Hindi ko masisi ko ang ilang mga tao ay sumuko at mamahinga panandalian sa paghahanap o kahit paghihintay ng pagmamahal.
They been waiting for this all this life. They were rejected many times already. Masakit yun. Yung sakit ba na nakakamanhid.
Kailangan ng oras para maghilom ang mga sugat na dala ng mga di magagandang karanasang ito.
Sa bawat tao na nariringgan ko ng istorya ng buhay na katulad ng ganito, hindi ko maiwasang ikumpara ito sa buhay ko.
I was left alone by those people that I have allowed to enter my life. Siyempre, minahal at itinuring kong isang magandang alaala ang mga oras na nakasama ko ang mga taong ito.
At katulad ng taong nakakwentuhan ko ngayong gabi, parehas kaming naging biktima ng pagkakataon at mga desisyon ginawa namin sa mga buhay namin.
Pero katulad ng sinabi nya, si Lord lang naman ang nakakaalam ng mga bagay na susunod na mangyayari. May dahilan ang lahat. Siguro maiintindihan din namin yun pagdating ng takdang panahon.
Siya yung nagkuwento pero, ako yung nakaramdam ng lungkot. He is sad. He felt hopeless. Like me.
I hope someday, we will be given another shot for love. At sana this time, sa amin kakampi ang tadhana. Kami naman yung next set ng mga taong sasaya. Matagpuan na namin ang mga prinsipe at prinsesa ng mga buhay namin. Sana dumating na sa amin ang katagang - "...and they live happily ever after..."
Sana dumating na nga yun no? Sana. Sana. Sana.
Maniniwala na lang ako. Ito na lang ang meron ako. :)
Comments
:-)