Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2006

Christmas Parties Galore...

Update.update muna..hehe. Share ko lang na tatlong Christmas parties na po ang na-attendan ko.Hehe. Oo nga at masasarap ang pagkain na siya naman tlagang gusto ko.neg-enjoy po ako sa bawat party na yun.pero hindi ko namamalayan na napapagod na pala ako. Kanila lang kasing umaga ay sinumpong ako ng aking bestfriend na sakit. Ayun at hindi ko na naman ako nakatuloy sa sa isang tutorial session ko sa bicutan. Hindi ko alam pero naisip ko rin na there is reason for everthing. Paraan lang ng Diyos para mag-break muna..wala na kasi akong pahinga talaga. ;) Oh well.hehe. Company Party Oks naman naging party ngayon kaysa yung dati. Masarap ang pagkain at pinaka-fave ko eh yung nai-serve na dessert..Yum yum! Haay..sana makatikim ulit ako nun. Kwento ko lang lang ulit.At the last minute ay talagang lito ako kung pupunta sa Crowne Hotel pero hayun..dahil sa sinabi kong pupunta ako.pumunta talaga ako.Nakakahiya naman kasi kung hindi. At siyempre sinilip ko lang uli ang party nag-register tapos fly...

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...

Ang Bikol at Mga Super bagyo...

Ang mababasa nyo sa ibaba ay isang email na galing sa aking brod from UPSCA (University of the Philippines @ Los BaƱos) na si Dominic. At dahil isa rin akong bikolana, lubos akong nahahabag sa mga taong nasalanta ng mudflow sa Albay dulot ng bagyong Reming (international name: Durian). Nakakalungkot na nangyari pa ito kung kailan magpapasko. Marami ang namatay kaya malungkot na Pasko ang naghihintay para sa namatayang pamilya. Hanggang ngayon ay walang kuryente dahil sa mga nagtumbahan poste. At higit sa lahat maraming pamilya ngayon dun ang nagugutom, nawalan ng tirahan at nawalan din ng ari-aria n ... Ngunit ang nakakatuwa sa pangyayari matapos kung mabasa ang email na ito ay nakikita pa rin ng mga Bikolano ang pag-asa sa kabila ng trahedya. At nararamdaman ko na kahit ilang bagyo pa ang dumating sa kanila... nakakatuwang naiisip pa rin nila na kontrolado pa rin ng Diyos ang lahat...na puso nila na hindi sila pababayaan ng Diyos anupaman ang mangyari. :) "...subalit sa lahat ng ...

Paalam Sir...

Kababasa ko lang sa isang blog at email na namatay na si Dr. Pacifico Payawal. Siya po ang aming dakilang teacher sa Natsci 2. Dakila dahil saulo nya na talaga yung lecture notes nya. At kahit siguro paikutin mo siya ng tanong….masasagot nya. Magaling talaga. Hindi na ako nagtataka na kapag binabasa ko ung mga lecture handbook namin noon…parang nagsasalitang Dr. Payawal ang nai-imagine ko. Parehas kasi yung mga wordings nya sa handbook at sa lecture class namin. Terror daw si Sir Payawal. Malupit magpa-quiz yan. Paano? Yun ang ginagawa nyang attendance at ang cumulative scores ng quizzes ay isang exam…Patay sa kanya yung mga umaabsent. Kaya marami rin yun bumabagsak dahil sa ganun nyang sistema. Pero ako…hindi ko napansin yung pagiging terror nya… Naisip ko na ok lang naman yun…Actually disiplina lang talaga para sa estudyante. Madali lang naman ang Natsci 2….pero humirap lang para sa mga estudyante dahil sa pasaway talaga sila…kasama na rin minsan ako…Hehe. Ang naalala ko mga klase ny...

Amnesia, Makahiya,... atbp.

Oh well andami ko ikukuwento. Sobra na ata ang pagkakamakakalimutin ko ngayon at nakaligtaan ko kung anong petsa na. Pumasok ang December ng nakakalimutan ko ang mga dapat kong gawin. Masyado akong naging occupied sa mga bagay na hindi kailangan I-prioritize at heto ako ngayon nalulungkot dahil sa epekto ng hindi ko pagpa-prioritize sa mga bagay na dapat inisip kong gawin. Dec. 1, 2006. Hindi ko naalala na may chapter meeting. Grabe na siguro ang pagkalimot ko dahil kahit kalkalin ko ang baul ng memorya ko ay hindi ko maisip na may sinabi ang mga brod and sisses ko sa SFC. Wala akong maalala. Wala. Haay ano ba ang nangyayari sa akin? Dec. 2, 2006. At ngayon araw, ay este madaling araw habang sinusulat ko itong blog entry ay nakalimutan ko na ngayon pala ang simula ng pagiging lector ko sa simbahan. Naalala ko naman siya in fairness kaso too late para gawin ang mga dapat gawin. Tinext ko siyempre si ate jenny, head ng Word Ministry at sinabi ko na nawalan ako ng track sa dates kaya naka...