Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2011

A Test of Friendship

Minsan kailangan mo lang tumahimik. Huminga. Tumahimik ulit. At huminga. Ang katahimikan ang magbibigay daan sa iyo para makapag-isip ng mga tamang salita na pwedeng sabihin. Kausapin ang Diyos at humingi ng tulong. Para malinawan ka kung ano ang dapat at tamang gawin. Ngayon, ano pakiramdam mo? Galit, Awa, Lito, Inis. Puro negative eh. Sasabihin ko pa ba ang mga nararamdaman ko. Siguro ibabaon ko na lang sa limot. Palilipasin.... At palalagpasin. Isang bahagi ng sarili ko na nag-iisip na bigyan sila ng pagkakataon para makapagpaliwanag. Ang sarili ko. Gusto ko rin magpaliwanag. Para makiuso lang. Hehe. After all everybody deserves a second chance. Di ba? Alam mo yung pakiramdam na yung puso mong pula...eh may nakapalibot na usok na nanunuot sa mga unang layer ng balat ng puso mo. Tapos ang bigat dahil yung usok na yun, hindi nawawala. Andun lang nakapalibot. Naghihintay ng pagkakataon na manuot sa kailaliman. Yun ang puso ko ngayon. Sana umalis na yung usok na yun. Ang bigat sa pak...

"Fairytale"

Hindi ko masisi ko ang ilang mga tao ay sumuko at mamahinga panandalian sa paghahanap o kahit paghihintay ng pagmamahal. They been waiting for this all this life. They were rejected many times already. Masakit yun. Yung sakit ba na nakakamanhid. Kailangan ng oras para maghilom ang mga sugat na dala ng mga di magagandang karanasang ito. Sa bawat tao na nariringgan ko ng istorya ng buhay na katulad ng ganito, hindi ko maiwasang ikumpara ito sa buhay ko. I was left alone by those people that I have allowed to enter my life. Siyempre, minahal at itinuring kong isang magandang alaala ang mga oras na nakasama ko ang mga taong ito. At katulad ng taong nakakwentuhan ko ngayong gabi, parehas kaming naging biktima ng pagkakataon at mga desisyon ginawa namin sa mga buhay namin. Pero katulad ng sinabi nya, si Lord lang naman ang nakakaalam ng mga bagay na susunod na mangyayari. May dahilan ang lahat. Siguro maiintindihan din namin yun pagdating ng takdang panahon. Siya yung nagkuwento pero, ako ...