Skip to main content

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe.
2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!)
3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin.
4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu!
5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :))

Siyempre...joke lang po ang lahat ng ito. Nakakapagbigay kasi ng katatawanan sa isip ko kapag iniisip kong magkatotoo. Hindi naman sa bayolente akong tao... Pero ang nai-imagine ko lang pong pagsabog eh yung walang masasaktan... Nakapanood na ba kayo ng cartoons na sa kabila ng pagsabog eh buhay pa rin ang mga characters? Hahaha! Yun ang gusto kung mangyari...Hehehe. Gusto ko lang sigurong makahanap ng katatawanan sa mga bagay na nakakainis...Sa maniwala kayo at sa hindi at wala akong intensyon na manakit...haha! :))

Gudlak na lang sa kanilang lahat! :))

Comments

Anonymous said…
sasamahan pa kita...:p
Anonymous said…
1 week ko nang gustong pasabugin ang aircon.
Anonymous said…
ako, gusto kong pasabugin ang mga taong plastik, iyong halos hindi makabasag pinggan pero sa loob pala grabeh...heheheeh
Kangel said…
@alma ritchel - haha! oo gusto ko rin iyan.. thanks for reading...

@romzkee - anu beeeh...parehas tayo ng iniisip...grrrr na talaga noh? haha@
Anonymous said…
romzkee, 1 week lng? ako last year pa. hehehe!

ok lng yan kayren, nakakainis nmn talaga eh. sasabayan pa kitang pasabugin ang mga yan.. game? game! (ung hindi lng parang cartoons..hahaha jk :P)
Anonymous said…
hahaha..malamig talaga dyan..kasi ung mga leaders dyan eh mga nakapangeskimo ang suot.hahahaha..forever gy..oki lang yan..kasi ako forever na..ehehehehehhe...sa susunod na lang hindi...sabihin mo kung kelan ang date ng pasabugan..sasama ako!!!! :D
Kangel said…
@joni - hahahha! grabe...matagal na pla iyang pagnanais mo na pasabugin e... pagplanuhan natin iyan... :))
@ j - sige sasabihan kita ng date kung kailan...haha!
Anonymous said…
i already link you up in my 3 blogs. Check it out in my profile or in my blogrolls...

keep posting! AJA!
Anonymous said…
Aba kayren, aktibistang aktibista dating mo nyan ah..hehehe, kamusta n pla yung mga bataan mo sa Laguna Chapter? :D
Kangel said…
hahhaa! ate rheena...ayun naghihintay na lang ng signal ko na magpasabog! hehe jk :P
Anonymous said…
ARSON NA TOOOO!! :P
Kangel said…
hahaha! uu nga arson na itohhh... hehe...teka sunog un ah...di naman sabog..nyahahha!
Anonymous said…
haha. kulang na lang ung attire mo kayren at toothpick. lol

ung forever gy?? isara na ang epac sa umaga at tanghali! gy na lng lahat pati presidente at ung mei ari! makaktipid pa sa kuryente! dapat fair sa lahat! at dapat mei srf din sila at evaluation quarterly!

walang lamangan!
Kangel said…
tama! mabuhay ka bwehe!!! dpat GY din sila forever!
Anonymous said…
huwaw bago temp! cute parang ikaw! :p

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l