Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2006

Nice Weekend

Nakakalungkot lang simulan ang araw na may mabasa ka sa blog mo na hindi nakakatuwa. Sa kabila ng lahat ng gud news this weekend at kung gaano ito ka-fullfilling para sa akin ay mababasa akong hindi maganda. 2nd Month sa Talking Hands Nakakatuwa na makasamuha ko uli ang mga deaf and mute sa Immaculate Conception Church. Kahit hindi sila nakakapagsalita at nakakarinig ay nakita ko na interesado silang makipag-interct sa amin ng kasamahan kong si Tope (ang dakila po naming brod sa UPSCA – para kay Rom). Ang hirap nga lang kasi talagang kaunti pa lang ang alam naming na sign language. Magaganda ang art works na nagawa ng mga kasamahan namin. Yun lang no… yung sa amin hehe… hindi namin natapos… Sinamahan kasi namin ng tawanan at kwentuhan yung paggawa kaya hayun… Frame lang ang nagawa namin. Hehe. Pero kung enjoyment lang naman. Sobrang enjoy yung buong session. Special thanks para kay Tope dahil sa pagpunta nya nung Sunday. Pero brod, sa sunod agahan mo ha…para maka-attend ng class. Thank

Ang sakit lang talaga...

May mga bagay lang siguro na di ko kayang baguhin. At kailangan na lang siguro akong manahimik kahit na labag ito sa kalooban ko. Mahirap at ang hirap-hirap....Pero dahil sa nahihirapan ako...napatunayan kong tao ako at hindi ko ito kaya kung ako lang. Pero alam ko naman na andiyan lang Siya...nagmamasid at nagbabantay. =) WORTHLESS Akala ko ito na yung pinaka-least na salita na maari kong marinig o maramdaman sa biyahe ng life ko. Pero iba pala talaga yung pakiramdam kapag andiyan na. Nakakaparanoid. At kahit ang isang bahagi ng sarili ko ay nagsasabi na wala silang intensyon na iparamdam o sabihin yun...nasasaktan pa rin ako. Alam ko naman ang worth ko. At alam ng Diyos at alam ko natutuwa siya sa lahat ng ginagawa ko. Ok na sa akin yun...kaso, masakit pa rin talaga kapag naramdaman mo at pinaramdam ito intentionally or unintentionally. Doon bumabangon ang iba't-ibang emosyon ko. Gusto kong magsalita na tama na... Pero iniisip ko ano na lang mangyayari sa akin bukas? ANG PANINIWA

MARIPOSA

Haay! Matagal na akong nagsusulat ng wala sa sarili ko. Ang mga huling write-ups ko this past few weeks I guess ay ang pinaka-safe na pwede ko pang maisip. Kasi ang lahat ng mga naisip kong topic marami na naman ang magre-react. Gosh no! Nakakapagod na i-entertain ang ang mga reactions na yun. Marami silang hindi maintindihan sa mga sinusulat ko. Pero ang alam ko lang naiintindihan ko ang mga reaksiyon nila. FLASHBACK. Sorry pero kailangan ko I-flash back ang mga oras na may paniniwala akong dapat kong isulat ang lahat ng dapat kong isulat. Dahil yun na ang nakasanayan kong gawin simula pa nung bata ako. Ito lang ang naiisip kong outlet noon sa lahat ng mga saya, frustrations at sa lahat ng depressions na hindi ko kayang sabihin o i-express sa salita. Kaya siguro nabuhay pa ako. Buti na lang pala natuto akong magsulat… May mga naisulat akong nakapagpatawa at nakapagpasaya ng tao. Meron din naintriga at nasaktan sa mga sinulat ko. Meron articles na nagpapasalamat sa mga tao, andun yung

Datu Puti Suka Song Commercial

Gud News! Gud News! Andami gud news na nangyari… napi-feel ko na siyempre maayos din ang lahat. Ang galing talaga ni God… Yey! I was just so blessed dahil answered prayers tlaga ang lahat. God is so great. 1. Nagkatrabaho na rin sa WAKAS… ang tatay ko…Yahuuu! Meron kaming di pagkakaunawaan dahil sa isyu ng pagtatrabaho na iyan. Pero now..I can feel na si God na ang gumawa ng paraan… matagal na paghihintay ang ginawa ko… pero pinaubaya ko lang sa kanya…And look siya pa talaga ang nilapitan ng trabaho. Hopefully ang sumunod eh ang magkaroon ng na siya ng self-confidence sa sarili niya (tatay ko) at dumating yung pangangarap niya uli para sa amin. Hindi lang alam ng tatay ko kung gaano ako natutuwa sa lahat ng nangyayari… 2. Next, andami ko realizations this past few weeks dahil na rin sa mga inspirational books na binabasa ko ng libre sa Powerbooks. Ahehehe! Grabe noh! kahit nakatayo at tubuan na ako ng ugat ay hala sige basa pa rin… nakakalimutan ko nga minsan na kailangan ko na rin pal

Puppy Love lang iyan!

Well, last Saturday was great! Nagkita-kita kami ng mga kaibigan/klasmeyts ko nung grade 6 (Batch 1996). Yeheeeey!!! … Masaya ako dahil sila pa rin ang mga classmates ko 10 long years ago... Nag-mature na mga hitsura nila pero nagkakilala pa rin kami. Masaya ako… Sobra…Siyempre flashback ang ilang memories ko… Nakita ko dun si _______…puppy love ko yun… Pero andaming halu-halong emotion ang naramdaman ko… Andiyan yung excitement… I just want to stare at his face… cute nya pa ren… =) Haay… But he was surrounded by girls… na classmates ko rin before…dalawa o tatlo sa mga klasmeyts ko eh may crush sa kanya…Habang tinitingnan ko siya….may nararamdaman akong konting hurt… na hindi ko pa rin nakikita ang acceptance sa akin ng taong matagal ko ng gusto o possible na gusto ko pa rin ngayon… Ahehehe! hindi ko alam e…. Acceptance???! Sabihin na natin ang definition ko ng acceptance ay yung feeling mo na gusto ka rin nya…Alam mo yun? Wish ko lang parang kagat lang langgam yung hurt na sinasabi k

On trusting your life to God...

Ei it's been a while na di ako nakapagsulat... Tinamad ako at marami lang talagang ginagawa... Duh? Hehe. Ok the reason... God gave me some tests this past few weeks na patuloy kong nilalampasan ng paunti-unti. But thanks to him... nakakangiti pa rin ako at nakakatawa... I know problems will always be there... yes… pero siguro ang pinaka-comforting lang na nalaman ko ay He will always be there... Hindi siya nawawala kahit kailan... especially sa mga crying times ko... Nakakapagod... Pero he continues to give me strength... and eternal peace... Masaya ako...kahit na natatapos ang araw kahit pagod... na medyo malungkot... Pero guess what? He will not end the day na nakasimangot ako… Gagawa siya ng paraan na mapangiti ako… Basta you will just feel it… And I think it’s a nice feeling na maramdaman mo… na mahal na mahal ka Niya… and He makes me feel that He sees my worth… At yun lang magiging ok na ang pakiramdam ko…Sarap ng feeling. =) Akala nyo naman nakalimutan ko ng sumulat. Nagsusu