Skip to main content

Amnesia, Makahiya,... atbp.

Oh well andami ko ikukuwento.

Sobra na ata ang pagkakamakakalimutin ko ngayon at nakaligtaan ko kung anong petsa na.

Pumasok ang December ng nakakalimutan ko ang mga dapat kong gawin. Masyado akong naging occupied sa mga bagay na hindi kailangan I-prioritize at heto ako ngayon nalulungkot dahil sa epekto ng hindi ko pagpa-prioritize sa mga bagay na dapat inisip kong gawin.

Dec. 1, 2006.
Hindi ko naalala na may chapter meeting. Grabe na siguro ang pagkalimot ko dahil kahit kalkalin ko ang baul ng memorya ko ay hindi ko maisip na may sinabi ang mga brod and sisses ko sa SFC. Wala akong maalala. Wala. Haay ano ba ang nangyayari sa akin?


Dec. 2, 2006.
At ngayon araw, ay este madaling araw habang sinusulat ko itong blog entry ay nakalimutan ko na ngayon pala ang simula ng pagiging lector ko sa simbahan. Naalala ko naman siya in fairness kaso too late para gawin ang mga dapat gawin. Tinext ko siyempre si ate jenny, head ng Word Ministry at sinabi ko na nawalan ako ng track sa dates kaya nakalimutan ko na ang Dec. 2, 2006 ay isang Saturday at sa palagay ko ay hindi ako makaka-attend dahil sa kamalas-malasan ay naka-assigned naman akong panggabi sa trabaho. (Waaaah!) Sa Saturday masses kasi ako naka-assigned na magbasa. Pero talagang nakalimutan ko. Hindi ko sinasadya. Gusto ko ng batukan talaga ang sarili ko at sobrang nagsisis ako nangihihinayang sa pagkakataon. In short po nakagalitan ako sa text. Sinabi ni ate jenny na too late na para maghanap ng replacement. Dapat daw maaga ko sinabi etc. Ginusto ko uma-attend pero pinigilan na rin nya ako. Ayaw nya naman mapahamak ako sa madaling araw na pag-uwi galing sa trabaho para pumunta sa church. Naramdaman ko naman na nag-alala siya sa akin kaya lalo kung gusting pagalitan ang sarili ko. Dahil sa pagkakamamakalimutin ko nakalimutan ko ang unang araw ng service ko sa simbahan. Sigh! (Super sadness talaga!)

GY Chronicles – Sadness pa rin =(

Siguro sensitive lang ako or whatever pero gusto ko magtampo sa WEB-DEV. Yeah sinabi ko last time sa article na sila ang first love ko na team… pero este kanina…parang gusto kong bawiin…Mababaw lang naman ang dahilan e….Di ko na sasabihin….

Siguro marami lang talagang nakakalimot sa mga taong katulad ko. (Drama to the highest level! Huhu!) Anu baaaaahh?! Hindi naman siguro…ganun lang talaga sila. May mga tao lang na nag-aakala na kinalimutan ko sila….Pero sa totoo lang…namimiss ko na sila. Kaso bakit parang hindi nila ako namimiss?

Oh well…kailangan cool ka lang. Recover! Go with flow! Haay…hirap…. ;)

Dilemma

Meron akong interbyu. Yeah sa Honda Cars – Alabang. Hindi ko rin alam kung pupunta ako. Haler kasi ang layo no. Pero maganda ang position. Well established ang company….Pinagp-pray ko pa until now….Bahala na si God. =)

Makahiya

Masyado akong nagiging sensitive na naman these days. Ang tendency naman nyan eh ang isara ko ang sarili ko sa mga taong nakakasakit sa akin kahit hindi nila alam.Hindi naman nila nalalaman na iniiwas ko ang sarili ko sa kanila. Para akong makahiya na sisimulan pa lang na hawakan eh titiklop na. Ang mga nakakaalam lang naman ng mga ganun kong taktika ay mga super close friends ko. Nahahalata nila ako.

Ayokong maging isang makahiya sa totoo lang pero hindi ko maiwasan. Hindi ko alam pero yun na ata ang nakalakihan kong defense mechanism. Sa ibang tao…ok lang yun…yun na yung protection sa sarili na pwedeng gawin ng tao. Pero para sa akin mali yun. May mali sa iyo. Alam ko naman yun. It was deeply rooted sa aking past. Pero kailangan kong maayos ito dahil nasa present ako. Hehehe. (Ang lalim! Hahaha!)

Oh well ni-lift up ko na ang bagay na ito kay God. At kapag naalala ko at ginagawa ko mismo pagiging makahiya ko pinagppray ko talaga. Hindi ko lang alam kung bakit antagal ng sagot. (Hindi naman ako nagmamadali….pero kailangan..Sigh!) Pero mas gusto kong isipin na “on process” siya. Sana kaya ko ng I-absorb ang lahat ng reason na sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa sinasabi ko…Hehe. (Grabeh talaga ang GY na ito…kung anu-ano ang nako-confess ko. Hahaha!)

Pagod na ako at inaantok. Uwi na ako... *Yawn*

Comments

Anonymous said…
anong interview itech?:p
Kangel said…
hehe sa honda yun mare... oh well... :)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...