Skip to main content

New Year's Resolutions Ko

Actually wala akong nabuong new year’s resolution bago pa magtapos ang taong 2005. Hindi ko alam pero parang hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang ideyang yun. Dahil na rin sa sobrang busy, saya siguro ng mga nagdaang events (Christmas nga at saka New Year)… In short… masyado na naman dalahin ang utak ko nung mga panahon na yun.

Siguro mahirap lang talagang tuparin ang mga new year’s resolution. Andami ko talagng new years resolution na hindi natupad. Syaks. Pero totoo… Kaya siguro di ko na nakuhang mag-set this year ng mga bago. Pero since for the spirit of new year at para naman hindi ako sabihan kakaiba ng mga tao… Nakapag-isip-isip na rin ako ng maari kong baguhin sa sarili ko. Isasama ko na rin sa entry ito ang mga wishes and hopes ko…for this year… Sana magawa ko…hehehe… documented ito. Online pa…Nakow! Wala na talaga akong lusot. ;)

1.Bawasan ang pagiging pagiging sobrang sensitibo – Madamdamin kasi ako at sensitibo. Sa kilos at pananalita pa lang kasi binabasa ko ang intensiyon ng tao kung paano siya makitungo at makipag-usap sa akin. At siyempre nagtatampo agad ako kapag nasaktan ako at kahit pa wala siyang ginagawa. Solusyon: Iiwasan ko na lang siguro yung mag over-conclude sa mga kilos at pananalita ng tao.
2.Bawasan ang pagiging ma-pride.- Haay tagal ko na itong gusto… Pero hirap… pero kahit sana konti… mabawasan ko. Sintaas na ng bundok ang pride ko…Sana matapyas kahit konti… Hirap wala man lang kasing nagta-try mag-reach. =(
3.Bawasan o Iwasan? ang pagtitipid sa sarili– Masyado ko atang na-overdo ang resolution kong ito ilang taon na rin ang nakararaan. Paano sinabi ko ito sa sarili ko nung maranasan ko ang kumain ng pancit canton at 555 tuna (flaskes in oil – fave ko) umaga , tanghali at gabi sa dorm sa loob ng maraming linggo. Pero sosyal ako dahil may orange-mango juice ang every meal ko…Pampawala ng umay. Hehe. Feeling ko dala ko pa rin ito hanggang ngayon… dahil natatakot akong gumastos para sa sarili ko hanggang ngayon. Haay. Kailangan ko itong gawin para bukal na sa loob ang gagawin kong panlilibre sa mga balahura kong officemates. (balang-araw! Haha!) Pero gagawin ko ito.. pa-pamper ko na ang sarili ko.
4.Sana mabasa ko na ng kumpleto ang Bible this year (Syaks di ko ito nagawa last year).
5.Sana makasama na ako sa isang outreach/volunteer organization this year.
6.Sana makontrol ko na ang temper ko sa pananalita man o pagsusulat
7.Sana habaan ko pa ang pasensiya ko at lawakan ko pa ang pang-unawa ko sa mga tao sa paligid ko. Minsan kasi hindi ko pa rin sila maintindihan.
8.Sana makuha ko ng magpatawad ng mabilis katulad ng ugali ng bata.

Mukhang idealistic talaga lahat. Hehe. Pero wala naman masama kung matupad ko ang isa, dalawa, tatlo o ung lahat. Ang mahalaga... may plano akong pagbabago sa sarili ko. =). In God's will... He will direct me thru these changes. Para naman sa Kanya ito at siyempre sa sarili ko... =)

Katamtaman daw ang suwerte ng mga “Pig People” (1983 ako pinanganak- Year of the Pig) ngayong Year of the Dog (2006). Pero ako alam ko, andami ko ng suwerte noon pa. At alam ko hindi un dahil sa suwerteng dala ng kung ano ang kasalukuyang taon ...kundi dahil sa ito ang nakaplanong mangyari na bigay Niya.... Thank you God! Marami pang blessings sana ngayong taon... =)

Happy new year sa inyong lahat!

Comments

Anonymous said…
at sana makuha mo nang alagaan ang sarili mo para magawa mo na rin magmahal.... uy... =)
Unknown said…
wow gudluck karen, hope matupad lahat yan..
Anonymous said…
Sus new year new year... :)
Anonymous said…
haha! gudlak sating lahat!
Kangel said…
Amen na lang.. hahaha.. :))
Anonymous said…
Happy New Year Best!!!.. Ang tarush naman ng new year's resolution mo!..Sana matupad mo clang lahat.. I know GOD will continue to bless you and your family.. Advanced Happy Birthday nga pla.. Saan ba ang handaan? (^-^)
Anonymous said…
hi karen! aileen used to be 0ver-sensitive coz di exposed sa bad elements dito. but when she started working naging strong sya. ma-experience mo rin yun.

merry christmas happy new year :D
Arthur said…
Karen!!!! Nyahaha! Maraming salamat sa pagbisita! Saka, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako dun sa kape! Woohoo! I hope magawa nga natin yang mga resolutions na yan..Lalo na sa'yo..HANGDAMI NYAN! Haha! Just focus on Him and you won't get lost. Ingat palagi and God bless!

Popular posts from this blog

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."