Skip to main content

Subject: Love Talks (my realizations) (1)

You can't impose love. You can't control love.

With my 26 years of existence on earth, I saw different kinds of people battling against or for love. Wanting love, hating love , and just savoring love.

But I won't talk for others here. This is my blog in the first place right? Ang pag-uusapan natin ay ang mga realizations ko about it.

Maaga yata akong namulat sa idea ng love.

Kinder pa lang ako nagka-crush na ako sa isang teenager na kapitbahay namin. You see I appreciate men really. Haha. Maaga akong nag-admire sa kanila in short. At naramdaman kong masarap pala yung magkaroon ka ng crush na feeling mo na inspirado ka. Tapos parating maganda yung araw mo. Ang gaan gaan eh. Yung feeling na yun, hinanap ko yun every year. Which mean that this idea have me look for a new crush every year. Maaga rin kasi akong namulat sa 99% perspiration at 1% inspiration. Pero nung kiddie years ko pa, hindi yata naging totoo yun. Hindi ko namalayad na > 1% na pala sya. Inisip ko rin na crush lang naman. Wala naman masama. Bata pa ako noon pero alam ko na bawal pa talaga ang bf. Kaya I indulge myself sa feeling not knowing meron palang epekto sa akin ito pagdating ng aking highschool years.


Teka alam nyo pa ba yung feeling na magka-crush ka ng bata ka?


I remember it so well. Natatandaan ko na, parati mong gusto makita yung tao. You see pag bata ka, ang crush parang kendi lang yan...or masarap na pagkain sa tindihan. Tinatakam mo ang sarili mo... Ang naalala ko... pag tumitingin na sya on your way kahit hindi talaga ikaw ung tinitingnan...bumibilis ang heartbeat ko. Tumatakbo ako sa isang corner tapos super tago talaga ako. Tapos buntong-hininga....tapos...sasabihin ko sa sarili ko. Haay...ang gwapo nya talaga. Inspired na naman ako. :)
(Kaloka, bata pa lang ako...alam ko na talaga ang gwapo idea...nakuha ko yun sa idea ng mga gwapong prince charming malamang kababasa ng mga fairytales...tsk!)

So, nagpatuloy yun hanggang hayskul days ko. Grabeh, every year bagong crush. Dahilan ko para maging inspired ako pumasok. Ginawa ko talaga syang source of inspiration. Sayang nga lang di ko namamalayan na naging source of despair ko na rin pala ito ng mga huling years ng aking hayskul.

First Love Daw?
Ok dati, kung crush crush lang ako, I felt love nung second year high school. Actually di ko rin ma-sure pa yun kung love nga yun. Haha. Ang alam ko lang...hindi ko makalimutan yung phase na yun sa buhay ko. Nadocument ko kasi yun gamit ang aking "Dear Diary". So tingin ko wala akong lusot. Ilang beses ko bang binanggit na "Mahal ko sya"... "I love you...ek ek"... Kulang na lang mag-rhyme yan...makakagawa na ako ng spell. hehe. Hindi ko makalimutan kasi ito yung first heartbreak ever din. Konting detalye....heto.

High school years po noon...eh nagso-soar na ang aking acads (sori po...hindi po sa pagmamayabang) Siguro wala lang talaga akong magawa noon...Dahil ito na yung pinakamabilis na paraan naisip ko na irepay ang kabutihan ng aking parents sa akin...(basta its another story) Yun...ginamit ko ang pagkakaroon ng inspirasyon (meaning crushes para sa akin noon) para makapag-aral ng mabuti. Parang gusto ko patunayan (hindi ko rin alam kung kanino ko gusto patunayan), na totoong effective ang pagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral. Siguro naisip ko yun para magkaroon ako ng dahilan sa parents ko kung magkaka-bf man ako. Duh...haha. Not sure. hula ko lang.

Gwapo, maputi, matangkad, sports athlete sya. Crush ng bayan. At naging super crush ko.Na-in love ako ng 2 years sa kanya. Iniyakan ko yun...hindi ko matandaan rin kung bakit. Basta everytime na nasasaktan ako at nagwiwish ako na maging kami....umiiyak ako. I think it is a form of release for me. Wala rin kasi akong masabihan noon sa mga kaibigan ko. Natatakot ako na ipagsabi nila. Natatakot ako sa tuksuhan. Natatakot akong mawalan ng control. Or mapaiyak sa kahihiyan. I can't stand confrontation way back in high school kaya tinago ko ang feelings na yun. Yun pala ang magsi-shape sa akin mga future decisions ko sa love. Since I was afraid of passing thru this stage...I hide myself as being strong, funny and easy to be with friend. I did not allow others to see my weak side like crying for boys fearing them to tease me... I felt the reason was stupid...And I felt like a loser and so...

Ewan ko ba, nagmanifest yun sa hitsura ko nung hayskul. I have a different upbringing pala. Medyo hindi maganda nung teenage years ko. To make the long story short, pinagbawal ng parents ko na magpaganda ko nun, dahil ayaw nila na maaga akong maging maarte. Kaya nga noon I don't care whether I look like a nobody. Malaki damit ko, mahaba hair ko, no powder on my face, unironed school uniform...I really don't care at all way back then in high school. Naalala ko na sinabi ko sa sarili ko...If somebody would love me...he should accept the real me. Haay my stuborness! Grabeh no? I did not entertain change knocking on my door. With all the pride..pa na tinanggihan ko. Yabang ko pa noon...Bahala sila kung ayaw nila akong tanggapin. They are not worth of my time. Ito siguro yung mga oras na nalaman ko ang totoong ibig sabihin ng pride. Akalain mo?

Dinaan ko ang lahat sa acads...hoping na mapapansin nya ako. Ng crush ko...okay first love ko.Feeling ko noon, boys appreciate smart girls...kahit dun na lang makapuntos ako sa heart nya. Hindi ko rin kasi mapagkatiwalaan ang sarili ko na maganda ako noon. But I believe in the power of love. Na hindi importante ang panlabas na anyo...nadda..nadda...naddaa... alam nyo na yun.

I got heartbroken several times with the same guy. Two years ba naman yun no? Because hope didn't get tired to stay in my heart. Haay. Ayun huminto lang talaga ako..nung I realize na wala talagang pinatutunguhan ang paghihintay ko.... na nagmumuka na akong tanga talaga. Ganun..And then...another guy came. The guy really helped me to forget him. But I fell in love with him...Haay roller coaster na buhay ito. Ayun...nadapa ako in the second time around. Repeating the history again and again...


Part 2: to be posted

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...