Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2006

Saranggola Sa Ulan

Narinig ko ang kantang ito noong Sabado. Kinanta ni Jimmy Bondoc bilang second to the last song nya dun sa show nya sa megamall A. Napaka-inspiring ng kantang ito para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Sabi ni Jimmy Bondoc para raw ito sa pangit na lalaki na nangangarap na makapangasawa ng magandang babae. Isang kanta na naghahatid ng pag-asa sa mga pusong pasuko na. Pero sa tingin ko ang pinaka-mensahe ng kantang ito ay patuloy napagkakaroon ng positive outlook sa buhay sa kabila ng sandamakmak na pagsubok. Kaya basahin nyo lang yung lyrics ng kanta. Hindi kayo mabo-bored. Nakakatuwa na kaya pa ng mga Pilipino na lumikha ng ganitong mga letra ng kanta. Haay tamang-tama ang kantang ito sa mga nararamdaman ko. Sana magawa ko pa rin magpalipad ng saranggola sa ulan. (Para kasing nainip na ako. Ang tagal lumipad e. Hehehe...) :P Saranggola Sa Ulan Titik at Musika ni Gary Granada Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik Ng una kong sinta at kalarong paslit At ang sabi ng matatanda Siy

Haay Katamad!

Haay… Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. This week talaga sobrang katamaran ang nararamdaman ko. Hindi yun normal. Basta alam ko hindi. Saan ba ako tinatamad? Sa lahat. Dahilan ng Pagkatamad 1. Stress – Sobrang stress ako last week and this week sa napakaraming reasons ata. Siyempre konti lang sasabihin ko kasi ayoko naman na bukas ay wala na akong buhay matapos ng article na ito….Haay! At katulad pa rin ng dati, madalas ko pa rin iniisip ang mga problema ko kaya nagiging problema e. (Dyaske! Batukan ko na kaya ang sarili ko! Ito na ata ang pinakamalaking problema ko. Ang mamublema ng problema…) Stress sa trabaho at sa bahay… isama mo pa yung pagtaas ng bilihin talaga naman sa E-VAT na iyan… na sana naman hindi na ibulsa ng mga taong kurakot…. Nahihirapan talaga ako mag-isip kung paano ko pa iba-budget ang pera kapag suweldo. Tapos ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na bibili ako ng ganitong bagay para sa sarili ko pero hindi nangyayari. =( Nalulungkot marahil ang sarili ko

Talking Hands

Naitanong ko tuloy sa isang volunteer kung bakit sila pumupunta roon… para lang ba gumawa ng artwork? Sabi nung volunteer, para daw makipag-interact na rin sa kapwa niya deaf and mute at sa mga taong katulad namin… Kasi nga naman hindi naman lahat ng tao alam mag-sign language di ba? Noong Sunday isang kakaiba at talagang nakakagising-diwang karanasan ang na-encounter ko. Uma-attend kami ni Romela ng Talking Hands nung Sunday sa Immaculate Concepcion Church sa Pasig. At talagang naging napakasaya ng experience na yun. Ang Talking Hands ay isa sa mga napakaraming volunteer projects ng Hands on Manila na kung saan nagkakaroon sila ng mga programs and activity para sa mga deaf and mute bata man o matanda. =) Nakakakaba na nakakatuwa…First time kong gagawin ang makipag-usap kung saka-sakali ng sign language ang gamit ko. At sa wakas maiintindihan ko na rin ang sign language na noon ko pa gustong matutunan… "Class Rules" Binigyan kami ng sign name na siyang espesyal na sign ng ami