natutuwa kami dahil nakilala ka namin at siyempre naging boss ka namin. Waaaah! Hehe.
Sabagay dyan ka lang naman sa tabi-tabi. YM-YM na lang ha! May our God bless you and may you be successful sa lahat ng rakets mo at sa future career mo. Thanks in a million… =)
Basta kami observe observe pa din dito. At isasabuhay ang lahat ng tinuro mo… ANG MAG-SCRAPE! Haha!
Goodbye for now Barney! ;)
Comments
Tama nmn si joelito eh, kaya nyo yan, kya nga kyo natira dyan eh pra subukan ang iyong kakayahan, hehehehe:D
Goodluck to everyone and regards to all..
hay naku fung matagal na...hehhe..musta na?
wala lang...our team would never be the same without you... =(
anyways...salamat at binasa mo na rin blog ko....
huhu...