Skip to main content

All Soul's bonding to the max... :)

What happen to november 1 and 2...Hehe...Wala..walang nangyari...Kain...tulog at bonding talaga with my family. Hehe... Medyo late na nga lang dumating yung father ko dahil expected ko na wala na silang pasok nung Oct 31. Gabi na ng November 1 siya dumating...

Picturan ever!

On Nov 1 siyempre..Hehe...at dahil nga bonding...pagkatapos naman iko-commemorate ang mismong araw...Kainan na siyempre. Ang lahat ng pagkain na inalay namin sa mga mahal namin sa buhay ay siyempre napunta sa mga tiyan namin...Nyahehehe!



pagkain nilantakan namin after i-prepare para sa mga souls. hehehe. sarap!
(pen,mama, alyn bunso)



kangel and sister jean..pagkagising camera ang hinarap.haha! (nov 2)


hehe. family pic almost....missing jean and charles. (i love this pic..)



karel and kangel (posing ever!)



pen and kangel (happy halloween!!! hahaha! pwede na ba???! )




jean,alyn,pen,and kangel (itaas ang kamay! smile! hahaha!)



November 2 ulet is bonding and bonding and bonding to the nth power...(that includes.manood ng tv, kumain, matulog, magkwentuhan at mag-internet.hahaha! bsta magkakasama namin gawin un...bonding na yun...) =)

Observations: What happened to me this week.

- sinubukan ko yung isang estore script para sa isang raket. Oh well... mukang hindi kailangan...Kailangan ko tlagang i-recode ang user module nun.. Sa monday night start ko na.

- Hmmnn...super friendster addict na ang mga kapatid ko. Hehehe..Oh well I cannot stop them...Ngayon lang nila talaga na-experience ang power ng internet because kakarenew ko lang internet connection ko. Pagbukas nila ng pc..iisang site lang ang pupuntahan nila...Oh well they visit youtube also...hahaha.

- Super napa-praning na ako kung paano ako magpapaalam. Hehe... But I need to do it on the first day of the week... What ever happens.

- I need to fix my life...(Parang sobrang sira no??? Hahahha!) I dont know what is happening to CFC-SFC. Hindi ko rin alam kung pare-parehas kaming nakakaramdam ng ganitong feeling...Yung parang nawawalan ka ng gana...(Sorry talaga Lord) I've been speaking to God about this matter for sometime now... At alam ko na somehow kailangan kong tumulong. Tumulong sa kahit anong paraan para sa chapter namin. Hindi ko rin alam kung paano. But I can't leave SFC-sunvalley like this without trying and without giving my time and my resources para ma-revive ang nawawalang spirit of service ng sfc. Nalulungkot ako...pero...hindi ko kailangan maging malungkot forever...CFC-FFL after all is still Christians...hindi naman talaga sila nawala...Nag-iba lang. Pero Christian pa rin.

Hindi ko man maintindihan ang paghihiwalay na ito...In the end...God will work his ways. Whatever happens...we are all Christians, serving only one God. At alam ko pare-parehas kaming magkakasundo sa aspetong yun.

- Next siguro would be my plan na matagal ko ng pinagpaplanuhan. Hehe.. I just dont know how yet. Hehe. But God is my witness...Sana magawa ko nga talaga... Growth ito para sa akin. And I love growth. Masakit ito and sometimes very humiliating talaga...but I love being corrected in a nice way..,in my own will. Ito na...at heto na...(*cross-fingers*) Magagawa ko ito...Kailangan...Para na rin sa sarili ko.

- im thinking of an opportunity God has given me again for the nth time. Nung tinanggap ko yun aaminin ko marami ako na-sacrifice. My comfort zone(state of career)....my newly found friends..and my family na rin... (sila kasi ang beneficiary ko sa lahat ng ginagawa ko). Naisip ko nun na...ano na lang mangyayari sa akin? Kaya ko ba? Oh well...Basta nung nag-sign ako dun...binigay ko na ang desisyon sa kanya. Pero nakiramdam din ako. It is positive naman. With prayers in all...heto na. I would be leaving soon my current job.

-Fine...Thanks blogger for the visit sa blog ko. I would like to share some SEOPinoy tips. Dahil sa marami na rin nahuhumaling magtanong tungkol sa SEO ka heto na...Yun lang sa next post ko pa ito magagawa.Hehehe. Pasensya na pagod na akong magtayp e...hahaha!.

Heto na muna antok na ako... Kangel signing off at 1:22 AM 11/4/2007.

Comments

Emierald said…
Ayos sa bonding ah... :)
sarap naman nung chicken!
Kangel said…
hehe...oo nga e...office bonding naman emie..hehehe
Anonymous said…
miss ko na po sina mama at papa mo,..

kaikiss na lang pos knila.. love u and miss u friend,,,mwmawma..

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...