Skip to main content

Happy 2nd Anniversary

Kamusta naman kaya ang LB?

Antagal ko na rin hindi nakakapunta sa LB? At heto na nga…finally bukas. Leave ako bukas- November 16, 2006…makakatapak muli ang paa ko sa mga luntiang damo ng freedom park…makikita ko uli ang sikat na banga ni Maria Makiling….ang ang Vetmed dorm kung tila nabubulok na rin sa katandaan…at ang lahat ng alaala ng aking college life…siguro magbabalik un lahat…for sure un…;) Very sure :)

November 16, 2006 – 2nd Anniversary
Anibesaryo ko dito sa ePac. Tama. Dalawang taon na po ako mga kapamilya…Ahehe. Dalawang taon na mabilis na pala ang nakalipas. Para sa kaalaman ng lahat eh matapos po akong makatapos ng aking degree sa UPLB at diretso po akong naghanap ng trabaho at dito nga po ako (hindi) pinalad na mapadpad. Haha!

Ang mabilis na dalawang taon na kung saan ay iba’t ibang tao na ang aking mga nakasama at nakasalamuha. May mga umalis at dumating…may mga tao akong nagustuhan at muntik ng magustuhan. At siyempre ang hindi ko malilimutan ay may isang taong sobra talagang naging malapit sa akin puso. Pero masaya na ako para sa kanya ngayon. Hinayaan lang ng Diyos na makilala ko siya at ma-realize ko na hindi talaga kami bagay sa isa’t isa…(Aww! Kadramahan talaga…hehe.)

May mga taong nainis sa akin at may mga taong kinainisan ko rin. May mga taong nagturo sa akin kung paano ko I-handle ang emotions ko….kung paano maging hindi oversensitive. At higit sa lahat yung mga taong nakilala ko na nabugbog na ng iba’t ibang tests sa buhay nila ay nakangiti ay nakakapag-share pa rin ng jokes…Haha… Siyempre ang first love ko --- ang WEBDEV.

Siyempre dumating sa career life ko ang SEO Team. Ang team na nagturo sa akin kung paano maging babae ulit…Haha! Dun kasi sa Webdev puro mga boys ang kasama ng beauty ko kaya…akala ko tlaga noon kailangan ko rin maging boy…hehe…Anyway ang team na nagturo sa akin ng Search Engine Optimization to the fullest! Nakilala ko si Google and eventually naging empleyado nya ako thru Google Adsense… hehe. Salamat kay Sir Joel na siyang nagturo ng lahat… Kumikita na rin iyan ng milyones….kaya idol talaga namin siya.

Sa SEO Team ko natutunan ang Search Engine Marketing (SEM) strategies…na siyang naging mas malaking tulong para mag-bloom ang shopping activity ko…Matagal na kasi itong patay since birth ata…haha! Kaya feeling ko it was really meant na mangyari na mapunta ako sa team na ito…para magkaroon ng raket…for additional income para sa akin at para sa family ko.

Dalawang taon…dalawang team o department na ang napuntahan ko…Andami ko na rin natutunan sa kanila. At alam ko kung ano ako ngayon ay nagkaroon sila ng malaking papel sa degree ng maturity ko, sa pag-build ng professionalism level ko, at siyempre ung self-confidence ko. Somehow naisip ko na sobrang andami ko pala talagang natutunan sa loob ng dalawang taon na kasama ko sila… (Shucks…eto na nagiging emosyonal na ako…hehe…*hikbi*).

Oh well kahit marami rin akong disappointments sa loob ng 2 taon ko ng pagta-trabaho…naisip ko na mas maigi na rin magbilang ng blessings. Mas magandang alalahanin sa mga taong mababait at may nag-bless talaga sa iyo ng sobra kaysa yung mga nakasamaan mo ng loob. Di ba? Mas ok na isipin dumaan ang mga taong yun sa buhay mo for good reasons. Kahit di ko pa alam nung una…kung ano ang magiging papel nila sa buhay ko pero in the end makikita ko na meron pala… =) At yun ang nakakatuwa talaga. =)

Naging masaya ako sa 2 taon ng pagta-trabaho. As a web developer, seo specialist and now as assistant team leader ng SEO Team namin. =) Kahit may mga umalis…huhu…at may mga darating…(sentimental level na ito to the highest level!!!) I love my work. Kasi hiningi ko ito from Him. I prayed for this job. At alam ko kahit hindi perpekto ang lahat…(totoo naman un…) ok lang sa akin. As long as I feel na ok pa…hehe…eh di ok pa… Si God naman nagbibigay sa akin ng mga opportunities eh so I guess so siya lang makapagsasabi kung hanggang kalian pa ako rito…Hehe. (Safe answer…haha!)

Happy 2nd anniversary to me!

Comments

Anonymous said…
happy anniv sis! Nice working with you! Now, i cnt imagine going to work without my favorite cubicle/seatmate hehe!

PS: Nasaan and button ng Gawad kalinga? hehehe!
Anonymous said…
hehehe! huhuhu! natutuwa ako at nalulungkot sa post na yun. anubeh!

haay. congrats sa 2nd work anniversary mo! to more years of success! cheers! hehehe

mwahness!
Kangel said…
@rom - hay naku...sooobrang mamimiss kita no.. :D

Pero naka-recover na ako sa shockness at sadness...ngayon nai-excite ako kung saan ka Nya dadalhin with your dreams. Basta ang sure lang eh...it is always the best.=)
Kangel said…
@joni - anu veh...ako rin e...tagal na rin pala...hehe =)

tama ka more years of success to come at ganun din sa iyo friendships...:)
Anonymous said…
aba kayren 2 yr mo ng dyan ah.. congrats at tumagal ka! goodluk sa darating pang mga taon!
Kangel said…
Thanks ate rheena :D
Joy said…
hello po..uhmm ive read your post..hehehe..nakaktuwa..just want to get some idea lang po sana being an SEO specialist..uhmm i have orientation po kc for that position..and di ko po alam what exactly gnagawa sa ganitong trbaho..thanks po madami..

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...