Siyempre ang nangyari nung saturday night was really not a plan. But I think
it is God's plan for me.
Dapat pupunta ako ng Medical City para ipacheck up ang left breast ko. May nakita kasi yung
doctor sa SYKES nung nung physical check up ako nun. Maliit pa lang ung mass/lump na ito dati. Pero till nga kahapon, naramdaman ko na lumaki na tlaga ito.Saka medyo nakakailang na. Nararamdaman ko na. Kaya I decided na rin to go to a doctor para magpaconsult.
Hayun nga, dumating ako sa breast clinic ng medical city ng almost 4pm. Hay naku...late na ako. Di na ako tinaggap ng nurse dahil strict sila na hanggang 4pm lang talaga sila. Sabi nya hanggang 4pm lang yung doctor. Kaya hayun ina-ask ko rin kung pwede magpset ng appointment. Pero ayaw. Punta na lang daw ako sabi ng nurse. Kaya naisip ko, para di masayang yung pamasahe ko at mga steps na nilakad ko...tinanong ko na lang skeds ng lady doctors pag saturday. At least kahit information...makuha ko.
After nun, naisipan ko lang pumunta megamall para manood ng hindi ko pa rin napapanood na dark knight. (kainis! haha). Pero anak ng pating talaga at hindi talaga meant 430pm ako dumating ng megamall...kakasimula lang ng Dark Knight at ang susunod na palabas ay 630pm pa. What daaahh!! haha! Anyway...naisip ko nun kung uuwi na lang ako magsa-shopping. Pero yun, naisip ko ung talagang purpose ko ng araw na yun...ang magpacheck-up. So yun nga...at ganun nga... naisip ko ang CLINICA MANILA na dati ko ng pinupuntahan kapag nagkakasakit ako. Kaya pinuntahan ko ang nurse station dun...kumuha ng number at hinintay na tawagin ang pangalan ko. In short natuloy ang check up ko.
Ang Operation...
Heto na nga, tinawag na yung number ko. Sa isang surgeon ako na-assign. Parang tamang tama naman ano? Hehe. Pero hindi ko pa naman inisip na magpa-opera right there and then. Kaya naman pumunta lang ako. Tutal check up lang...check up lang ang habol ko. Para macheck ko kung in danger na ba ang buhay ko. Kasi sa pakiramdam ko...hindi na talaga normal ang laki ng lump na yun sa left breast ko.
Swak na swak naman dahil ako ang unang na-interview ni doc. (Lady doc ito. salamat naman..) Ni-check nya yung dibdib ko. Usual kapa-kapa. Then interview. Sabi ko last year pa ito. Tapos nimomonitor ko lang ung paglaki nya. Eh feeling ko di na normal kasi nga naiilang na ako.
Ayun...the doctor offered to me na ipa-biopsy. To get a portion daw of the lump then susuriin nila ito for weeks. Tapos dun malalaman kung cancerous daw or benign. Then she also offered na tanggalin na lang din. Pero she assured naman at her first check up on me na tingin nya benign ung mass. Pero sabi nya di pa rin sya sure.
I ask for the amount of the operation. Days na mare-rest ako sa bahay. And yung maintenance ng sugat after. Parang na-convince naman ako na parang kaya ko yung 3 days at least. at yung amount. May resources ako nun...kaya parang gusto ko ng mag-"GO" nun.
Then she asks kung kailan ko daw gusto magpa-schedule. Nag-isip ako. kasi mapupuno na schedule ko sa mga susunod na linggo. Paano ito? And then I think of this Monday....tingin ko heto na yung 3 days na pahinga starting saturday night. And then the wonderful idea popped into her mind. And the she suggested..."Ngayon na lang kaya?"
At first...para naghi-hesitate tlaga ako. Pero naisip ko rin yung agony of waiting ng operation day kung i-sked ko pa. So I said Yes sige...ngayon na lang po. So there, my operation was scheduled at 6pm. By then, it was 5:15 in the afternoon. 45 minutes...waaaah...
What I remember?
Gising ako nung operation. I saw everything, aside from the blood that came out from me. I saw the tools. I hear everything. I felt pain at first when the anaesthesia was injected sa manipis kong balat. And from there, I saw each of the tools the doctor used to remove the mass from my breast. I saw smoke coming out from themachine the doctor is using. Hindi ko alam kung laser yun... Ewan. And after 30-40 mins, the mass was removed completely. I saw it. It is 4 x 2cm I think. "Thank God"...yun na lang nasabi ko.
What I learned?
I went to clinica manila and undergone an operation na ako lang mag-isa. wala akong kasama nun. Brave huh? Pero that time...nung papasok na ako operation room...gusto kong tawagan ang lahat ng kakilala ko. At gusto ko papuntahin ang family ko. Pero hindi ko na sila kasi pinapunta. Kasi ni-assure naman ako ng doctor na I can still walk at umuwi dahil minor operation lang naman. Hindi ko na sila pinag-alala. Baka magdala ng pillows at kumot ang nanay ko at mga damit...kapag pinapunta ko. Alam ko kung paano yun mag-alala. Mas pinili ko nun na ako na lang muna. I have my God with me naman. At binigay ko ang lahat ng thoughts ko at worries ko. "Bahala na kayo Lord..." Pinaalam ko naman sa family ko ang operation ko. Hindi ko na lang sila pinapunta pa.
I felt fear learning na mag-isa ako. Pero I know that God has given me strength that night. The doctors are fun to talk with. Concern sila sa akin. And I felt I'm safe with them. I felt God that night. Hanggang sa pag-uwi, God led me home safe.
Siyempre ang nangyari nung saturday night was really not a plan. But I think it is God's plan for me.I believe that this operation is an answered prayer last Sunday dun sa healing mass sa sunvalley. Thank you Jesus. All the praises and glory is right for your most holy name. :)
I am healed. Thank you Father :)
Comments
I admire you sis. God is good.