- May isa akong matagal na dapat ng ginawa na hindi ko nagawa ngayon linggo. I was so sad. Yung lungkot na nakakamatay ng heart. Yun ganun. I did it because I wanted to grow and I think it is now time. But I think God had stopped me. Hmmmn...Hindi ko na alam ngayon ang iisipin. Honestly naguguluhan na rin ako. But I am still praying na magawa ko yun after *his special event. Sana...dahil pagod na ako mag-isip, manghula at malungkot...
- 2 weeks (sana...kung papayagan mag-leave...hopefully) na lang ako sa office. Counting the days...ini-enjoy ko ang mga moment na andito pa ako. Pero na-overcome ko na yung sadness. Dahil alam ko naman na andyan lang naman sila. Actually ang fear ko naman ngayon ay ang papasukan ko. Siyempre panibagong adjustments na naman. Hates ko ang first days and first weeks ko sa pagpasok ko sa isang company...Yan kasi yung sobrang boring time para sa akin. Mapipilitan akong manahimik...Hehe (Siyempre di ako sanay manahimik no..Haha!) at makipagkilala ulet...siyempre...mangangapa na naman ako ng ugali ng mga tao. Haaayyy...Oh well ganun na talaga yun e... hehe...Sana...makalipat na rin ako...para maagang adjustments...para ma-enjoy ko naman ung mga christmas party ko naman kasama ang mga bagong officemates. Hehe.
- Sobrang puyat. 4 am na ako natutulog because of raket na offer sa akin ng from working friend in singapore. Sana magtuloy-tuloy na rin ito at dumami. Pero enjoy ko naman ang ginagawa ko. Kaching-kaching na naman. Bait talaga ni Lord... :)
- Sa bahay...nag-birthday ang dalawa kong beautiful sisters!!!
HAPPY BIRTHDAY PHEN! - Nov 15
At ang tita ko... HAPPY BIRTHDAY MAEYEN! - Nov 4
May God bless your lives...More blessings pa at siyempre all the riches in life!...at pakabait kayo... hehe. Love you all!
"REJECTION" (AFTERMATHS)
Rejection. Ito yung word na madalas na ayaw marinig o marealize or mainterpret ng boys from girls na nililigawan nila. Boys hate it. Nakakababa kasi ito ng self-esteem. Kaya yung ibang boys...play safe parati. They court girls yung hindi halata...pinapakita nila interested sila...sometimes naiisip na ng girl na like sila siyempre ng boy na yun...pero kapag kapag may nakita sila (boys) na something negative message from girls na kino-court nila...boys stopped what they are doing. Yung parang wala lang... Pakiramdaman ba...And then totally pag convince na sila na wala si hope dun sa ginagawa nila...STOP na talga. Sayang kasi resources (pera, time at effort)...sabi nung isa kong kakilala. So bakit pa sya magtitiyaga di ba? Sa iba na lang...marami naman dyan...magaganda..mababait sexy at ok pa. Oh well...boys usually thought that way. Not all. Yes some...And maybe most of them. (Reference ko po yung mga kaibigang kong boys na trusted naman...I never judged them dahil may kanya-kanya naman silang individualities. And they are indeed wonderful persons...Nasa kanila ang respect and love ko... :) )
Hindi ko alam kung paano mag-handle ng rejection aftermath ang mga boys..Hindi naman kasi ako lalaki. And I dont know din kung paano ang mga gays and lesbians. (include ko na rin sila kasi mga friends/readers na super friendships talaga) Pero sa babae paano rin kaya? Siguro yun yung isi-share ko dito sa post na ito is not detalyado para naman protektahan ko rin ang mga tao sa kwento. Yun feeling ng ni-reject ang isi-share ko na naman sa inyo...sworn statement ng isang (emosyonal na) babae. Hehe... (Warning...tigilan nyo ng magbasa kung dito pa lang dahil makakabasa kayo ng kadramahan ni kangel...Hahaha!)
Sa kaalaman ng lahat. Twice na akong na-reject. Actually not rejection tlaga by word. Siguro I just consider them (those events) na rejection cases. Nasa tao naman yan kung paano ka magtago ng iyong mga NEGA memories mo iyong Pandoras box hehe. Hindi naman ako nanligaw ok..hindi ko po yun gawain. Napalaki po akong bahagya lamang na conservative ng aking mga magulang kaya naman asahan nyo na hindi ako ang unang lumalapit sa boys I mean yun yung treatment ko sa mga ganun cases...Basta sana gets nyo na? Haha! (And hirap naman neto...haha!)
Yung una, nung highschool... with a friend that I used to liked so much. At pangalawa at yung nangyari nitong week lang. Yung una yung pinaka-painful sa lahat. Siyempre first time eh...masakit talaga. Haha! Yes...yung experience na yun ang pinakatraumatic sa lahat. But I was healed naman. I love all of my "boy-friends" naman as of present...Hehe! And then neto nga this week I feel the same pain that I felt 4 years ago. Alam nyo yung kahit napaghandaan ko na...masakit pa rin. sobra. Ako lang siguro ito...Hehe since ako naman ang nagsi-share ng experience...(Wala ng kokontra...Haha!)OO na emosyonal ako...(accdg to ardee.. ehehe!) ako talaga yun e...Been trying to change "me" for years...Nagiging ok naman...may pagbabago naman...Mas ok na nga ako ngayon...Better...pero emosyonal pa rin.Hehe.
How's the pain so far? Andito pa din. Sobra ba? Hindi naman...Pero masakit pa rin. Haay...nasasanay na rin akong i-handle ito at namamanipulate ko na rin ang sarili ko na wag masyado paapekto. Sabi nga...ako pa rin ang in control sa sarili ko? - sabi yun ng isang friend ulet. (Dami concerned friends...ahahaha!) Anyways...alam ko di pare-parehas ang mga girls... I am just sharing a character na pwedeng nakita nyo na rin sa iba. Wag nyo silang i-judge ...hehe...they are just them and it is just me. Hehe.
Bakit ko ito na-share? Ayaw ko kasi magalit sa taong gumawa sa akin at nagparamdam sa akin ng rejection aftermath... Wala rin naman siyang kasalanan. At part lang talga ito ng buhay. Hehe. Kahit mahirap I am learning to accept that there are just things that you can't have no matter what ways you did to have them....It is only God that knows the best things for us...for each one of us. Pero bakit hinayaan ni Lord na maramdaman ko ito? I really don't know. But what I believe is pasasalamatan ko rin siya in time dahil naramramdaman ko ung pain na ito. I may never know kung ano ang reason nya...but in the end I know...gusto nya pa rin ang best para sa akin. I will never know what will happen next. But God teaches me to trust Him more each day. Masakit pa rin hanggang ngayon...pero hey may katapusan naman ito. Oo...malapit ng matapos ito. :)
Isa akong babae na nakaramdam ng ikalawang rejection sa ikalawang pagkakataon. Nakaramdam ng sakit ulet. Sa mga boys na nag-iisip na nakapag-reject sila ng babae in any way...bawi kayo sa mga girls. Hindi nila kasalanan ang makaramdam ng ganun. Just lessen the pain kahit kayo ang source. Ok?
At sa lahat ng nakakaranas ng ganitong feeling in any way...siyempre kaya ito. Sus! Para ito lang. Pain teaches you to be stronger. Kaya ok lang yan maramdaman. Minsan lang naman siguro yan...Hehe..(Nga ba?) Haha!
Sharing: 2 Corinthians 12:10 (New International Version)
That is why, for Christ's sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong.
If rejection is strength. Nakakapagod pala maging malakas no?Hehe...
Tulad ng nararamdaman ko ngayon...Pagod na talaga ako. Haay...
Haay naku...ang ganda ko naman para ma-reject ng ganeto di ba? Hahaha! (Please lang wag na kayo komontra...Haha! Makiramay na lang kayo sa nararamdaman ko...Ok? *wink*)
Dito na muna. ;) 11:28 PM 11/15/2007
Comments
...anyway, wag mo masyadong dinaramdam yan, who knows what will happen next! may mas maganda pa na darating sa buhay mo...
@ying - ahaha...true ying...sige kakain ako ng kakain for you. labshu friend.. miss na kita