Skip to main content

Ang Bikol at Mga Super bagyo...

Ang mababasa nyo sa ibaba ay isang email na galing sa aking brod from UPSCA (University of the Philippines @ Los Baños) na si Dominic. At dahil isa rin akong bikolana, lubos akong nahahabag sa mga taong nasalanta ng mudflow sa Albay dulot ng bagyong Reming (international name: Durian). Nakakalungkot na nangyari pa ito kung kailan magpapasko. Marami ang namatay kaya malungkot na Pasko ang naghihintay para sa namatayang pamilya. Hanggang ngayon ay walang kuryente dahil sa mga nagtumbahan poste. At higit sa lahat maraming pamilya ngayon dun ang nagugutom, nawalan ng tirahan at nawalan din ng ari-arian...

Ngunit ang nakakatuwa sa pangyayari matapos kung mabasa ang email na ito ay nakikita pa rin ng mga Bikolano ang pag-asa sa kabila ng trahedya. At nararamdaman ko na kahit ilang bagyo pa ang dumating sa kanila... nakakatuwang naiisip pa rin nila na kontrolado pa rin ng Diyos ang lahat...na puso nila na hindi sila pababayaan ng Diyos anupaman ang mangyari. :)

"...subalit sa lahat ng pagsubok na ito masusulyapan mu silang nakangiti pa din...nananatili sa puso nila ang naglalagablab na apoy ng pag-asa dahil kasi ang buhay nila ay simple't hindi nakadepende sa materyal na bagay...nung magbigay ang baranggay ng isang supot ng sardinas at tatlong kilong bigas at mga noodles...isa lang ang kanilang nasambit, "magpasalamat kita ta igwa, an Mahal na Dios dae nakalingaw". .(magpasalamat tayo'y meron,ang Diyos ay hindi nakakalimot. ..)"

Dated: Sat, 02 Dec 2006 11:48:56 -0000
Subject:[UPSCA-LB] bikol at mga super bagyo...

alam nyo mga brods and sis isa sa pinakamasakit na mga pangyayari sa amin ay daanan ng maladelubyung bagyong milenyo...kung makikita nyo lang sana ang pinsalang dulot nito sa aking mga kabarangay,kamag-anak at kaibigan...maiisip nyong tama bang bigyan ng ganitong parusa ang halos wala na ngang makaing mga mamamayan?sabi nga ng isang reporter ng gma 7 hininga na lang ang natitira sa mga taong ito...at kung mamalasin pa ay mahinto na din ito dahil sa hirap ng buhay...minsan naisip ko na bakit sa isang sulok ng mundo may mga gantong nilalang na pati katiting na pag-asa ay unti unti ng inaagaw ng dilim...napakalungk ot ng buhay na inilaan sa mga kaluluwang ito...at ngayon isa na namang pagsubok ang kinakaharap ng mga sundalong ito...ang galit na galit na bagyong reming..batid ko na kahit number 3 lang ang sorsogon ay malaki pa din ang pinsalang idinulot nito saamin lugar...naiisip ko nga wala ng masisira pang pananim,bahay, pag-asa,pangarap at buhay sa aming lugar ang bagyong reming dahil inubos na ito ni milenyo...subalit sa katabing probinsyang albay naman nagbuwis ng maraming buhay...nakahilira sa mga plaza ang mga bangkay na natabunan ng lahar mula sa mayon...at ang mga natirang buhay pa ay sumisigaw ng tulong...wala silang makain,walang tubig...madilim. ..madilim ang nalalabing panahon para sa kanila...para silang kandilang unti unting nauupos...nung matapos ang milenyo saksi ako sa muling pagbangon ng mga mamamayan,pilit na ginagawang normal pa din ang buhay kahit pa ang bubong nila ay nasa ilog na at yupi yupi..kahit na ang mga tanim nilang palay na aanihin na lang ay andun at nabubulok sa palayan...kahit na ang mga tanim na gulay ay wala ng dahon at bulaklak at tiyak hindi na mapapakinabangan. ..subalit sa lahat ng pagsubok na ito masusulyapan mu silang nakangiti pa din...nananatili sa puso nila ang naglalagablab na apoy ng pag-asa dahil kasi ang buhay nila ay simple't hindi nakadepende sa materyal na bagay...nung magbigay ang baranggay ng isang supot ng sardinas at tatlong kilong bigas at mga noodles...isa lang ang kanilang nasambit, "magpasalamat kita ta igwa, an Mahal na Dios dae nakalingaw". .(magpasalamat tayo'y meron,ang Diyos ay hindi nakakalimot. ..)

Tulungan natin ang ating mga kababayan sa Bicol.

Sa mga nais mag-donate para sa na-apektuhan ng bagyong Reming, ang Syngenta Foundation, inc. po ay tumatanggap ng donations.

Kung cash, puwede po ninyong ideposito sa:
account name, Syngenta Foundation Inc.; CA# 1621-0039-56;
Bank of the Philippine Islands - Enterprise Branch.
Mobile ng Syngenta foundation: 0917-807-9227.

Nakikipagtulungan ang Syngenta foundation sa People's Movement for Disaster Response (PMDR) para sa mga relief operations diyan sa Bicol at sa TABANG BICOL (Tulong Bicol).

Ang kanilang mga centers:
1. 7850-B Makati Avenue, Makati City (near Kalayaan Ave.). satellite TABANG BIKOL center para sa Makati area.
2. no. 1 Maaralin Street. Cor. Matatag, Central district, Quezon city. Landline: (02) 951-1027; mobile: 0917-530-8925, email: http://us.f519.mail.yahoo.com/ym/Compose?To=yvlgen2004%40yahoo.com (ini an Main TABANG BIKOL center sa Manila). Paki hanap lang tabi si Yvonne.
3. no. 664 Encarnacion Bldg., Rizal St., Barangay 17, Legaspi City. Ini an centro man sa Bicol. c/o the People's Movement for Disaster Response.
4. Barangay Hall, barangay Del Rosario, Naga City landline: 054-472-0267. c/o Naga City Chapter kan People's Movement for Disaster Response.

Isama na rin natin sila sa ating mga prayers. Sa lahat ng mga pamilyang nasalanta at mga pamilyang namatayan ng bagyong Reming at Milenyo. Nawa ay maging maayos na rin ang lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...