Skip to main content

Princess Hours, New Years Resolution 2007, My 24th birthday =)

December 30,2006 - Princess Hours DVD Marathon

My mind goes in circles lately. At ano ang laman nito? Marami. Thoughts of having my special someone.. Syaks. Dala ito ng panonood ko ng DVD ng Princess Hours. Ang lahat ng thoughts ko ngayon ay may kinalaman sa Korean novela na yun.. Ang lungkot tuloy ng nararamdaman ko. Badtreeepppppp! I feel so empty na hindi naman dapat. Bakit ako nagkakaganito? =(

Ilang araw na rin akong ganito. Ilang araw na nga kaming may conference ni God sa utak ko. Question and answer ba kami. And He never fails to comfort me with His words naman. Pero kapag natapos na yung conference namin.. haay tao lang nalulungkot na naman ako.

Natutunan ko na kailangan kong pagtuunan ang thought life ko. Mas nabibilang ko na ngayon yung mga kakulangan instead of blessings. Hindi ba masamang senyales ito?
Haay. Mas napapansin ko ung lungkot ko.. kaysa sa saya. Anyway.. Lam ko may end ito. For sure.


January 2, 2007 - New Year Update!

Happy New Year!

Ito na naman at nagpalit ang taon. Hindi ko tlaga alam kung ano ang mangyayari ngayon 2007, pero katulad na rin lang ng 2006 I will take it one day at a time. Hindi ko alam kung matutuloy pa ang mga plano ko. Pinagppray ko pa rin yun hanggang ngayon. Andun yun takot pero I trust Him na anuman ang mangyari kontrolado nya pa rin ang lahat. =)

Anong balita?
Super ingay at saya ng bagong taon sa amin. Hindi ko lang nakayanan ang usok ng mga lusis na yan kaya umakyat ako agad sa 2nd floor ng bahay namin. Siyempre sandamakmak na pictures at video ang nakuha ko. ( Salamat sa regalong digicam God.) Sobrang saya tlaga. Daming foods. Kumpleto pamilya ko Thank you God. At lahat kami nagpasalamat sa lahat ng blessings na natanggap namin for year 2006.

Yung Christmas naman…
Ayown. Hehe. Namumulubi ang lola nyo dahil dumami ata ang mga inaanak ko. Eh ang tanda ko lang e apat lang naman sila ah... hehe. In short dinagsa kami ng mga kamag-anak namin nung Christmas. Oh well ang pinakamasarap naman na feeling naman ay yung naramdaman mo na nakapagbigay ka kaysa nakatanggap di ba? =) Kahit na sumakit ang bulsa ko, tumaba naman ang puso ko. Nabusog ako sa thank you at merry Christmas at siyempre sa mga ngiti nila pag inaabutan ko sila ng pamasko. Yun na lang ang mas masarap alalahanin. At siyempre Christmas yun..birthday ni Jesus... so spirit of love and giving dapat. =) Kaya pala may kanta..sana araw araw pasko. Hihihi. =)

New Year’s Resolution 2007

Nung ni-review ko ang new year’s resolution ko last year, nakita ko na may natupad ako. Hehehe. Almost lahat nga e. Kaso yung pagbabasa ng Bible di ko pa rin natatapos. Sigh. Pero at least nasimulan ko na rin at may mga natapos na akong mga books =) Hehe.

Last year po ay isang test of patience, pride, sensitivity. Alam ko lahat ng naisulat ko noon.. lahat ng hiniling ko na pag-refine ng character ko..nangyari yun lahat last year. At siyempre ina-allow yun lahat ni God na nakaalam ng the best para sa atin. Oh well.. nakakatakot naman pala mag-sulat ngayon dahil baka magkaroon ako ng patung-patong na mga tests... hehe. Pero sa tingin ko mas ok na yung may mabago sa iyo kaysa magkaroon ka ng stagnant character na hindi naggo-grow. Kaya heto na.. bahala na next year. Oh God.. kayo na po ang bahala. Ito na ang aking mga New Year's Resolution.

1. Siguro ang gusto kong mabago ay yung temper ko pagdating sa mga boys. Hindi talaga kasi maganda. Ang ikli ng pasensya ko. Actually both sexes rin kapag inaatake ako ng pagkatopak. Haha! Pero alam ng mga malalapit kung kaibigan kong paano ko pinaglalaban ang matagal ko ng struggle na ito. Sana tlaga humaba ang pasensya ko sa kanila. At sana matutunan kong kontrolin ang temper ko. Sana mabawasan ko yung pag-iinit agad ng ulo. Patience lang talaga. Sighness.
2. Sana mabawasan ko na rin madaling mainis lalo na sa bahay. Feeling ko araw araw akong meron e. Shock absorber ko actually ang mga kapatid ko sa bahay. Wawa naman. Pero kung mako-kontrol ko lang ang inis ko, mas magiging ok ang lahat siguro.
3. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng Bible =)
4. Sana maiwasan ko na rin mag-taray.
5. Sana maging mas maging active pa ako sa service sa community.
6. Sana matutunan ko uli ang pagkakaroon uli full trust sa mga tao.
7. Sana mag-grow pa ako more - spiritually.
8. Sana matutunan ko na ipagkatiwala kay God ang ibang areas ng buhay ko na kailangan ng change. Alam ko meron pa kaya naman..handa ko yun I-surrender at gusto ko lang matupad sa akin lahat ng plans nya para sa akin. =)

Haay. Nakakapag-senti na naman ako. Sinagot lahat ng Diyos ang lahat ng mga prayers ko for this year, maliban sa isa. Alam ko ang dahilan kung bakit hindi nya yun binigay. Oh well..just like I said may mga areas pa ako kasi na hindi naisusurrender sa kanya...Hopefully. this year..i pray na magkatotoo lahat. In his will for His glory. =)

My 24th birthday.

Ayoko pa magsalita. Hehe. At hindi ko rin sasabihin kung kailan. Pero calling all my dearest and not so dearest friends.. these are my birthday requests/wishes. Pangarap lang yung iba..pero kung generous kayo tlaga. God will bless you all =)

May wishes lang ako na gusto kong matupad sana..

Sana magkatotoo ang sinabi ng isang tao dyan na mag-kape kami kahit 12 am pa un. Hehe. Hinahamon ko siya tlaga. Kahit ako na ang sumagot sa kape. Hahaha! Sagot nya ang merienda at pamasahe ko na rin pauwi. Oh di ba ang sweet at ambait ng taong ito…haha!


Sana magkaroon ako o makabili ako ngayon ng bagong Bible. (NIV). Calling all my Christian Friends. Ahem! Sana maging anghel kayo sa akin ngayon birthday ko.

- VCD/DVD collection ng sailormoon/sakura/any Disney cartoon/movie
- Life-size na bugs bunny stuff toy.
- Starbucks tumbler
- Secosana black bag
- Civilization 4 installer
- Games installer –(SIMS,NBA,at kung anu-ano pa)
-

Sana magkaroon ako kahit isa lang sa mga pinapangarap ko.

Laptop – tanungin nyo muna ko ng specs please.
Ipod Video- >4GB
Cellphone (motorolla or sony ericssons) – tanungin nyo ako kung ano model (kapal ko no haha!)


Tama na..kakapalan na talaga. Pangarap ko lang naman ang lahat ng mga sinabi ko sa itaas. Kaya naman kung gusto nyo akong mapangiti at pasalamatan kayo habambuhay.. and then gawin nyo na please..hehe. Salamat na lang in advance. =)

At siyempre isa pang wish - WORLD PEACE! Hehe!

Comments

Anonymous said…
JANUARY 15 BIRTHDAY NI KAREN! HAHAHA!

hoist! grabe nmn yang wish list mo hahaha! natawa ako dun ah! pwede bang picture frame nlng? hahaha!

karen, i can feel it, this is the year that your wish will finally come true! i can really, really feel it! hahaha! manghuhula pala e no?

mwahness! labshu! mishu! Godbless! :)
Kangel said…
hahahaha! wag kayong maniwala kay joni...wahahahah!

siyempre pwede picture frame..kahit ano basta galing sa puso.. naalala mo pa lang e na kaarawan ko oks na sa akin.. hehehe.

thanks joni... sana nga... hihihi!
labshu too...tsupness! God bless u rin..miss u na tlaga. :)
Anonymous said…
yeah tama sa jan 15 ang bday ni karen..advance hapi bday ah..
Anonymous said…
ang ganda ng template! kamukha mo yung girl..hehe...happy happy 2007! i pray you'll find the One this year and that you'll be happier...i know God will bless you..just continue to honor Him...nasa likod mo lang ako mare..:D
Kangel said…
@rheena - tse! Salamat...ang aga pa e...

Salamat ng sooobraaa! MISS U TE RHEENA!
Kangel said…
@reah - salamat mare... ang name ng girl na ito ay "Tomoyo" - girl character from sakura. Mas gusto ko nga si sakura e. Pero mas feel ko nga na magkamukha kami ng girl na ito...Hehe. =)

sana nga. :) thanks for being there always. grabeh. you are always a blessing sa akin.
Sarj said…
isa itong kabaklaan, hindi kakapalan. hahaha.

and yes, JANUARY 15 ang bday ni karen. ipa-salvage niyo kami ni joni kung hindi totoo. haha.

kayruben, nakakalungkot at nakakatuwa talaga ang princess hours (sorry po, addict kami. at ito lang pinagkaadik-an kong korean novela ever.haha.so it's really good.;p). hahaha. ano pa? panoodin niyo na rin!
Kangel said…
@sarah - anu baaahhh!! hehehe... joni oh gusto kang ipa-salvage ni sarah...hehehe.

seyrah..super ganda ng princess hours...ang gusto ko na lang tlaga ay matapos na..para matapos na ang ang lahat ng mga imahinasyon ko..wahahaha!
Just-iced said…
ekaren! ganda ng mga wish mo. im sure they'll all come true. about the perplexity thing, i'll pray for you. don't worry. magiging ok lahat. =)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...