Skip to main content

My Father knows best! (Looking for Mr. Right - a story)

Ang Simula

Simula ng ma-surrender ko ang mga thoughts na ito kay God, hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pakiramdam....hindi ko na nga iniisip yung mangyayari. Actually hindi ko alam kung ito yung effect ng prayer ko na yun. Or it is just me. wala na akong interes na pagtuunan ng pansin ang paghahanap - paghahanap kay Mr. right. Yun...yun ang tamang term. This idea is boggling in my mind for days now. Naisip ko kasi kung maghahanap ako...I end up not finding the right one. I end up insisting that this man (at present) is the right one. Akala ko sya na.

Katulad ng experience ko na lang kay Kolokoy (di tunay na pangalan..haha!). I know from the very start that He is not the one. Maybe it is God saying to me that very night...."Hindi sya yun Karen"....I heard that. God has spoke to me. Imagine. Pero ang makulit kong utak, naging submissive naman...pero after that, balik na naman ulit.
I cried that night. I remember. At napakanta talaga ako with all the emotions ng "God is enough". And God has spoken again. He should be enough in my life first before anything else.


Flashback lang...
Akala ko madadala yun sa dasal, na baka pwedeng sya na lang kasi sa knya ko yun nararamdaman. Yung feeling na masaya...romantic love nga ba ang tamang term dun? Hehe...hindi ko na rin alam. Basta todo ang dasal ko...Naisip ko naman...nagsi-serve ako sa kanya...And I really prayed unceasingly...baka makinig si Lord, gumawa ng miracle. Katulad ng sa multiplication of bread...(last sunday gospel) Konti lang yung fishes at iilan lang yung bread pero naparami ni Lord.... Baka maging Mr. Right din si Kolokoy. There is still time. I can wait for that miracle to happen.

I blindly follow these hopes. Well ganun naman talaga pag nagmamahal di ba? Pag may love hindi pwedeng walang pag-asa kang nararamdaman. Siyempre you are hoping deep in your heart na someday he will return back all you have felt for him. Pero siyempre, tanggap mo rin na baka nga hindi pwede...Pero andun ang lahat ng positive energies mo eh. Yun lang mas more na positive ka...kaya nga hoping eh... Iba ang word na hope and expect...ok? Pero di ko na yun di-discuss dito. Pero I would say na nag-hope ako at nag-expect din at the same time.

Naisip ko kasi dati, jackpot yun. Masaya yun. Feeling mo lahat ng pangarap mo...nagkatotoo na lahat.Kapag tinupad ng Diyos ang very wish mo.



And NOW....
But God has plans. Unti-unti pinakita nya na mas maganda yung idea Nya kaysa sa idea ko.Na mas maganda ang plans nya. Sa kanya yung for long-term ang effect kaysa sa yung pang-short term ko.

At pinakita nga sa akin ni Lord yun, unti-unti. Every step of the way, He did not lose grip on my hand. Hinayaan nya akong madapa...umiyak, maging depressed at mawalan ng pag-asa. Yes. I did lose hope. Pero ang pinakamaganda nangyari eh inalis nya ang aking false hopes sa mga bagay na temporary lang. He allow me to see the whole picture outside. Who is really is this man I am praying...He made me realize that He is not the one I am praying for. Parang sumegway lang... Dumaan lang sya. Pero aaminin ko medyo nilagyan nya ng spice ang not so boring kong life...Hehe..

And so there. Natapos na rin nga yung chapter na yun. Na hindi ko rin inakala na matatapos.Hehe. Nahirapan din ako. Kasi naman medyo iba na yung treatment ko sa mga scenarios at nag-iba na way ko to solve the problem. Pero sa tingin ko ito ang isa sa mga hindi ko malilimutan na story ng buhay ko. Kumbaga sa pelikula at teleserye...andami kong ginawang first time dito. Haha!. Anyway...di naman po yung foul. Pero since first time. Masaya and I learned my first lessons. At least ngayon alam ko na....(Teka...baka kung ano ang isipin nyo...hindi yun yun...To read more about this...sundan lamang ang kangel's conversation story na ito. )

Eh ANO NGAYON ANG DRAMA?!

Anyway...anyway...so ano na ba ang conclusion at bakit ko sinusulat ang article na ito. WALA LANG.

Nagtataka lang ako. Tapos...Medyo naninibago ako sa sarili ko. Actually first time ko rin lang maramdaman kasi ito... Naisip ko nga kaninang umaga nung nasa FX ako na baka napagod na lang talaga ako. Pero for now as in NOW...parang ayoko muna. Medyo nabugbog kasi ako...tapos may konting trauma pa. Pero pagaling na. :) Ok lang naman magpahinga once in a while.

So ayoko muna sa mga cute, intelehente at pogi...uhmm...(Duh?!!!) na aaligid aaligid sa akin...kasama na ang mga Christian guys (heto ang kahinaan ko). Kumbaga sa mamimili sa palengke, titingin tingin lang muna ako. Pero hindi ako bibili. Kung may darating. FINE. Pero hindi ko pa rin alam. Si Lord na bahala sa akin. Dahil talagang ang pinakanatutunan ko sa experience na ito... Iisa lang. :)

My Father knows best. :)

So follow Him. At wag ng komontra pa. ;) (I believe that He will give me that Mr Right. Parang may pakiramdam nga ako na malapit na. Bahala na. :) )

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...